Epilogue

1.1K 65 2
                                    

Callie

Bumaba na ako ng kotse at naglakad palapit sa bahay. Hinubad ko ang sapatos ko maging ang medyas at nilagay ko ito sa isang tabi. Nilabas ko na ang duplicate ko na susi at nang mabuksan ko ay walang tao sa sala mukha tulog na si Ivy. Sinara ko ang pinto.

Naglakad ako patungo sa kwarto namin ni Ivy at pagpasok ko ay nakita ko siya habang nakahiga at nagkaharap sa pader.

Napangiti ako at lumapit ako sa closet para kumuha ng sando, panjama at brief.

Pumunta na ko ng cr para maglinis ng katawan at mag sipilyo.

Pagkatapos ko magbihis ay agad akong lumapit sa kama at nahiga sa tabi ni Ivy. Sinisilip ko siya habang haplos ang braso niya.

"Nandito na ako." Hinalikan ko ang ulo niya at yumakap ako sa kanya mula sa likod. Gumalaw siya at napahawak sa braso ko. Bumaling siya sa akin habang inaantok ang mga mata.

"Nandito ka na." Sabi niya. Napabitaw ako ng yakap nang umikot siya paharap sa akin.

"Oo." Humawak ako sa bewang niya at nilapit ko ang mukha ko sa kanya bago ko siya halikan sa labi.

"Hmm." Halinghing niya at pinigilan ako. Bumangon siya at inabot ang phone niya.

"11:30pm na pala, maaga na tapos ang birthday celebration?"

"Hindi pa tapos pero maaga ako umuwi dahil gusto ko na sa tabi mo ko bago mag 12am."

Kinuha ko ang phone niya sa kanya at nilagay sa table.

Hinila ko siya muli pahiga at niyakap ko siya.

"Dahil gusto ko kayakap ka."

Napangiti ako nang amuyin niya ko. Paborito kasi niya na amuyin ako. Bumitaw siya sa yakap ko kaya napatihaya ako nang amuyin niya pati ang leeg ko tumigil siya sa pag amoy.

"Sayawan mo ko please."

"Hindi ako marunong sumayaw."

"Kahit na. Dali na nang makatulog na tayo."

Alam ko na kahit anong sabihin ko at gawin ko ay hindi siya titigil hangga't hindi ko nagagawa ang gusto niya.

"Please."

"Heto na po." Napahinga ako ng malalim at bumaba ng kama. Binaba ko ang dulo ng sando ko at napahawak ako sa batok ko habang nakatingin sa kanya.

Tiningnan niya ako tila ba hihintay ang gagawin ko. Kaya giniling ko ang katawan ko kahit na halos mahiya ako. Napahagikgik naman siya ngayon hanggan sa natawa.

"Ang tigas ng katawan mo. Ang sagwa hahaha!"

Napangiti ako nang makita ang tawa niya. Tumalikod ako at gumiling pa na lalo niyang kinatawa. Nilingon ko siya at napatigil ako nang makitang bini-videohan niya ako.

"Ivy." Saway ko at agad na lumapit sa kanya. Aagawin ko sana ang cellphone niya pero tinago niya agad sa likod.

Ngumiti siya at hinatak ang batok ko. Hinalikan niya ako kaya napahawak ako sa bewang niya at hinapit ko siya bago ihiga. Tumugon ako ng sabik na sabik at dinaganan siya.

Hanggan sa simpleng halikan namin ay nauwi na naman sa kaligayahan at buong kwarto ay napuno ng masarap na ungol namin.

-

After Two Weeks

"Dok, Thank you po sa libre bunot ng ngipin."

"Walang anuman." Sabi ko kay Kara ang huling pasyente ko.

Dito sa Kai Hospital libre ang check up and wala din bayad ang mga pasyente na binubunutan ko ng ngipin.

Lumabas na si Kara sa clinic.

Inaayos ko lang yung mga dapat ko ayusin at lumabas na din ako at nilock ito.

Pumunta na ko ng parking lot at sumakay na ng kotse ko. Dumaan muna ko sa store para bumili ng vegebouquet. Paborito kasi ni Ivy ang gulay and simula noon hanggan ngayon ito yung binibigay ko kay Ivy. Because gulay is good for the heart.

Pagdating ko sa bahay ay hinubad ko ang sapatos ko maging ang medyas at nilagay ko ito sa isang tabi. Kumatok ako sa pinto agad naman ito binuksan ni Ivy.

"Hi, Ivy." Nakangiti sabi ko at nilahad sa kanya ang vegebouquet na binili ko.

"Vegebouquet para sayo, Ivy."

Napangiti siya at kinuha.

"Thank you Callie."

Pumasok na ko ng bahay at nilock ang pinto.

Inakbayan ko siya at sinakop ang labi niya. Tumugon siya at napapangiti kami na humahalik sa isa't isa.

Bumitiw siya ng halik.

"Mag dinner pa tayo."

"Pwede naman sa loob na lang ng kwarto." Nakangiti sabi ko pero ang naging sagot lang niya ay mahinang hampas sa braso ko kaya napatawa ako haha..

Pumunta na kami ng kusina. Lalo tuloy ako na gutom nang makita ko ang handa niya pagkain na Rice and Salmon fillet with broccoli.

"Mukha masarap ito Ivy, Thank you."

Ngumiti siya sa akin.

Pinaghila ko siya ng upuan tapos umupo na din ako sa tapat niya.

Nagdasal muna kami pagkatapos ay kumain na kami.

"May good news ako." Nakangiti sabi niya sa akin.

"Ano iyon?" Nakangiti tanong ko sa kanya.

Inabot niya sa akin ang kahon na may blue na ribon.

Kinuha ko ito.

Tiningnan ko siya at napangiti siya.

"Buksan mo." Sabi niya.

Inalis ko sa pagkakabuhol ng tali sa maliit na kahon. Nang matanggal ay inalis ko ang takip. Napabuga ang bibig ko nang makita ang isang pregnancy test kit. Tumingin ako sa kanya lalo na nang makita ko ang dalawang guhit.

Natawa siya at tinakpan ang bibig ko gamit ng kamay niya.

"Im pregnant, Callie. Magiging nanay na tayo."

Nang sabihin niya iyon para bang lumutang ang pakiramdam ko lumulutang sa saya.

"Callie, Did you ever cheat on your wife?"

Napatingin ako kay Natalie.

"Never dahil may respeto ako sa asawa ko at mahal ko siya." Sagot kay Natalie

Napatayo ako at lumapit sa kanya at niyakap siya.

"Thank you Ivy."

Hinalikan ko siya sa labi at napangiti kami sa isa't isa.

Sobrang saya ko dahil matagal na namin hinintay na magkaanak kami at ngayon buntis na si Ivy dreams come true at totoo nga na good things come to those who wait.

-

Thank you for reads, votes and comments.

Married (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang