Chapter 29: Fryxelle Way

61 13 0
                                    

WARNING: This chapter contains depictions of physical abuse, torture, poison.

***

VAI.

Ilang araw matapos noong usapan namin ni Rye ay bigla na lang akong ngising maingay na kapaligiran. Parang tunog ng mga bakal, mga nakakarinding sigawan at parang mga iyakan. Hindi ko alam kung ano ang uunahin kong pagpokusan na marinig.

I opened my eyes when I heard the noise outside was coming closer. Dali-dali akong bumangon para lumabas nang kwarto, saka ko lang nadatnan si Jam na balisa at nagmamadali, hindi alam kung ano ang gagawin.

"Jam?" I called her. "Ano'ng mayroon?"

Bumaling siya sa 'kin at natatarantang hinawakan ang magkabilang balikat ko. "Listen, Vai. Kahit ano'ng mangyari, 'wag na 'wag kang lalabas. Everything is ruckus out there! Tingnan mo," ipinakita niya sa 'kin ang cellphone niya. Live video ito ng mga estudyante na kasalukuyang naglalabanan.

I winced when I saw a student banging a metal on a student's face. Napapikit na lang ako nang makita ang dugong lumabas mula rito. Hindi ko na tinapos ang panonood at tumingin na lang kay Jam.

She turned her phone off and inserted it inside her pocket. She sighed, "Bigla na lang inatake ng mga estudyante sa labas ang kapwa nilang estudyante. I've been thinking . . . baka kasali sila do'n sa grupo ni Fay. Ano ngang tawag do'n?"

"Serpentines," I answered.

"Ah, 'yon. Ewan ko lang at baka mali ang hula ko at talagang ginawa lang 'to ng mga estudyante dahil gusto nila, hindi dahil sa inuutusan sila. Pero pakiramdam ko talaga, Vai, may kinalaman ang mga Serpents dito."

"Serpentines, Jam." I corrected. Napakamot nalang siya ng ulo niya at napailing, saka siya natulala sa kawalan.

Ngayon ko lang din napansin na nakasarado ang lahat ng nagbibigay access sa 'min sa labas. Mga bintana at pintuan.

Rinig pa rin ang ingay sa labas nang inilabas ko ang cellphone ko at tinawagan ang group chat namin sa Detective Club. Tanging ang dalawang babae lang ang sumagot sa tawag.

[Hello?] I heard Acantha, maingay din ang background niya. [Nasa Detective Club kami ni Clyde, hindi rin kami makalabas. Nasaan kayo?]

I heard Lili's voice answering her. Hindi tulad ng mga background namin ni Aca ay walang ingay sa kanya. [What's happening? What's that noise? Nasaan kayo? Bakit hindi kayo makalabas?]

Lili is currently out of school together with Evan. Finally ay pinayagan din sila ng mga Fryxelle na lumabas at hanapin ang mga biological parents nila kaya wala sila rito ngayon.

"Nasa dorm ako," I answered their question. "Kasama ko si Jam, hindi rin kami makalabas." I informed them.

Si Acantha na ang sumagot kay Lili. [Hay, nako, Liliane! Timing ang pag-out of town ninyo dahil nagkakagulo na rito sa Fryxelle High!]

[Why? What happened?] It was Evan. Binigay yata ni Lili sa kanya ang phone.

[Rebel students are coming out. Some students are reportedly missing, marami ang nag-contact sa club pero hindi kami makakatulong dahil nagkakagulo sa labas. Some are throwing death threats at the school and the faculty. Without any fucking reason. Nagising nalang ako, tapos ganito na ang nadatnan ko!]

Nag-end ang call sa pagpapaalam namin sa isa't-isa na mag-ingat at bibilisan daw ni Evan at Lili ang paghahanap para mabilis silang makauwi.

Napagpasyahan kong pumasok muli sa kwarto ko at doon ko binuksan ang bintana para tumingin sa labas. Since my from is facing the front, sa bandang may open lawn ang nakikita sa bintana ko.

Fryxelle High: School of Gangsters [COMPLETED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt