"W-Wala akong pambili."

Kumuha ako ng isang libo sa wallet ko at iniabot sa kanya. "Last money ko na 'yan, hindi pa ako binibigyan ni Tito ng suweldo ko ngayong buwan, ewan ko nga kung bibigyan pa ba ako."

Kinuha niya ay jacket niya at nagsuot ng bucket hat. "B-Bibili lang ako tapos babalik din ako agad."

"Teka. Ako na lang pala ang bibili ng gamot mo, may pupuntahan din ako saglit eh at saka ibibili ko ng regalo si Clarry, nakakahiya naman kung ako lang ang walang regalo. Dito ka na lang muna sa kuwarto, magpahinga ka. Ako na lang ang tutulong sa kanila pagbalik ko."

Pumasok ako sa banyo at naligo saglit.

"S-Sissy.."

"Bakit na naman?" Tanong ko paglabas ko ng banyo, para siyang maamong tupa na nakatingin sa akin.

"A-About what happened noong nakaraan, natakot ako e, nataranta ako kaya hinayaan lang kita dito sa sahig. Alam mo naman takot ko sa dugo e 'di ba? Dahil dun kay Olivia.."

"Eh paano kung namatay ako that night? Paano ka na?" Napatungo siya, "Forget about that, kahit ano'ng mangyari, kapatid kita. Sana naiisip mo din 'yon. Aalis na ako para makabalik ako agad, magpahinga ka lang d'yan, huwag kang bababa."

Tumango siya at humiga sa kama.

Nararamdaman kong hindi siya okay kaya imbes na mainis ako at magalit sa kanya, inintindi ko na lang ang sitwasyon niya.

Sumilip muna ako sa labas bago lumabas ng kuwarto.

"Saan ka pupunta?" Napahinto ako sa paglalakad.

"Bibili lang po saglit ng gamot, babalik din po ako agad." Sagot ko kay Tita Alpa, pinalampas ko na lang 'yong pagsampal niya sa akin.

"Anak, babalik ka ba agad?"

Lumingon ako. "Opo Tito."

"Ibili mo nga ako ng hipon, dalawang kilo." Inabutan niya ako ng pera.

"Sige po Tito, 'yon lang po ba?"

"Oo, at mag-uusap tayo mamaya pag-uwi mo." Tumango lang ako at lumabas na ng bahay.

“We need to talk later.” Text ni Kaley sa akin

“Hinihintay ko pa rin ang tawag mo Tyra, sana okay ka lang.” Text naman ni Joepette

“Anak, text ka lang kapag may kailangan kayo d'yan.” Text ni Mang Jun, tatawagan ko na sana si Tito Chordie pero biglang nagtext si Ely.

“Nandito kami ngayon kay Tatay, isinama ko si Eya. Dito na muna siya sa Lolo niya dahil maraming iniutos sa amin si Sir Drammy buong linggo, walang magbabantay sa kanya. Kung gusto mong makausap ang anak natin, tawagan mo lang si Tatay. Miss na kita.” Text niya, napabuntong hininga ako.

Malapit na, makakasama ko rin si Erra.

“Tatawagan ko mamaya.” Reply ko kay Ely at tinawagan ko na nga si Tito Chordie para sa mga plano namin.

"Ilalabas ko na ngayon si Mike."

"Maraming bantay Tito, mag-iingat po kayo."

"Oo naman, napagplanuhan ko na. At si Khalil, nasa isang rehabilitation center siya, dinala ko siya doon para mapadali ang paggaling niya."

"Maraming salamat po Tito Chordie. Hindi ko naman po gustong isabay sa celebration ng birthday ni Clarry ang revelation pero wala po akong choice, ngayon lang po kami mako-kompleto."

"Gawin mo lang kung ano ang sa tingin mo ay tama, Tyra. Para din naman sa inyo 'yan ng kapatid mo. Imposibleng walang masasaktan sa gagawin mo peroas mabuti ng may masaktan kaysa hindi mo sabihin ang totoo, wala namang may gustong mabuhay sa kasinungalingan."

You're My Missing String [GYTE ARAH "The Guitar Princess"] Book 3Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum