15

1K 7 0
                                    

Malakas na ang ulan nang makarating sina Vien at Regulus sa cabin nila. Parehong basa na ang kanilang katawan dahil sa ulan. "Magpalit ka agad," sambit ni Regulus nang hindi tumitingin sa asawa.


Hindi niya maintindihan ang sarili niya. Ayaw niya kay Vien dahil mahal niya si Eloiza. Ayaw niyang lokohin ang kasintahan niya pero may nagawa na siya para lokohin ito. May nangyari na sa kanila ni Vien.


Gusto niyang iwasan ang babae dahil sa nangyari sa kanila pero nadadala ng katawan niya ang isip niya. Kusa siyang lumalapit kay Vien. Isa pa, naiinis siya sa mga lalaking tingin nang tingin sa asawa niya. Nagseselos siya sa hindi malamang dahilan.


Sa tingin niya rin ay may gustong sabihin sa kaniya si Vien. Nararamdaman niya na parang may ibig-sabihin sa sinabi nito noong nag-away sila. Hindi niya lang maintindihan kung bakit siya sinabihan nitong manhid.


"N-Nilalamig ako, R-Regulus.." nauutal na sambit ni Vien dahilan para mapalingon siya sa asawa. Nakita niya ang nakaupo na si Vien sa upuang gawa sa yantok at basang-basa. Nilapitan niya ito at umupo sa harapan nito para magpantay sila. Hindi niya pinahalata na nagulat siya matapos makita ang mukha nito


"Namumutla na ang labi mo. Halika sa itaas," niyaya niya si Vien na umakyat sa kuwarto nila. Pumunta sila sa banyo. Tinimpla muna ni Regulus ang tubig. "Kaya mo bang maligo mag-isa?" tanong niya rito. Hindi sumagot si Vien. Nakayakap lang ito sa  sariling katawan nito.


Malalim siyang napabuntong hininga.  Pareho silang nabasa nang matagal sa ulan dahil malayo ang distansiya ng cabin nila sa pinuntahan nila kanina, pero hindi naman siya nilamig nang husto, si Vien lang.


"Maligo nalang tayo ng sabay," anunsyo niya kahit na kinakabahan siya sa mangyayari. Nag-iinit ang katawan ni Regulus dahil lang doon.


Napatingin si Vien sa asawa niya matapos nitong sabihin iyon. Mabilis siyang lumayo kahit na nanginginig pa siya. "A-Ayoko, kaya ko namang maligo mag-isa." anito at tinulak si Regulus palabas ng banyo. Nagsalubong ang kilay nito at pinigilan siya.


"Are you sure you can?"


Tumango si Vien at nilibot ang paningin sa loob ng banyo. Kumpleto naman na ang kailangan niya. Tumingin ulit siya kay Regulus. "Kaya ko kaya umalis ka na," aniya. Ilang segundong tumingin sa kaniya si Regulus bago siya nito binitiwan. 


"Sige," anito bago tumalikod.


Matapos ay naligo na si Vien. Matagal siyang nasa loob ng banyo dahil sa tubig. It's warm and her skin likes it. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya. Naimulat niya ang kaniyang mga mata nang makaramdam siyang may humahalik sa leeg niya. Gulat siyang tumingin kay Regulus na nasa loob din ng banyo at buhat na siya. Tumigil na ito sa kakahalik nang maimulat niya ang mga mata. Akala niya wala siyang saplot pero nakita niyang suot na niya ang roba.


"You should sleep here," anito habang buhat siya at naglalakad palabas ng banyo. Hindi makasagot si Vien. She's just staring at her husband's handsome face. Sinong hindi mahuhulog sa lalaking ito? Pansin niyang basa ang buhok nito at iba na ang suot nitong damit sa kanina.

Mr. Vallega's Ex-wife [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon