Chapter 209 | Listen To Me

2 1 1
                                    

You're Mine
Chapter 209 | Listen To Me

KAUSAP NI DON MANOLO SI NURSE ED.

Don Manolo: Anong nangyari? Hindi ba sabi ko sa inyo na siguraduhin ninyo na magwawala si Minerva para nang sa ganun eh magkaroon ako ng rason para ibalik siya sa mental asylum? Bakit siya nakahandusay sa sahig kanina?

Nurse Ed: Eh pinainom ko naman po siya ng gamot eh tapos nung nagwawala na po siya tsaka ko po siya pinalabas ng kwarto. Hindi ko po alam kung bakit siya nawalan ng malay.

DUMATING SI ELIZABETH.

Elizabeth: Lolo.

Don Manolo: (Napalingon) Kamusta ang Mommy Minerva mo?

Elizabeth: Okay naman po. Nagkamalay na po siya. Kasama po siya ni Cassandra sa kwarto niya.

Don Manolo: Bakit mo hinayang samahan ni Cassandra si Minerva? Baka magwala 'yun at masaktan niya si Cassandra.

Elizabeth: Bakit lolo, dahil ba inuutusan ninyo ang nurse na ito na painumin ng gamot pampabaliw si Mommy Minerva?

NATIGILAN SI DON MANOLO.
TUMUNGO NAMAN SI NURSE ED.

Don Manolo: What are you saying?

Elizabeth: Lolo, I know what you are doing with Mommy Minerva. Please itigil niyo na po ito. Alam kong malaki ang kasalanan niya sa inyo pero hindi naman kayo masamang tao para gawin ito diba?

DUMATING SI CASSANDRA.

Cassandra: Is it true Lolo?

NAPALINGON SINA DON MANOLO AT ELIZABETH.

Elizabeth: Cassandra?

Cassandra: (Lumapit kay Don Manolo) Totoo po ba Lolo? Mas binabaliw niyo pa si Tita Minerva?

HINDI NAGSALITA SI DON MANOLO.

Cassandra: Pinabalik niyo nga siya dito sa mansion pero inuutusan niyo naman ang mga nurse niya na baliwin pa siya lalo! Para ano, para ibalik niyo siya sa mental hospital?

Don Manolo: Dahil ayokong bumalik siya sa katinuan niya! Dahil kapag nangyari 'yun siguradong magiging banta na naman siya sa buhay nating lahat!

Cassandra: Lolo can't you see? Wala nang kalaban laban si Tita Minerva sa inyo! Bakit pa ba kayo natatakot sa kanya?

Don Manolo: Hindi ako natatakot sa kanya, gusto ko lang protektahan ang pamilya natin!

Cassandra: Protektahan ang pamilya natin o protektahan ang kayamanan ninyo?

Elizabeth: Cassandra stop it. Huwag mong pagtaasan ng boses si Lolo.

Don Manolo: Hayaan mo siya Elizabeth.

TINIGNAN NI DON MANOLO SI CASSANDRA.

Don Manolo: You want your Tita Minerva to go back to normal? Fine. From now on kayo na ang mag alaga sa kanya, I don't care kung ipagamot niyo siya sa ibang doktor pero wala kayong aasahan sa aking tulong pinansyal! Ipagamot niyo siya using your own money at kapag gumaling na siya itutuloy ko pa rin ang kaso laban sa kanya at batas na ang bahalang magparusa sa kanya!

NAG WALK OUT SI DON MANOLO.
NAGKATINGINAN SINA CASSANDRA AT ELIZABETH.

Cassandra: (Tumingin kay Nurse Ed) Ano pang ginagawa mo dito? Umalis ka na dahil tapos na ang trabaho mo!

UMALIS NA SI NURSE ED.
•••••••••••••••••••••••••••••
SA KWARTO NINA MANUEL AT BRENDA.
NAKAHIGA NA SILA AT NAG UUSAP.

Manuel: Ang sabi ni Papa ipinapaubaya na niya kina Cassandra at Elizabeth ang pag aalaga kay Ate Minerva.

Brenda: Ano? Hindi ba magiging problema 'yun?

YOU'RE MINE (COMPLETED)Where stories live. Discover now