If he is still pretending, it's his best performance ever.

"I'll just change clothes. Ikaw na muna ang bahala kay Macy. You can head to the kitchen and cook anything you like, okay?" he told me.

"Okay..." sabi ko na lang.

Xaiver smiled again and ruffled my hair. Tinanguan niya rin si Macy bago tuluyang dumiretso sa ikalawang palapag upang makapagpalit.

It was very awkward. Hindi ko alam kung paano pakikisamahan si Macy. I'm not really good with entertaining strangers, pero ayaw ko ring isipin niya na masama ang ugali ko.

"Uhm—"

"I can help you with the cooking if that's okay with you," Macy volunteered before I could start a conversation with her. "I'm not a great cook, but I can help."

"Uh... Sure. Salamat," sabi ko.

"No problem."

Hindi ko na alam ang isasagot ko kaya inaya ko na siya sa kusina. Nauna akong maglakad at siya naman ay nakasunod sa akin. I couldn't help feeling conscious with the way I move. Pakiramdam ko ay pinapanood niya ako nang mabuti, baka naghahanap ng mali sa akin. Or maybe I was just really overthinking.

Upang hindi siya makahalata, I went straight to the refrigerator to check his stocks. Mabuti na lang at hindi iyon ang unang beses ko sa kanyang bahay. Kahit papaano, alam ko kung nasaan ang mga bagay-bagay. It wouldn't seem like we were only pretending.

"So... Do you often cook for Xavi?" Macy asked while I gathered the ingredients I needed.

"Hmm hindi masyado. Kapag may time lang," maingat kong sagot at saka inilagay ang mga kailangan sa island. "Madalas kasi sa opisina na siya kumakain kahit ng dinner. He's very workaholic kaya inaabot siya ng gabi."

Tumango-tango siya, nakangiti pa rin. Naupo siya sa stool sa island, mukhang kumportable habang pinapanood ako. "I heard from Tita Mira that you were his secretary before?"

"Oo. He offered me a job noong graduating pa lang ako. I took the opportunity dahil mahirap maghanap ng trabaho," sabi ko.

Ang mga gulay ay hinugasan ko sa sink. Simple lang ang lulutuin ko. Dahil may baboy at hipon sa ref, pinakbet ang napili ko. Hindi ko alam kung magugustuhan ni Macy o kung kumakain ba siya noon, pero noong kumain kami sa isang Filipino restaurant dati ay kinain niya.

Balanse rin ang ulam dahil may karne na at madami pang gulay. Mabuti na lang at kumpleto sa mga gulay si Xaiver kahit na hindi naman siya gaanong nagluluto. Siguro ay hindi talaga nawawalan ng stock ng groceries ang mga mayayaman gaya niya.

"And this year lang naging kayo?" subod niyang tanong. Halatang kuryoso siya tungkol sa takbo ng relasyon namin ni Xaiver.

I thought she would help me cook, but she wouldn't stop asking questions. Kinakabahan tuloy ako dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Okay lang ba na sabihin kong tama siya at ikakasal na kami agad? Hindi ba parang masyadong mabilis at kaduda-duda kung ganoon?

"I'm sorry if I have so many questions." Hilaw siyang tumawa. "I'm just really curious... Ilang taon din akong nawala. I want to know more about him. I'm sure you know how less of a talker he is. He doesn't really like answering questions and sharing stuff about him."

"Uhm ayos lang... naiintindihan ko," sabi ko.

Deep inside, I was praying hard for Xaiver to come down already. Ayaw kong magkamali sa mga sasabihin ko. Hindi puwedeng mabuking kami. Not to her.

"Thank you." Macy gently smiled. "So... kailan naging kayo?"

Pasimple akong nagsimulang maghiwa ng mga sangkap na gulay. "Uhm, kailan lang din..." I guess there's no harm in telling the truth. Mahirap nang magsinungaling.

Play Pretendحيث تعيش القصص. اكتشف الآن