Chapter 04

346 5 0
                                    

Nakatingin ako sa bintana ng mamahaling kotse na sinasakyan ko ngayon.

Ayaw akong ihatid ni Elias, may gagawin pa raw siya at busy siyang tao.

Daming dahilan, hindi nalang sabihin na ayaw niya lang talaga akong ihatid kasi mataas ang pride niya at hindi natanggap ng mga utos.

"Nandito na po tayo, Ma'am."

Napatingin ako sa driver nang magsalita ito.

"Salamat po sa paghatid," sambit ko.

Tumango lang ito kaya bumaba na ako.

Malapit na ako sa bahay ko, nangunot ang noo ko nang marinig ang mga kapitbahay kong nasigaw, ang iingay nila.

Mga nagkakagulo, nanlaki ang mga mata ko nang makita kung ano ang pinagkakaguluhan nila.

Nasusunog ang bahay ko, sobrang laki ng apoy halos hindi na makita ang bahay ko.

"Tabi! Padaanin niyo ko!" Sigaw ko sa mga taong nakaharang sa daan.

Pilit kong isiniksik ang katawan sa kumpulan ng mga tao.

Yung iniipon kong pera ay nasa loob, pati ang mga litrato namin nila papa. Kailangan kong makuha iyon.

Tangkang papasok na ako sa loob ng nag-aapoy na bahay pero may pumigil sakin.

"Huwag mo nang pasukin! Ang laki na ang apoy!" Pigil sakin ng mga kapitbahay ko.

"'Wag ka nang pumasok! Malaki na ang apoy, wala ka ng maisasalbang mga gamit!"

"Tumawag na kayo ng bumbero!"

"Paparating na! Tumawag na ako!"

Hindi ko pinansin ang mga kapitbahay ko.

Tinignan ko ang bahay na nag-aapoy, hindi pa siguro nasusunog ang metal na kahon na pinaglagyan ko ng mga litrato namin ni papa at yung iniipon ko.

Kumawala ako sa pagkakahawak sakin ng mga kapitbahay ko at tumakbo papasok sa nag-aapoy na bahay.

Narinig ko ang pagtawag sakin ng mga tao pero hindi ko sila pinansin.

Tinakpan ko ang ilong at bibig, umuubo kong tinungo ang kwarto ko.

Dumapa ako sa sahig at tinignan ang ilalim ng aking kama. Nabawasan ang pangamba ko ng makita roon ang kahon kung saan nakalagay ang mga natitirang ala-ala ko sa ama ko.

Kinuha ko iyon at niyakap, may nakita akong tuwalya na hindi pa naaapektuhan ng apoy kaya kinuha ko iyon at itinakip sa bibig at ilong ko.

Yakap-yakap ko ang kahon habang hinahanap ang daan palabas.

Takte, hindi ko na makita ang daan palabas dahil sa kapal ng usok at apoy.

Ubo ako nang ubo habang hinahanap pa rin ang daan.

Laking pasalamat ko nang makita ko ang daan palabas.

Puro apoy ang nasa paligid ko, ang init, hindi ako makahinga sa usok.

Mabilis akong naglakad patungo sa pintong may apoy ang mga gilid.

Sobrang lapit ko na sa pintuan pero napaatras ako nang may bumagsak na malaking kahoy mula sa taas.

Humarang ang kahoy na iyon sa daan ko, malaki at malapad iyon kaya hindi pwedeng basta lakdangan lang. Hindi pa nakatulong ang apoy sa ibabaw non.

Lumalaki na ang apoy, paano ako makakalabas nito? Tangina, mag-isip ka ng paraan, Aria.

Hindi na ako makahinga nang-ayos, kinakapos na ako sa hangin.

Handa ko na sanang talunin ang kahoy at magdive palabas pero muli akong napaatras nang may bumagsak na namang mga maliliit na kahoy at fly wood.

Katapusan ko na ba?

Wala na talagang ibang madadaanan palabas. Binalak kong bumalik sa kwarto pero hindi na rin ako makapasok doon dahil puro apoy na iyon.

Wala na akong nagawa kundi ang umiyak at sumigaw ng saklolo.

Napaupo na ako sa sahig dahil sa panlalambot ng tuhod ko. Kinakapos na ako ng hangin.

Ubo ako nang ubo habang naiyak. Hindi na ako nakasigaw dahil ang sakit na ng lalamunan ko at wala na akong boses.

"Ah!" Sigaw ko nang may mahulog na kung ano sa likod ko.

Mabigat ang bagay na iyon kaya napadapa ako sa sahig.

Pilit kong inaalis ang bagay na iyon pero dahil sa panlalambot hindi ko manlang naigalaw iyon.

Katapusan ko na ba talaga, Lord? Tangina naman hindi ko pa nga nakikilala lalakeng makakatuluyan ko habang buhay.

Please, tulungan niyo ko. Kahit sino, sana may dumating dito at tulungan ako.

Hindi ko na kaya. Nanlalabo na ang mga mata ko, hindi ako makahinga, ang sakit ng likod ko dahil sa nakapatong na kahoy.

Umiiyak kong inabot ang kahon kung nasaan ang mga ala-ala ko kasama si Papa.

"Pa, m-makakasama n-na rin kita s-sa wakas."

Sa huling sandali ay ngumiti ako bago tuluyang nagdilim ang paningin ko.

Bago ako tuluyang mawalan ng malay ay may narinig akong sumigaw ng pangalan ko.

"ARIANA!"

My Husband Is A Mafia Boss [Mafia Series #1]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن