Kabanata 1

14 1 0
                                    

Patuloy sa pagdaloy ang luha mula sa aking mga mata dahilan ng panlalabo ng paningin ko habang nagmamaneho ako. Marahas kong pinunasan ang pisngi ko pero patuloy pa rin sa pag-agos yung luha ko. Pero kahit ga'no pa kadami ang iluha ko, 'di pa rin sapat para matigil yung sakit na nararamdaman ko.

Nakakapagod.

Sa mundong halos isamba ko ang lahat ng tao sa paligid ko, bakit 'di pa rin naging sapat iyon para respetuhin nila ako?

Ilang oras na 'kong nagmamaneho, malayo na rin ang narating ko pero patuloy pa rin ako sa pagd-drive kahit na wala akong ideya kung saan ako pupunta. Gusto ko lang makalayo.

Napalingon ako sa cellphone kong nakalagay sa phone stand nang mag-ring ito.

Kalen is calling...

Napatigil ako sa pagmamaneho, ni wala na 'kong pakealam kahit 'di ko naitabi ang sasakyan. Nasa gitna naman ako ng kawalan, parang ako lang naman ang dumadaan dito.

Sandaling napatitig ako sa screen ng cellphone ko. Patuloy pa rin ito sa pagtunog.

Napabuntong-hininga ako at kinuha ito. Saglit ko itong tinignan at shinut down. Ayoko munang makipag-usap kahit kanino. 'Wag muna ngayon.

Nagpatuloy ulit ako sa pagmamaneho hanggang sa makarating ako sa isang bangin. Ipinark ko sa gilid ang kotse ko at naupo sa gilid ng bangin.

Mukhang buong araw akong nagmaneho dahil palubog na pala ang araw. Hindi ko napansin.

Maganda ang view, overlooking. No city lights, just nature. Puro mga puno ang view. Ang presko ng simoy ng hangin kahit dapit-hapon na. Malayong-malayo sa siyudad ng Maynila na nakapaingay at gulo.

Nilabas ko ang earbuds ko at shinuffle play yung spotify ko.

Coffee Breath by Sofia Mills was playing when I noticed someone parking a car next to mine. Napataas ang kilay ko. Sino 'to?

May lumabas na lalaki mula sa driver's seat at naglakad din sa may gilid ng bangin. 'Di naman siya gano'n kalayo mula sa 'kin, 'di rin gano'n kalapit. Mga tatlo o apat na dipa ang pagitan namin.

Tinanggal ko ang isang earbuds ko, "Excuse me? Pwesto ko 'to." sabi ko habang nakataas ang kilay at hawak sa kanang kamay ko ang right earbud ko. Nagmo-moment ako e. Kaya nga ako nagmaneho nang pagkalayu-layo para mapag-isa ta's may sisira n'on?

"Talaga?," lumingon-lumingon ito tinignan ang inuupuan niya, "ano bang pangalan mo? Wala namang nakalagay na pangalan dito, ah?" Tss, pilosopo.

Napaikot ako ng mata.

'Di ko na lang siya pinansin pa at ibinalik uli ang tingin sa sunset. Isasalpak ko na sana ulit yung isang earbud kaso narinig ko siyang nagsalita, "Ang ganda, 'no?"

Napalingon ako sa kanya. Nakatitig siya sa sunset, tila ipinapabatid na iyong sunset ang tinutukoy niya.

In-off ko ang sounds ko at earbuds at ibinulsa ito.

"Oo, maganda nga. Napakaganda." Ironic, kung gaano kaganda ang nakikita ng mga mata ko, ganoon naman kapangit ang nararamdaman ko.

"Nakakatawa, kung gaano kaganda ang nakikita natin, ganoon naman kapangit ang nararamdaman natin." Napakunot ang noo ko. I was just thinking that!

"Paano mo naman nasabi na masama ang loob ko?" tanong ko. Ano siya, manghuhula?

"Miss, it's not hard to guess. Your face says it all. Ang sungit-sungit mo pa." Natawa siya sa sarili niyang biro. Napakunot ang noo ko, feeling close? "Joke lang, 'to naman." Inirapan ko na lang.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 04 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

KalawakanWhere stories live. Discover now