Love?

Hey love where are you?

Sino yan si Cholo?
* Rinig kong tanong ni Lola.

Akin na ako na kakausap.

Apo?

Lola asan kayo?

Huwag kang mag alala ibabalik ko rin si Allison sayo. Babye na apo.
Lola ibigay niyo po.....
*Hindi ko na natapos ang sasabihin ko she already ended the call. Ganyan niya ba talaga kamahal si Allison para patayan ako ng tawag? Hahahaha mukhang nakahanap ng kabonding si lola ah hahaha. I received a message from Allison.
Love sorry si lola kase eh hahaha niyaya akong mag mall.
It's okay love just take your time, and mag iingat kayo. * I reply to her. Hindi na siya naka pag reply malamang hinablot na naman siya ni Lola hahaha. Umuwi na muna ako sa bahay ni Lola.

Good afternoon Cholo.

Magandang hapon po.
* Dumiretso na ako sa kwarto at muling humiga I'm about to close my eyes when my phone suddenly ring. Lucas I murmured as I saw his name on my screen.

Bro.

Bro Cholo kumusta?

I'm totally fine bro. Ikaw how are you?

I'm more than fine bro hahahaha.
Hahahaha ang saya natin ngayon ah anong meron?

Ahm wala naman I'm just happy that finally nahanap mo na rin ang hustisya para sa mga magulang mo.

Oo nga eh. Thank you bro. Sila tita kumusta?

They're okay.

Mabuti kung ganun.

Kailan ang punta mo dito? Shots Tayo ha pag pumunta ka dito hahahhaa

Oo ba. Hahahaha

Sige bro patayin ko na Ito.

Sige bro.
* He ended the call. Alam kong magkikita kami ni Allison mamaya but I can't help myself thinking about her. Ano kaya ginagawa nila ngayon? Ahh Lola naman kase eh. May ilang oras pa bago makita ko siya uli. Kaya decided na matulog nalang muna para mas madaling lumipas ang oras at makita ko na siya agad hehehe. 
.....
Apo gising.

Lola?

Oh anong oras na hindi kaba nag bibihis.
*I look at my watch shit it's already 7 pm. May dinner nga pala kami ngayon sa bahay nila Tito Luhence.

Sige na lalabas na ako, hihintayin kita ha? Maligo kana at magbihis.

Sige po Lola.
* Gaya ng Sabi ni Lola naligo na ako. Ginawa ko na ang dapat gawin. Puting polo ang sinuot ko at black jeans, with a white shoes. Brinush up ko na rin ang buhok ko. Nag spray narin ako ng paborito kong perfume. Lumabas na ako ng kwarto ko.

Ang gwapo talaga ng apo ko.

Syempre kanino pa ba ako mag mamana edi syempre sa mommy ko hahahaha.

What? * Sabay hampas niya sakin hahah

Lola biro lang po syempre mana ako sa inyo. hahahaha.

Hay naku Cholo Tara na nga siguradong naghihintay na sila Luhence satin.

Hahaha sige po.
* Pinagbuksan ko na siya ng pinto at pumasok na rin ako. And I drove.

Lola?

Hmm?

Thank you for everything.
* She look at me through the mirror.

Apo naman pagkatapos mo akong lokohin kanina, ngayon mag dradram ka?

Lola naman hahaha Hindi po ako nagdradrama. I just wanted to say it to you that I appreciate everything you do for me.

Ikaw nalang ang meron ako apo, kaya lahat na pwede kong ibigay sayo ay ibibigay ko. At tyaka hindi ko nagawa sa daddy mo ito kaya sayo ako bumabawi apo.

HomeМесто, где живут истории. Откройте их для себя