"Hindi ako humihiling na sana gan'on na nga. Look at the reality of life Zamara, do not dwell in the realm of imagination."

Matino naman pala siya kausap?

Umiwas ako ng tingin at napaisip sa sinabi niya.

"I know it's hard to accept, especially when almost everything has been taken away from you. I just want you to prepare yourself, so that somehow you can manage on your own."

Saglit na natahimik kaming dalawa.

Pinipigilan kong 'wag umiyak sa harapan ni Lucas. Tinuon pansin ko na lang yung sarili ko sa kinakain ko.

Kung minamalas ka nga naman nabulunan pa nga ako!

"Oh tubig, dahan-dahan kasi alam kong masarap yung luto ko." Hindi ako nag dalawang isip na kunin ang tubig na inabot sa akin ni Lucas at ininom agad.

Tumingin ako ng masama kay Lucas paano ba naman kung titigan ako parang hinuhusgahan buong pagkatao ko.

"Parang bata kumain." Ngiwi niyang sabi at iniwan ako mag isa sa kusina.

Nang matapos ko na yung kinakain ko saglit akong umupo muna.

Bigla ko na-realize lahat ng sinabi niya kanina.

May mga bagay talaga na nawawala sa buhay natin.

Huminga ako ng malalim at nilagay ang pinagkainan ko sa lababo.

"Ay potch*!" Himpas ko si Lucas sa ulo niya gamit ang plastic bottle.

Tawa siya nang tawa sa naging reaction ko.

"Ako na diyan, umakyat ka na."

"Umayos ka." Ngumiti lang siya ng nakakaloka at nag hugas ng pinggan.

Umakyat ako at akmang papasok sa kwarti ko nang napatingin ako sa kwarto ni kuya.

Huminga muna ako ng malalim bago ako pumasok sa kwarto ni kuya.

Nalanghap ko ang amoy lemon ng kwarto niya.

Ang taray kalalaking tao ang bango ng kwarto. Lalabas na sana ako kaso naagaw yung atensyon ko sa lamesa ni kuya.

Lumapit ako at nagulat nang makita ko ang cellphone ni kuya.

Naiwan niya pala ang cellphone niya?

Hinanap ko agad nag charger ni kuya at chinarge. Hindi ko kasi mabuksan baka lowbat.

Naghintay ako nang ilang minuto at binuksan agad.

Bumungad sa akin ang wallpaper ni kuya.

Ako ang wallpaper ni kuya? At ang nakakainis pa sa dami kong magandang picture yung nakanganga pa ako habang tulog.

Hindi ako nahirapan buksan ang cellphone ni kuya kasi walang password.

Sunod-sunod ang pag pop ng mga text at calls. Umupo ako sa gilid ng kama habang nababasa lahat ng pumapasok na text sa cellphone ni kuya.

Kaya pala hindi ka namin ma-contact.

Napindot ko bigla yung photos ni kuya. Kunot noo ko inisa-isa ang mga picture.

Bakit puro ako? Kung hindi tulala nakanganga. Jusmeyo kuya ang galing mo pala kumuha ng picture nakuha mo inis ko.

Pinindot ko ang isang pictures.

Picture namin no'ng nag picnic kami sa garden nina Blake bahagya akong ngumiti habang pinagmamasdan ko.

Bigla ko namiss si Blake lalo na si Noah. Huminga ako ng malalim at nilapag sa ibabaw ng lamesa ang cellphone ni kuya. Naisipan ko muna ayusin ang kwarto ni kuya tutal kaunti lang yung kalat.

Love Of Yesterday (COMPLETED)Where stories live. Discover now