#2 The Elevator Girl (Horror)

7 1 0
                                    

The Elevator Girl





Yes, baby... I'm on my way... Okay, bye." Wika ko kay Luke. My boyfriend. He said may emergency kaya nagmamadali akong pumunta sa condo na tinutuluyan nya. Pinindot ko ng ilang ulit ang elevator button. Nang bumukas ay tuluyan na akong pumasok. I'm busy texting Luke when someone asked me. A girl.

"Going down?" She asked and I nodded.
Hindi ko makita ang mukha nya dahil nakatalikod sya.

Habang busy sa katititig sa numerong bumababa sa taas ng elevator ay bigla itong kumalabog!

"What happened?" Kabadong tanong ko ng tumigil bigla ang elevator at namatay ang ilaw. Agad kong kinapa ang cellphone ko ng mahulog ito sa pag kakahawak ko.
Kinilabutan ako ng may maramdamang bumulong sa tenga ko. Humahagikgik. Na estatwa ako ng ilang segundo sa kinatatayuan ko.

Naramdaman ko ang tila malamig na hanging haplos sa magkabilang balikat ko. Ramdam ko ang pakikinginig ng buong katawan ko lalo na ang tuhod ko at nahihirapan ako sa paghinga. May kung anong salita akong mga naririnig na hindi ko ma determina.

Nang bumukas ang ilaw ay wala na ang kaninang babaeng kasama ko. Bumukas ang elevator ng marating nito ang basement. Hawak ko na din ang cellphone na kanina ay hindi ko mahanap kung nasaan. Para akong panandaliang binangungot sa nangyari.
Dinial ko ang number ni Luke at tinawagan sya.

"Luke, something weird happens. Y-yung babae kanina na kasabay ko sa elevator biglang—"

"Zyrill !! Don't come here! Stay there!!!" Sigaw nya saakin sa kabilang linya. Naguguluhan ako sa sinasabi nya. Kanina ay pinagmamadali nya akong pumunta pero ngayon naman ayaw na nya?

Kumabog ng malakas ang dibdib ko nang marinig ang kung anong nabasag sa kabilang linya! Hawak ang dumadagundong kong dibdib ay tumakbo akong palabas sa basement!

"Luke, tell me.. Anong nangyayari?!" Tanong ko. Nag papanic. I can't even hold my phone properly dahil sa kabang nararamdaman!

What the fuck is happening?

"Tulungan mo ako... P-pls..." tinig ng isang babae ang narinig ko sa kabilang linya. Hirap at desperadang nagmamakaawa. Automatiko akong napatakbo kung saan naka park ang sasakyan ko. Pinaharurot ko ito papuntang lugar kung nasaan ang apartment ni Luke!

"Luke!!" Sigaw ko ng Makarating ako sa kanyang condo. Hindi naka lock ang pinto kaya agad akong nakapasok.

"Luke?" Mahinang tawag ko nang makita ko sya. Nasa bath tub ang kanyang ulong naliligo sa dugo. May gilit ang kanyang leeg habang nakatarak ang kutsilyo sa kanyang batok.

"Hihihi..." rinig kong hagikgik ng isang babae. Natagpuan ko ang nanlilisik na mga tingin nya ng humarap ako sa nanlalabong salamin! Ang babaeng nakasabay ko sa elevator kanina!

Hindi ko nakita ang mukha nya kanina pero sigurado akong sya 'yon dahil parehas ang mga suot nila!

Parehas din ang presesyang naramdaman ko nung nasa elevator ako at kasama sya!

Nakakatakot at nakakapanghina.

Pero paano syang napunta rito?

"A-anong...G-ginawa mo? Bakit ka nandito!? Pinatay mo si Luke!" Naluluhang sabi ko habang diretsong nakatingin sa kanyang mata sa harap ng salamin. Nanginginig na ako sa takot dahil sa nanlilisik nyang mga mata pero hindi ako natinag at tumitig lang sa kanya.

Hindi ako gumalaw ng dahan dahan syang lumapit sakin. Nanginig ang aking kalamnan ng dahan dahan nyang ilagay ang malamig nyang palad sa aking mga mata. Hindi ako naka galaw.

