Noelle's POV

I can't believe them, ngayon lang sa buong buhay namin na mag pupustahan at sa isang babae pa.

I don't want to tolerate their actions pero if it means taking Tala away from them , it leave me no choice. I will do everything just to win her at ilayo siya sa dalawa 'to.

Chick magnet 'tong dalawa but not my Tala, she's an ordinary girl na hindi mag kakagusto sa dalawang 'to. They have zero chances, dahil sa pambubully nila kay Tala before.

I won't let them hurt her. Not again.

_______________

Maeve's POV

Akala naman nila may panlaban sila saakin. Hello, I've already kissed her. Ako parin ang lamang.

Sakanilang tatlo, nababahala lang ako kay Noelle dahil alam kong mas may chance na magustuhan siya ni Tala though hindi ko alam kung straight ba si Tala.

She pushed me away nung hinalikan ko siya pero alam ko hindi siya galit saakin. I don't wanna do this bet pero bigla nalang sumabat si Kalli, last time alam kong ayaw niya kay Tala and now she's competing with me? Take note ha, kay Tala. We all know that Tala is really out of her league. Hindi si Tala ang tipo ni Kalli.

Fudge, this is stressing me out.

________________

Tala Amara's POV

Isang linggo na ata nakakalipas simula nung natulog ako sa condo ni Kalli and simula nung araw na 'yon hindi na siya mawala wala sa isip ko.

Ano ba kase 'yong pinasok kong 'yon. Nakakainis, nakakaasar, gusto kong manakal.

"Hoy teh, kawawa 'yong papel sa'yo." Napatingin ako sa hawak ko dahil sa sinabi ni Willa.

Agad ko 'yong binitawan. Bagong bili na yellow pad pala 'tong hawak ko.

"Ano bang iniisip mo?" Tanong niya saakin.

"Wala, ano lang nagugutom lang ako." Palusot ko.

"Let's have lunch na kaya?" Suggest ni Nolla. Nakasama na siya sa circle namin kaya eto, apat na kami.

"Saan naman?" Tanong ko. Kanina pa kami walang instructor.

"Sa cafeteria?" Sawang sawa na kase ako sa pagkain sa cafeteria eh.

"Tala." Mapatingin ako sa tumawag sa'kin. Si Rhya pala.

"Ano 'yon?" Tanong ko.

"Can I talk to you? In private." Napaisip naman ako, bakit kailangang in private pa?

Tinignan ko muna 'yong dalawa-tatlo pala, biglang sumulpot sa kung saan si Paige eh. Pinaglihi talaga 'to sa kabute.

"Osige." Napangiti naman siya sa sinabi ko ata agad niya akong hinatak sa kung saan.

Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero parang familiar 'tong tinatahak naming lugar.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko.

Alam ko kase mag uusap lang kami na kaming dalawa lang eh. Maya-maya tumigil kami sa food park tapos pumili kami ng mesa.

"Anong gusto mo?" Tanong niya.

"Kahit ano nalang, ikaw na ang bahala." Nag salute pa siya sabay sabi ng noted bago umalis.

Napailing nalang ako sa naging action niya. Ang cute talaga niya pero hindi ko parin talaga bakit dinala niya ako dito. Napapaisip parin ako kung anong pag uusapan namin eh.

Four Hearts [𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝙾𝙻𝚈]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें