"Nataranta kasi ako, tapos ang sinasabi lang ni Grid sa cellphone, 'Laxinton Hospital' tapos pinatayan kaagad ako, sinong di matataranta don." Nakasimangot na saad ni Phone.

Lumapit at umupo sa tabi ko si Luke. Tinapik tapik niya ang balikat ko. "Kumusta? Si Jien ba ang nadala dito? Jien yon diba? Or Jane?" Nang hindi ako sumagot ay napailing ito. "Halata sa mukha mo ang stress Grid."

Natahimik ako at natulala muli habang nakayuko.

Napaangat ako nang tingin nang biglang may humila sa kwelyo ko.

"You motherf*cker! Why did you do that to Jien?!" Sigaw ni Josh at hinila ako patayo bago sinuntok ako sa mukha. "More than 3 months. Wala ka man lang napansin sa kaniya?! Hindi ka man lang nakaramdaman t*ng ina ka! Hinayaan pa namin siyang buhatin si Daniella. At sigurado rin ako na hinahayaan mong magbuhat ng mabibigat na bagay si Jien."

"At sa una palang alam mong bata pa mag-isip si Jien pero ginalaw mo na. Hindi mo ba iniisip ang future niya? Ngayon nasa tamang pag-iisip na siya, paano na lang kung gusto niyang mag-aral ulit, anong gagawin mong t*nginaka?!" Hindi ito nakapagpigil at sinuntok muli ako.

"I'll f*cking take Jien with me. And I'll make sure that you won't see him again." Galit na galit nitong sabi.

Susuntukin niya pa sana ako ulit nang inawat siya ni Phone.

Lumunok si Phone at lumingon sa mga iba pa naming kaibigan bago humarap muli kay Josh. "Mr. Herrera, the truth is we are the reason why something happened between Jien and Grid. I'm sorry."

"I am actually the main reason of it. I thought that Jien was a minor that's why I planned to put a drug on Grid's drink so he could forget Jien once and sleep with the girl we've paid." Sabat ni Shin.

"I agreed to Shin's plan, I'm sorry Mr. Herrera." Si Gino na nasa likod ni Phone

"I was with them. I'm sorry, I'll take responsibility for it." Si Mark na seryoso lang ang mukha pero makikita mo pa rin ang pagkakonsensya sa kaniya.

Mas lalong nagalit si Josh at akmang susuntukin si Phone nang hawakan ni Xincheng ang kamay Josh at dahan-dahang binaba ito.

Masamang tumingin si Josh sa kaibigan kong si Xincheng pero napalitan ito ng gulat nang makita ang mukha ni Xincheng.

"Xin."

"Ni hao ma? brad in law." Nakangiting bati ni Xincheng kay Josh at muling tumingin samin. "Ahm. They are my friends brad in law. Can you accept their apologies, humihingi na rin ako ng pasensya on their behalf. "

Tumingin muli samin ng masama si Josh bago binalik ang tingin kay Xincheng.

"Kumusta si Ate?" Tanong ni Josh. Naglakad sila palayo samin.

"I'm hurt brad in law, bakit ang wife ko lang kinukumusta mo?" Sagot lang ni Xincheng.

Bumuga ng hangin bago umupo sa tabi ko si Phone. "Buti na lang talaga nandyan si Xincheng."

"Kundi ba naman kasi kayo t*nga. Hindi muna kayo nag-iisip bago umaksyon. B*bo." Sagot ni Cell.

"Aba, t*nginamo ah. Suntukan na lang." Napapatayong sabi ni Phone sa kakambal.

"I'm sorry Grid." Nakokonsensyang sabi ni Shin.

"Me too Grid, I'm sorry." Si Gino na hindi makatingin sakin. Nakatayo sila sa harap ko dahil wala ng bakanteng upuan. Apat na tao lang ang kasya sa malaking upuan na to pero lima kaming nakaupo dahil nakisiksik si Yeji sa gitna ni Luke at Mark.

Ngumiti lang ako sa kanila ng maliit. "It's okay, nangyari na ang nangyari, saka ako talaga yung may kasalanan dito. Kung hindi ako dumiretso sa bahay ko edi sana walang nangyari samin ni Jien."

Jien Of Grid (M-preg)Kde žijí příběhy. Začni objevovat