Tinakpan nya ang mga mata ko. Unti unting nag play ang animoy pelikula sa aking isip. Tila isang flashback ng isang masayang magkasintahan. Nakita ko si Luke kasama ang... Babaeng nakasabay ko sa elevator.

Nakita ko kung paanong pinatay ni Luke ang babae matapos ilang ulit na gahasain!

Nahuli ni Luke ang babae nang sinubukan nitong takasan sya! Iginapos nya ito ng napaka higpit at binusalan ng mahigpit ang kanyang bibig!

Dahil sa inis ni Luke sa kanya ay pinaso nya ito ng sigarilyo!

Bumuhos ang luha ko nang marinig ang atungal ng babae dahil sa sakit na dala ng nauupos na sigarilyo!

Nang hindi makuntento ay binuhat nya ang babae at inilagay sa bakal na drum at roon inilibing ng buhay...

Pinapakita saakin kung gaano kaabusado si Luke. Ginagahasa nya ang mga naging nobya nya at pinapatay! Kasabay ng pagpatak ng luha ay tumigil ang tila videong nagplay sa utak ko. Iminulat ko ang paningin ko...Tumindig lahat ng balahibo ko ng mapagtanto kung nasaan ako! Nandito pa rin ako sa elevator!

Kung saan kasabay ko ang babaeng hindi ko na mahanap kung nasaan. Para akong nanaginip sa loob ng dalawang minuto.

Bumukas ang elevator sa pinaka huling palapag. Ang basement.

Naiintindihan ko ang ibig sabihin ng babae. Binabantaan nya ako. Dahil si Luke... Balak rin akong patayin tulad ng ginawa nya sa babaeng nasa elevator.

Masalimuot na kamatayan ang naghihintay saakin sa oras na pumunta ako sa kung nasaan man si Luke.


Imbes na tumuloy mag isa ay nagsama ako ng pulis oras na mangyari ang iniisip ko. Tama ako. As soon as I opened his apartment's door, hinampas nya agad ako ng bote ng alak sa ulo! nanghina ako at nahilo pero hindi pa ako nawawalan ng malay!

"It's you're turn now, baby..." He whispered. Nakakapanginig ng kalamnan ang boses nyang 'yon. Nawala ang tila maamo nyang pagkatao gaya nung una ko syang nakilala.

Mabilis nya akong kinarga at ipinatong sa balikat nya! I tried so hard to kick him and I succeeded! Nabitawan nya ako ngunit dahil sa hilo at sakit ng ulo ay hindi ko agad nagawang tumayo!

"Hayop ka, Luke! Mas masahol ka sa hayop! Ahh!"

He pulled me up and puched me in my stomach! Napaubo ubo ako at ni hindi makaiyak dahil sa sobrang sakit! He successfully carried me inside his car but before he stepped on the accelerator, the police came in. There, he got arrested.

I even told the police about what I saw in the elevator and described it as a dream. Tumutugma ang inilarawan kong babaeng nakita roon sa isang babaeng nawawala walong buwan pa lang ang nakaraan.

Megumi Deondo.

Inilarawan ko ang lugar kung saan ko nakita syang inilagay ni Luke ng buhay sa loob ng isang drum at inilibing gamit ang semento.

Na Identify agad ang bangkay sa loob noon at napagalamang sya nga si Megumi dahil sa ilang traces na nakita.

"Salamat, Megumi... Utang ko sayo ang buhay ko. Now, you can rest in peace. Together with all the other women he killed..." Wika ko habang nakatingin sa pangalan ni Megumi'ng naka ukit sa lapida ng kanyang puntod.

Salamat sa babaeng nasa elevator, buhay pa rin ako hanggang ngayon. I thought she was scaring me. I thought I was in danger the moment I looked in her eyes and she touched me. I was wrong... She saved me.

3 years since that incident happened. At tatlong taon na ring nakakulong si Luke. Malabo na syang makalaya pa dahil sa kanyang patong patong na kaso.

I've known Luke since we we're kids. We are lovers for 2 years. He did not only cheat on me but killed his womens too. It made me realize that no matter how long we know a person, we are all have our demon inside.

And it's in our hand how we are going to handle them.











sillyanniee.

One Shots Story Compilation Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin