KINATOK KO ang pinto sa pag aakalang may tao pero wala namang sumasagot . May tao ba talaga rito o wala? Parang wala naman dahil sira-sira na ang kabuuan pero pwede naman ng pag tiisan kaya itinulak ko ang pinto . Napapiksi pa ako ng lumangitngit ang bisagra ng pinto at bumungad sa akin ang magandang balangkas ng bahay.

Pumasok agad ako ng dahil sa pagkamangha. Wala namang tao kya pwede siguro ako rito noh? Inilibot ko ang tingin sa bahay. Maliit lamang at simple pero di tulad ng mga kubong maliit na nga ay wala pang dating. Sa kaliwang bahagi na malapit sa pinto ay may isang painting na may hawak na scroll. Maliliit ang sulat kaya hindi ko maitindihan ngunit kung malaki naman ay hindi ko rin maiintindihan dahil sa iba ang sulat na nanduon. Tinitigan ko lang iyon na parang nakita ko na iyon ngunit hindi ko maalala kung saan. May kahawig at kamukha siya pero hindi ko maalala kung ano.

" Tara na Cinderella."

Saan nanggaling yun? Bulong ko sa sarili ko habang naglalakad papasok sa bahay na tila walang hangganan. Maliit ang tinig at pino ngunit narinig konpa rin at nanuot sa tenga ko nakakapangilabot iyun pero ipinagpatuloy ko pa rin ang paglakad. Kanina pa ako naglalakad pero wala naman akong makitang pinto uli palabas . Kanina dumaan na ko dito eh bakit nandito na naman ako? Hayst ganto ba lalaki ang bahay na 'to? Kahit na masakit na ang paa ko ay naglakad pa rin ako . May hangganan ba itong lugar na ito? Kung wala edi wow dito na lang ako forever kahit na wala naman atang forever. Wala eh bitter ako hindi ako naniniwala sa forever. kahit naman na may asawa akong malibog ay wala talaga akong bilib sa FOREVER maghihiwalay din kami. I knew it.

" Tara na Cinderella."


Muli ko na namang narinig ang maliit na tinig na iyon na nanunuot sa tenga ko. Napatakip ako ng tenga ngunit nag eecho pa rin ang tinig na iyon sa tenga ko. Paulit-ulit iyon at walang humpay.

" Hoy babae asan ka ba? "


Napaupo ako dahil sa sobrang pagkabingi sa naririnig ko. Ayoko na tama na. Tama na. Ayoko na.

" Ayoko na!" sigaw ko habang hawa pa rin ang tenga ko. Naglandas ang mumunting luha sa mga mata ko kahit na tinitiis ko ang pagtulo nito. Napakasakit sa tenga. Ayoko na please.

Please!!!!

" Hindi ako titigil Cinderella.Hindi!!!" inaangat ko ang ulo ko muka sa pagkakayuko ng marinig ko ang galit na tinig na iyon. Tinitiyak kong walang tao ngunit mula sa isang silid na kulay itim ang kulay. Kulay itim ang kanyang suot at may saksak siya sa tyan , hindi ko sigurado kung saksak nga iyon pero may dugo na umaagos duon. Nakalahad ang mga kamay niya na para bang inaaya niya ako palapit sa kanya.

" Tara na! Hindi ka sasama?" galit na galit ang tono niya . Pinipilit niya ko. Ou pinipilit niya akong sumama sa kanya. Pero sino siya. May kamukha siya pero hindi ko maalala na para bang nabura lahat ng nasa isip ko. Sino ba siya?

Nanginginig akong tumayo habang titig sa kanyang mukha. Buo pa ang mukha niya ay kitang kita ang mga mata niyang may galit . Sino siya? Kanino siya may galit? Bakit nasa harap ko siya? Habang binabaha ko ng tanong ay paatras akong naglakad siya naman ay lumalapit sa akin.

" Darn it Cindi dont do this to me. Im a sex god not a hunter. Come on ."

Muli kong tinakpan ang tenga ko dahil sa paulit-ulit kong naririnig . Masakit sa tenga ang tinig na iyon ngunit hindi ko naman alam kung saan galing. Nasaan ba ako? Pulsates nasaan ka ba? Please magpakita ka.


" Pulsates asan ka? Pulsates" paos na ang boses ko kakasigaw ngunit walang pulsates na lumalabas. Natatakot na ako. Nakatingin pa rin sa akin ang babae habang ang tingin niya sa akin ay masama . Kitang kita ko ang mapupula niyang mata na halos maluwa na ngunit sa kabila ng mga iyon ay bakas ang kagandahan niya noong kabataan. Kagandahang sa palagay ko ay nakita ko na.

" Sumama ka na Cindi sasabihin ko ang lahat sayo. Maniwala ka. Wala kang asawa. Sumama ka na." sambit niya na papalapit ng papalapit sa akin . Napakalamig ng boses niya na tila ba galing sa hukay.


" Sumama ka na Cindi sasabihin ko ang lahat sayo. Maniwala ka. Wala kang asawa. Sumama ka na."

Anong ibig sabihin niya sa bagay na iyon? Paanong wala akong asawa? Anong dapat kong malaman?


Napahinto ako sa pag atras agad kong nilingon ng paghinto ko isang salamin ...salamin.. salaming may mukha ko ....kasama ang isang


Muli kong ibinaling ang tingin sa babae nakalahad pa rin ang kamay niya. Inilibot ko ang paningin ko ng makarinig ng mga yabag palapitbsa kinatatayuan ko. Amoy na amoy ko ang pamilyar na amoy ng pabango na kumakalat sa hangin. Napangiwi ang babae ngunit hindi niya inaalis ang tingin at ang kamay niya sa ere sa pag aakalang sasama ako sa kanya.

" Cindi Wake up!" with that voice unti-unting naagnas ang babaeng nasa harap ko at unti-unti namang napunit na parang papel ang mga sawali at nagdilim ang paligid gayundin ang paningin ko. Wala na akong makita kuni kadiliman . Kasabay nuon ang paghihina ko at tuluyang pagkalugmok . Mahinang pagtangis na lamangang naririnig ng diwa kong buhay ngunit pikit ang aking mga mata.


When Cinderella deals with aVampireOnde histórias criam vida. Descubra agora