Tuloy tuloy lang si Alondra sa pagpasok sa elevator at tiningnan ang naghahabol na si Zandro.

"Takbo kuya Zandro. Bilisan mo at baka masarhan ka ng pinto,"tatawang tawa at panunukso ni Alondra.

"Kapag ako nakapasok humanda ka talaga Alon. I will punish you,"nakabusangot nitong sabi.

"Go kuya Zandro, "sabi nito sabay dila sa binata.

Akmang pasara na ang pinto ng maiharang ni Zandro ang kamay niya dito at agad sumiksik sa mga tao sa loob at hinanap si Alondra na nakapwesto sa likurang sulok ng elevator.

"Got you,"sabi nito sabay hawak sa siko ni Alondra.

Napapitlag bigla si Alondra dahil sa pagkakahawak ni Zandro sa kanya. Ito na naman siya kunting pagdikit lang ng katawan nila ni Zandro nagwawala na ang puso niya.

Tumingin siya kay Zandro at ngumiti sabay tikom ng kanyang mga bibig. Napasinghap si Alondra ng biglang hapitin ni Zandro ang kanyang baywang palapit dito. Sabay bulong.

"What did you call me? Kuya Zandro?"bulong nito sa kanyang tainga na siyang dahilan ng pagtataasan ng mga balahibo ni Alondra.

Biglang napalunok si Alondra dahil sa kiliti na nararamdaman at napapikit na lang at hindi niya inasahan ang paghalik ni Zandro sa pisngi niya.

"Oh my gosh,ohh m g!"sabi ng utak nito.
Saka minulat ang mata at nagpalinga linga sa loob ng elevator at baka may nakakita sa kanila. Pero mukhang busy naman ang mga tao na nasa harapan nila. Tumingin ito kay Zandro at pinalakihan ng kanyang mata. Ngunit ang lalaki ay ngumiti lang at nagpapatay malisya sa katarantaduhang ginawa niya.

"Ang sarap mong sapakin. Alam mo ba iyon kuya Zandro, "sabi nito sa binata. Pero ang totoo kanina pa siya naiihi sa kilig dahil sa pasimpleng hokage moves ni Zandro. Basta talaga kalandian ang galing talaga ng Zandro na ito.

"Isa pang kuya Zandro and I will really punish you,"banta ni Zandro sa kanya.

Pero dahil sa may kakulitan si Alondra hindi siya nakinig bagkus inulin ulit pa niya ang pag bigkas nito.
"Kuya Zandro, kuya Zandro tama lang naman di ba kasi mas matanda ka sa akin kuya Zandro, "nakangiti nitong sabi.

"That's it my sunshine. I warn you but you don't listen to me. Wait for your punishment later,"sabi nito sabay kuha ng kanyang mga kamay at hinalikan ito.

Nabigla naman si Alondra kaya bigla niyang nahablot ang kamay niya at naitulak ng kunti si Zandro dahilan ng pagbangga ng kamay nito sa dingding ng elevator at naglikha ng ingay.

Bigla napatingin ang mga kasama nila sa loob ng elevator. Tiningnan lang sila ni Alondra habang alanganin na ngumiti sa mga kasamahan.

Samantala si Zandro hawak ang sikong nabangga.

"Kahit kailan talaga hindi mawawala ang pagka amazona ng babaeng ito, "anang isip ng binata.

"Kahit kailan talaga hindi mawawala ang pagkaharot ng lalaking ito. Hindi na nahiya na baka makita sila ng mga tauhan nito. Kung makahalik akala mo boyfriend ah,"anang isip ni Alondra.

Buti nalang at bumalik na ang tingin ng mga kasamahan sa harap para mag abang sa kanya kanyang floor.

Buti at naging behave na si Zandro hanggang sa makarating sila sa last floor ng elevator para sa mga empleyado. Next floor ay sa kanilang office na. Kaya ng magsara ang elevator biglang napasigaw si Alondra ng biglang hapitin ito ni Zandro sa baywang at nilagay siya sa harapan nito para mayakap patalikod.

"Next time don't cover my favorite part of your to kiss your neck,"sabi ni Zandro sa bandang tainga ni Alondra.

"Are you crazy? After mo ako lagyan ng hickey kaninang umaga sa leeg gusto mo ibalandra ko ang leeg ko sa mga tao na makakasalamuha ko? Buti nalang at nakita ni Kayah kanina habang kumakain kami ng breakfast. Paano kung hindi,"seryosong sabi nito kay Zandro.

"It's better if they see your hickey. Para malaman nila na may nag -mamay ari na sa iyo,"sabi nito sabay kagat ng tainga ni Alondra

Nakaramdam tuloy ng pag iinit ng pisngi si Alondra dahil sa pagkagat kagat ni Zandro sa tainga niya.
Akmang lilingunin na niya ang binata dahil sa kaharutang ginagawa nito. Nang manlaki ang mata nito dahil sa ginawang paghalik ng binata sa kanyang labi.

"Now the punishment is about to start," sabi ni Zandro pagkatapos bitawan ang mga labi ng dalaga.

Napapikit si Alondra at naalala ang sinabi ni Kayah sa kanya."kilala ko ang magkakaibigan na iyan. Kaya ikaw Alon kapag sinabihan ka ni Boss Z na he will punish you humanda ka na dahil sinisigurado ko kinabukasan hindi ka na makakalakad pa."

Biglang nalunok ni Alondra ang sariling laway. Hindi naman siguro totoo iyon hindi ba. Zandro will not punish him the way Kayah describe on her on how Alexander punish her. Pero paano nga kung magkaganun? Sobrang rupok pa naman niya pagdating sa mga halik ni Zandro.

"Zandro,"biglang tili ni Alondra pagkabukas ng elevator ay bigla siyang pinangko ni Zandro at dali daling naglakad papasok sa opisina nito.



I CLAIM MY DESTINY Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin