✟ CHAPTER 15 ✟ (Alexander's POV)

Start bij het begin
                                    

Naglakad na akong papunta sa banyo nang mapahinto ako bigla. Alam kong may tao sa likod ko, nararamdaman ko. Mas lumakas ang kabog dibdib ko. Tiningnan ko ang sahig at may na aninag akong isang anino sa may likuran ko, isang babae. Iyong pagkabog sa dibdib ko ay huminto ng ilang segundo. Hindi pa man din ako nakagalaw ay biglang may isang bagay ang dumapo sa ulo ko dahilan para bumagsak ako sa sahig.

Napahawak ako sa ulo ko at nang tingnan ko ito ay may malapot na pulang likido akong nakita sa kamay ko. Napatingala ako sa may gawa nito. At nakita ko ang asawa ko na halos malalalim na ang mata, buhaghag ang buhok, at mga ngiti nitong pati gilagid ay nakikita na, parang abot na sa tainga ang ngiti niya. Nakikilabot siya tingnan. Hawak-hawak niya pa ang laptop, at sigurado ako iyon ang ginamit niya sa pagpalo sa ulo ko.

Lumapit siya sa akin at inaangat ulit ang laptop. Isa lang sunod kong alam na nangyari, ang pagdilim ng paligid ko.  

💀💀💀

Eight years ago . . . 

Nakita ko ang isang babaeng singkit na patungo sa aking kinaroroonan. Maganda siya pero medyo may pagka-istrikta ang kaniyang aura dahil sa kaniyang kilay na naka-arko dahil sa tintang nilagay sa kilay nito. Alam kong magkaedaran lang kami pero mas matanda siya tingnan dahil sa kolorete na nilagay niya sa buong mukha niya na parang punk star na malandi. Napangiwi agad ako nang makita ko siya. Alam kong hindi ko siya makakasundo. Baka mainis pa ako ngayon dahil sa kaniya.

Ngayon ang araw na makikipagkita at mag-uusap sila ng masinsinan ng aking ina dahil sa pakikipagrelasyon nito sa amain ko. 

Nang pumasok na siya sa loob sa likod ng kotse ay nagsalita agad ito, akala mo driver niya ako e. "So you are Alexander, are you? Or should I call you, my son?"

Napailing na lang ako sa sinabi niya, "Just shut up! "

"Okay," sabay irap niya sa akin. 

Mayaman naman ang pamilya nitong si Mochel, ang hindi ko maintindihan ay kung bakit nakikipagrelasyon pa siya sa amain ko. Matanda at may pamilya na iyong tao at siya ay bata pa. Malaki ang bahau nila, mansyon pa nga. Kaya napakaimposibling namumulubi ito at gusto lang makahuthut sa sted-dad ko.

"What?" tanong nito na nasa likod ng kotse ko. 

Nakita niya siguro akong tinitingnan ko siya sa may salamin. Hindi ko siya sinagot at nakatuon na lang ulit sa daan. 

Inutusan ako ng mommy ko na ipasundo ang babaeng ito para kausapin na layuan na lang ang asawa niyaa. Kasi kapag nalaman ito ng media ay sigurado akong malaki ang damage at babagsak sa merkado ang negosyo namin. Gayong mga laruan ang minamarket namin sa merkado like, teddy bears, barbie and many more. At malaking kakahiyan iyon sa pamilya ni daddy.

Mayamaya pa ay nakarating na kami sa bahay. Tiningnan ko siya sa salamin at nakita ko pa nga na dinadagan niya pa ng foundation ang mukha niya.

"We're here . . ." mahinang bulong ko. 

Lumabas na ako ng kotse pero hindi pa lumalabas ang bruha, mukhang naghihintay siyang pagbuksan ko at lalatagan ng red carpet. Nakakainis siya, sobra! 

Pinagbuksan ko na lang siya para makaalis na ako kahit labag yun sa kalooban ko. May gusto pa akong puntahan sa mga oras na ito, pinagbigyan ko lang ang mommy ko dahil nag-hehestirical siya sa bahay.

"Thank you, my son . . ." Nakaangat pa ang kaniyang kanang kamay para siguro alalayan ko siya.

Kinunotan ko siya ng noo, "Bumaba ka na riyan para makaalis na ako."

𝕮𝖔𝖚𝖍 𝕸𝖔𝖈𝖍 (PUBLISHED) Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu