Ward 10: Suspicious Behavior

7 0 0
                                    

"Aly, may sasabihin ako sayo," saad niya. "Ano yun?" tanong naman ni Aly.

"Tungkol ito kay Frank. Kakaiba yung kilos na pinapakita niya ngayon, atsaka kakamatay pa lang ni Deborah, ayan," tinuro niya si Frank at tumingin ito ng masama sa kanya.

Nanlilisik ang mga mata ni Frank.

Nag-iiba na ang pananaw nila kay Frank. Masyado nang kakaiba ang kinikilos niya.

Hanggang noong gabing iyon.....

Nakita na nila ang totoong pagkatao ni Frank.

"AAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!" sigaw ng mga babae. Natatakot na talaga sila sa mangyayari.

Lalo na sa kanilang mga kasama.

Kinabukasan, nagising na lang sila nang duguan na ang kwarto nila Rosann. Hindi na sila natutuwa sa mga nangyayari.

Wala na si Frank sa kwartong iyon. Si Rosann naman, kinain na ng asawa niya. Tanggal ang ulo. Lasug-lasog ang katawan, kagaya kay Deborah. Duguan. Kalunos-lunos tignan. Ayaw nilang hawakan dahil katawan ni Rosann iyon.

Umiiyak na si Aly sa inis. Hindi naman pinalampas ni Gio ang pagpapatahan dito.

Samantala, sinimulan na niyang kumain ng tao. Nakakatakot ang kanyang itsura. May pagkakuba. Dugo ng tao ang kailangan niya.

Hindi yan ang Frank na kilala nilang tatlo. Hindi yan ang mabait na asawa ni Rosann.

Sino siya?

Tumatakbo na lang sila palayo sa ward, umaasang makakaligtas sila. Hindi na nila kayang manatili pa sa loob ng ward o ng ospital na iyon.

Makalipas ang ilang araw, nakarating sila sa isang isla malayo sa mga tinitirhan ng mga halimaw. Hinayaan na lang nila si Frank doon sa takot na mangyayari din sa kanila ang sinapit nina Deborah at Rosann. Isang kalunos-lunos na karanasang hinding-hindi nila malilimutan.

[NU] Ward 25 (back on track!)Onde histórias criam vida. Descubra agora