"Hey . . ." Kiel called me.

I titled my head to look at him. Saka ko lang din napansin na nasa parking lot na kami ng building. Sumalubong sa 'kin ang mapupungay na mga mata ni Kiel at ang pagsusumamo rito. Kumalma ang kalooban ko habang nakatingin sa kaniya na sinusubukang palakasin ang loob ko dahil alam niya at nararamdaman niyang nagkukunwari lamang ako.

I bit my lower lip. My hands began to tremble.

"Should we go back? I can't do this, Kiel." I said weakly.

Naramdaman ko ang paggagap niya sa kamay ko at hinawakan iyon nang mahigpit. Ramdam ko ang marahang pagkiskis niya ng thumb niya sa balat ko kaya napatingin ako sa kaniya.

"I'm here with you. I will not let them hurt you." Pangungumbinsi niya sa 'kin kaya napailing ako. I look away from him.

"I can't, Kiel. I'm scared . . ." Nanginginig na sambit ko.

Lalong humigpit ang hawak niya sa 'kin. Ramdam ko ang pagkirot ng puso ko nang iharap niya ako sa kaniya. Marahas akong bumuntong-hininga at muling tiningnan siya.

"You'll regret it, believe me. At least you fought until here. Hanggang may pagkakataon, ituloy mo lang. Besides, I already called Jack about this. I think, he can help you with this," marahan niyang sinabi sa 'kin.

Kinagat kong muli ang ibabang labi ko at hindi na nakaimik pa dahil sa takot na baka marinig niya ang basag kong boses. Marahas muli akong bumuntong-hininga at tumango nang paulit-ulit. Hindi ko na napigilang yakapin siya nang mahigpit.

"T-thank you . . . for making my heart calm." I stuttered.

Humiwalay siya sa 'kin. Saglit na tinitigan ako bago ako halikan nang mariin sa noo.

"I would love to do it for the rest of our lives."

Nang matapos iyon ay saglit na inayos ko ang sarili ko sa loob ng sasakyan. Nang sa tingin ko ay maayos na ako ay tumulak na kami patungo sa loob ng building. Pagkapasok ay agad kong napansin ang malulungkot na mukha ng lahat ng empleyadong nakita at nakasalubong ko. Pansin ko rin na tila nais nila akong lapitan para sabihin ang kung ano ngunit may pumipigil sa kanila.

"Ma'am Acel?"

Mabilis na nilingon ko ang tumawag sa 'kin na 'yon at nakita ko si Maurice, ang sekretarya ko. Bumaba ang tingin ko sa box na hawak niya.

"Maurice, what's that?" I asked her and immediately walk towards her. Napansin ko pa ang pamumula ng mga mata nito.

"Bakit ka naghahakot ng gamit mo?" Tanong kong muli.

"Nag resign na po ako, Ma'am. Hindi ko po kayang maging secretary ni Miss Mari," malungkot nitong sinabi sa 'kin kaya lalong sumibol ang galit sa puso ko.

Saglit na tiningnan ko pa siya bago tinanguan.

"I'll see what I can do. Hindi puwedeng-"

"Ma'am, okay lang po. Ayoko rin po talaga kung hindi kayo ang boss ko." Pigil nito sa 'kin kaya natawa ako.

"Then I'll be your boss again. I'll call you soonest, don't worry," sagot ko sa kaniya at nagpaalam na.

Naramdaman ko pa ang paghigpit ng hawak sa 'kin ni Kiel habang binabagbag namin ang daan patungo sa dati kong office.

"Ano 'yong kay Jack? Can he help me? Bar lang ang business niya 'di ba?" Tanong ko sa kaniya habang nasa elevator kami.

"Maraming business ang lalaking 'yon. He even invested in your company and Levi's, hindi mo alam?" Takang tanong niya sa 'kin kaya napatingin ako sa kaniya.

Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETEDWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu