"Make me." With that, they all advanced towards me. Una kong pinatumba ang pinakamalaki sakanila. Binigyan ko ito ng uppercut at hinawi ang kaniyang paa. Akmang bubunot siya ng kung ano sa bulsa niya nang sipain ko ang siko niya tsaka siya tinadyakan sa mukha.

Sunod namang inatake ko ay ang pinakamatangkad. Dadambahin niya sana ako nang lumusot ako sa ilalim niya. Patadyak ko siyang sinipa sa likuran niya at sinundot ang ugat niya sa leeg.

Napaatras ako nang may magpalipad ng sipa sa harapan ko.

"Wata! Yah! Kyah!" Ngumiw ako dahil kung ano-anong stunt ang ginawa ng lalaking 'to sa harapan ko. Nag-ala karate karate pa siya at nag-pose.

"Sino ka diyan? Pangarap mo bang maging unggoy?" Tanong ko. Isang pitik sa noo at napaatras na siya. "Wala ka pala eh." Sabi ko. Muli ko siyang pinitik sa noo tsaka ni-roundhouse. Deserve mo 'yan pandak!

3 na silang napapabagsak ko, at may 5 pa. Subukan lang netong tumawag ng back up pasasabugin ko bahay nila.

Kapag tumawag ng back up, edi tumawag. Tawag ka din ng iyo para fair.

Kingina di talaga nakakatulong 'tong mga bulateng 'to!

"Sumama ka na saamin kundi mapipilitan kaming idamay ang pamilya mo. Pati na din ang mga kaibigan mo. Isang tawag lang, malalagay sa peligro ang buhay ng mga 'yun." Nakangising saad nung lalaking sa tingin ko ay leader-leaderan nila.

Nagpantig ang tenga ko sa tinuran niyang iyon. Kumuyom ng husto ang aking mga kamao. Mabilis ko itong pinalipad papunta sa mukha ng nasa pinaka malapit saakin. Hinawakan ko ang braso nito at pinilipit sa likuran niya.

Hindi ko napansing may nakalapit din palang isa kaya hindi ko naiwasan ang tadyak na ibinigay niya. Nabitawan ko ang braso nung lalaking nasa harapan ko. May yumakap saakin mula sa likod at inipit ang magkabilang braso ko. Binuhat ako nito at itatakbo na sana.

Yumuko ako at buong lakas na inumpog yung nasa likuran ko. Lumuwag ng kaunti ang hawak niya saakin kaya matagumpay kong naitaas ang isang braso ko. Siniko ko sa ilong yung lalaking may hawak saakin. Kumapit ako sa braso niya at inangat ang sarili ko. Pinulupot ko ang magkabilang hita ko sa leeg niya at hinila siya pabagsak. Bago ako tuluyang tumama sa semento ay umikot ako paibabaw sakaniya. Nag back flip ako ng dalawang beses at hinayaang mauntog ang ulo niya sa semento. Sapat lang ang lakas non upang mawalan siya ng malay.

Sunod kong pinuntirya ang tumadyak saakin kanina. Palapit palang ako sakaniya nang may umatake saaking may hawak na baseball bat. I smirked.

"It's a mistake you brought that." I said. Akmang ihahampas niya saakin iyon nang masalo ko ito. Mahigpit ang hawak ko doon upang masigurong hindi niya mababawi iyon. Umikot ako at siniko ang tagiliran niya. Ginamit ko ang dulo ng baseball bat at pinatama iyon sa sikmura niya. Nang mapayuko siya ay sinalubong ang mukha niya ng paa ko.

Inikot ko sa kamay ko ang baseball bat at tiningnan ulit ang natitirang 3. I swung the bat and hit one of them in the arms. Ni-back kick ko ang isa sa kanila at hinampas naman ng baseball bat ang isa sa tuhod.

Sinapak ko ang nasa harapan ko ng dalawang beses tsaka siya siniko sa leeg. Hinarap ko naman ang nasa likuran ko. Napatigil ako sa paggalaw nang makitang bumunot na siya ng baril at kinasa iyon. Itinutok niya iyon saakin at akmang kakalabitin ang gatilyo. Binato ko sakaniya ang bat na hawak ko at sinapol siya sa ulo. Nabitawan niya ang baril at nawalan ng malay. Mabilis kong sinipa iyon palayo.

"Hindi nga sila nagkamali. Malakas ka ngang babae ka." Ani nung lalaking kanina pa nakatunganga at pinapanood lang bumagsak ang mga tauhan niya. He snapped his fingers, then 5 more men came out of nowhere, all of them holding a pistol.

The Only Girl Of Section 5Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz