six

679 16 0
                                    

Roni's POV

'Good morning po tita, tito!'

'oh Basti ang aga mo yata?' bakas ang pagkagulat na sabi ni mommy

'pasensya na po hindi ako nakapagsabing pupunta po ako' nahihiya pang sabi niya

'wala yon iho. Tamang tama nag b-breakfast pa lang kami kain ka' alok ni mommy na akmang tatayo na para asikasuhin siya

'ay tita hindi na po kakakain ko lang din po sa bahay eh'

'sure ka?' paninigurado pa ni mommy

'opo tita'

'oh eh bakit ka ba napadalaw iho?'

'ipapaalam ko po sana si Roni kung pwede ko po siya yayain lumabas mamaya eh'

'huh?' gulat na tanong ko

'kung okay lang po sana sainyo tsaka kay Roni'

'okay lang naman samin basta mag iingat kayo ha? At ikaw ng bahala sa anak ko' pagbibilin ni daddy 'teka hindi ako prepared'

'opo tito, salamat po!'

'teka saan ba kayo pupunta?'

'mag d-dinner lang po'

'Hi, Roni!' agad naman ako napalingon sa pinto nakita ko si Borj

'ang aaga niyo yata' natatawang sabi ni mommy na binibigyan ako ng mapang asar na tingin

'naku may naaamoy yata ako parang..' 'parang nagsusulputan mga manliligaw ng anak ko'

'daddy!' saway ko

'halika Borj kain ka'

'ah hindi na po napadaan lang din po ako' kitang kita ko kung paano nagbago ang mood ng isang Benjamin

'maghuhugas lang ako ng plato pare puntahan kita sainyo pagkatapos' sabi ni kuya habang nagliligpit tumango lang si Borj tapos umalis na din


'sis kahit ako nagulat no' sabi ko nandito ko ngayon kila Jelai at sumunod naman si Missy dahil kailangan kong mailabas sakanila ang nararamdaman ko 'tapos ito pa dumating din si Borj'

'ano!?' sabay na tanong nila

'hindi din naman nag tagal nung narinig na lalabas kami ni Basti ewan ko bigla nalang nag bago ang mood'

'alam mo sis naiintindihan ko si Borj eh..' ani Jelai  napakunot naman ang noo ko 'kasi for how many years pinaparamdam niya yung nararamdaman niya sayo at saksi kami don. Tapos nung first attempt niya na ligawan ka bawal pa so nirespeto niya yung desisyon nila Tita Marite at Tito Charlie tapos ngayon naman na pwede na feeling niya siguro napapaburan si Basti'

'eh sis hindi naman nanliligaw si Basti--' hindi niya na pinatapos ang sasabihin ko

'hindi pa siguro' napaisip ako sa sinabi niya

'wag niyo muna isipin si Borj, mabuti pa ang isipin muna natin ngayon ay yung para mamaya' sabat ni Missy

'so may napili kanang susuotin?' tanong ni Jelai

'wala pa'

'kaming bahala sayo sis' excited na sabi ni Missy na para bang naiisip na ang magiging ayos ko




'tita, tito dito po muna kami' paalam ni Basti

'Basti ikaw ng bahala sa baby ko ha' bilin ni mom

'mag ingat kayo' ani Daddy tsaka tinapik sa balikat si Basti humalik muna ako sakanila bago sumakay ng sasakyan ni Basti pinag buksan niya ako

Where was I?Onde as histórias ganham vida. Descobre agora