Worst Birthday Gift

9 3 0
                                    

November 02, 2022

Excited ako dahil birthday na ng boyfriend ko bukas. He's planning to celebrate his birthday sa bahay nila and isasama niya ako.

/*Chatting

"Baby, punta ka bukas sa bahay huh? Birthday ko bukas hindi pwedeng wala ka" saad nito sa sakin.

"Opo, I'll be there" sumbat ko naman sakanya.

Ako nga pala si Ar and he's my boyfriend, Josh.

Kinabukasan, pumasok ako ng paaralan, since mag ka-klase lang kami ng boyfriend ko ay lagi kaming nagkikita at magkasama.

"Good morning" saad nito sa akin at niyakap ako

"Good morning, po" ang sabi ko naman sakanya habang niyayakap niya ako

Hindi kasi siya nag o-online pagkagising niya, dumederesto agad siyang maligo at magbihis para pumasok. Kaya naman ay sa school niya nalang ako binabati ng Good Morning.

Uwian na namin ng tanghali

"Baby, tara kain sa canteen, libre ko" sambit niya sa'kin

"Tara ba" sabi ko naman habang natutuwa, syempre libre na yun eh

Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa aming room at umupo

"Dy, tara ml" sabi ko sakanya

"Ihhh matatalo na naman tayo" sumbat niya sa'kin

Lagi kasi kaming talo kapag kasama niya ako kaya hindi na kami gaanong nakakapaglaro ng ML.

Uwian na namin ng hapon at sinamahan ko siyang bumili ng handa niya para mamaya.

"Baby tara muna sa palengke para bumili ng handa ko, wine na rin hehehe" saad nito sa'kin

"Sigi po, wine lang huh? Baka bumili ka ng alak huh? Alam mong hindi mo'ko mapipilit uminom niyan" sagot ko naman sakanya.

"HAHAHAHAHA oo na ,baby ko" patawa niyang sagot sa'kin.

Pumunta na kami sa palengke para bumili ng mga bibilhin niya para mamaya

Pagkatapos naming bumili ay umuwi na kami sa bahay nila

-

"Hi, sis!" Sabi ko sa kapatid niyang babae na si Joy, kasama niya naman yung boyfriend niya at ang kaibigan naming si Allysa.

"Ano yarnn?" Tanong niya sa'min dahil may dala kaming wine pag uwi.

"Tanong mo jan sa kuya mo HAHAHAHA" patawang sagot ko sakanya

"Wala, wine lang 'to. Hindi naman umiinom 'yan kaya d na ako bumili ng alak" sagot niya sa kapatid niya.

Agad naman kaming nag tungo sa kwarto niya dahil pagod sa school.

Siya palang yung lalaking nag uwi sa'kin sa bahay nila kaya naman sobrang pagmamahal ko sakanya.

"Baby, wait mo'ko huh? Ready ko lang 'to" sambit niya sa'kin at hinalikan ako sa noo sabay lumabas sa kwarto

Tumango nalang ako dahil sa sobrang pagod. Bumyahe pa kasi kami pa uwi sakanilang bahay kaya pagod na pagod.

Nahiga muna ako sa kama niya habang hinihintay ko siya

Biglang may kumatok sa kwarto niya at binuksan ko naman ito.

"Baby, ilabas mo nga po saglit yung mini table ko jan, at dto na tayo kakain sa kwarto ko" utos nito sa'kin

Nilabas ko naman ito para makakain na kami

"Wine?" tanong niya sa'kin

"Yo'ko nga" sagot ko naman

"Ihh, minsan lang naman 'to, wala namang alcohol 'to ih. Pagbigyan mo na ako birthday ko naman ih" pilit nitong pagkumbinsi sa'kin

"Kahit na, ayo'ko parin, ubusin mo nalang 'yan" sagot ko sakanya at sinubuan ko nalang ng kinakain namin

"Ihhhhh" malungkot na pagkasabi nito

Pinisil ko pisngi niya at pinapatawa. "Huwag ka na malungkot, Dy" sabi ko sakanya.

Pagkatapos naming kumain at lumabas siya saglit sa kwarto niya. Iniwan niyang naka bukas yung cellphone niya at agad ko naman tinignan dahil tumunog ito.

"Happy birthday" saad ng isang babae sakanya.

Dahil na curious ako, rereply ko sana ng "thank you" ngunit pag bukas ko ng convo nila ay nagulat ako sa nakita ko

Isang lingo na pala siyang may kausap na iba at nililigawan pa niya ito.

Hindi ko mapigilang maluha sa mga nakita ko.

Pagbalik niya sa kwarto niya ay agad agad ko naman itong binaba ngunit hindi niya ito nakita.

"May sasabihin ka ba sa'kin?" tanong ko sakanya.

Napatahimik nalang siya na para bang alam niya na kung ano yung ibig kong sabihin

"Sorry, hindi ko agad sinabi sa'yo" sagot nito sa'kin

"Kailan pa?" Tanong ko sakanya

"Last week lang, napagod kasi ako sa'yo" tugon nito.

"Pwede naman nating pag usapan ih, bakit kailangan mo pang gawin 'yun?" Tanong ko sakanya habang umiiyak

"Sabi mo kasi sa'kin kung makahanap ako ng babae hahayaan mo na ako" sabi niya sa'kin at nasaktan ako sa sinabi niyang 'yon na para bang tinusok ng karayum yung puso ko.

Sinampal ko nalang siya dahil sa sinabi niya.

Totoo yung pagmamahal ko sakanya tapos naghahanap na pala siya ng iba habang minamahal ko siya.

"Za, pwede bang makitulog jan sainyo?" tanong ko sa ka klase ko.

Nag message ako sa ka klase ko na malapit lang sa bahay nila para duon muna matulog

"Pwede naman, saan ka ba? May sasakyan ka ba? " tanong nito sa'kin

"Wala huhu, andto ako kila Josh, birthday niya kasi, tapos may nalaman ako, nag che cheat pala siya sa'kin "sagot ko naman sakanya habang umiiyak

"Ano?" Gulat na patanong niya sa'kin

"Oo" malungkot kong sagot sakanya

Lumabas si Josh para tignan ako, pinapapasok niya ako sa loob ng bahay nila dahil gabi na.

Ayo'ko pumasok pero pinipilit niya ako

Nagbihis na ako para umalis, dahil lumabas siya para kumuha ng tubig.

Nang bigla siyang bumungad sa'kin at hinila sa loob.

"San ka pupunta" patanong niya sa'kin

"Uuwi na" sumbat ko sakanya

"Gabi na tapos uuwi ka?"

"Bakit pa ba ako nandto kung may iba ka na pala?"

"Pinapunta kita rito para humingi ng tawad sa'yo, naunahan mo lang ako" sabi nito sa'kin

Niyakap niya ako nang mahigpit at humingi ng tawad sa'kin habang kwinekwento yung nangyare

"1 week ago na yun, tumigil na ako sa panliligaw sakanya, sorry, tahan na" pag kumbinsi nito sa'kin habang umiiyak ako.

Isang oras siyang nakayakap sa'kin dahil hindi ako matigil sa pag iyak. Na insecure ako sa sarili ko dahil babae na 'yon eh, bakla lang ako.

Hinalikan niya ako sa noo at humihingi parin ng tawad sa'kin.

Pinatawad ko siya pero huli na ang lahat. Pinalaya ko yung taong pinakamamahal ko dahil alam kong gagawin niya lang ulit 'yon sa'kin.

"I loved to much, but it's never enough for him"

▢ Notes!
- credit to the rightful owner of the picture.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 10 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PANSAMANTALAWhere stories live. Discover now