056

1 0 0
                                    

Napatulala na lamang si Soobin sa kisame ng kwarto habang umeere ang aircon sa loob nito dahilan para sakupin ang lamig ng buong silid. Pagkatapos tanungin ni Ayel kung kamusta na silang dalawa ni Jihyo ay saka pa niya inaalala ang kanilang nakaraan - na ngayon ay naudlot na nang dahil sa kalituhan at mga what-ifs sa buhay nila.

Nagpabuga na lamang ng hininga ang binata sa kawalan, sapagkat kung kailan lumamig ang buong paligid ay ang pagsibol ng init mula sa kanyang nararamdaman.

Kung kailan nanigas ang kanyang puso ay agad na itong palalambutin nang dahil sa kanya.

Ang babaeng nagparamdam sa kanya kung paano ito magmahal subalit... tinapos na lamang ang lahat.

At ang mas masklap?

Ito ang huling beses na nasabi na ang tatlong salitang nais aminin sa kanya, pero hindi ang iilang mga salita-

Gusto kita.

At ano ba talaga tayo?

Namuo na kaagad ang luha sa mga mata ng binata na siyang hudyat upang paglandasin ito papunta sa kanyang pisngi. Akala niya noong una nang alokin siya nito sa VBING ay pawang pamemeke lamang ang gagawin niya subalit habang tumatagal ay rito niya na napagtanto.

Na kapag nahulog ka sa isang tao na nakilala mo online, aba, talo ka.

Pinunasan niya ang kanyang luha at pagkatapos ay kinuha niya ang kanyang cellphone upang i-search sa VBING ang pangalan ng dati niyang nobya. Inuna niya muna ito sa isang username: sparklypjh. Subalit nang pinindot nito ang search button ay agad nang nawala ang username niya.

Napaisip si Soobin na baka nagpalit siya ng username sa nasabing app gayong ito lamang ang tanging username na alam niya bukod sa isa. Matapos nito ay sinunod niyang sinearch ang buong pangalan ni Jihyo - at hindi siya nagkakamali.

Dahil noong nagparamdam sa kanya ang mala-anghel na hitsura nito ay agad nagising ang pusong matagal nang natutulog sa loob ng dalawang taon. Oo, dalawang taon na ang lumipas simula noong nawala siya sa social media at bumalik siya sa pagiging NGSB noong pumasok siya sa kolehiyo. Hindi siya nag-entertain ng kahit anong babae sa buhay niya, pero ngayon ay dapat nating sisihin si Ayel sa pagpapaalala nito sa kanyang kaibigan sapagkat sa pagpindot ng profile ni Jihyo ay magugulat na lamang siya sa kanyang nakita...

*****

- PROFILE -

Name: Park JihyoNickname: HyoPronouns: sheUsername: littlemisshyo

Oops! Bu görüntü içerik kurallarımıza uymuyor. Yayımlamaya devam etmek için görüntüyü kaldırmayı ya da başka bir görüntü yüklemeyi deneyin.

Name: Park Jihyo
Nickname: Hyo
Pronouns: she
Username: littlemisshyo

My username's funny, isn't it?

be mine, thenHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin