"I'm not. Ugh. Ano ba Moses?" Ani Celeste at ngumiti lang sa kanya si Moses. "And stop calling me cupcake. Hindi ako pagkain! Aish. Bahala ka na nga dyan. Kung ayaw mo pang umuwi edi mauna na ako!"

Nanlaki ang mga mata namin sa pag-uusap nila ni Celeste at Moses. Umirap si Celeste at naglakad na palayo. Napalitan ng seryosong mukha si Moses nang umirap si Celeste. Ni hindi na niya kami pinansin pa at sumunod na siya doon sa kanyang date.

Kumunot na lamang ang aming mga noo.

Okay? What was that about?

"What's up with Moses and the chick?" Tanong ni kuya kay Dish.

"Well.." ngumisi si Dishon. "I think the guy's whipped." Tawa niya. "Anyway, I'll see you guys next time then? Safe trip."

***

Bago ako pumasok sa kanyang kotse ay tumingin ako ulit sa malaking hotel ng Le Teves. 

"You okay?" Tanong ni Mishael sa gitna ng biyahe.

"Yeah. I'm fine." 

Tahimik na tumango si Mishael. Tumikhim lamang ako at tumingin sa labas ng bintana.

"Athalia.."

"Hmm?"

"What do you feel about Eleven being back?"

Halos tumigil ang paggalaw ng mga binti ko. Tumingin si Mishael sa akin sandali bago bumaling sa kalsada.

"I caught you staring at him." aniya. "You looked.. You looked like you really missed him."

Kalmado lang ang mukha ni Mishael. It was too calm. Di ko alam kung ano ang iniisip niya.

"Not really. Hindi naman kami close eh..." Sabi ko.

"Hmm.." tumango lang ng dalawang beses si Mishael.

"Back then.. I thought you really liked him." Umimik muli si Mishael, ngayon ay di na siya nakatingin sakin kundi sa kalsada lamang.

Hindi ako nakasagot o nakapagsalita kaya tumango na lamang ako at kinagat ang labi.

"And it was obvious too that.. he liked you." dugtong niya. Napapikit ako ng mariin.

"Mishael, that was all in the past." mariin kong sinabi at tinignan ko siya.

Tumingin si Mishael sa akin habang nakahawak parin sa manibela.

"What matters to me now is you and me." sabi ko sa kanya at ngumiti ako. He smiled back and held my hand.

Mishael took me home to my condo and he slept with me that night. 

***

About a month has passed and Jahziel invited everyone for dinner sa condo niya. May importanteng okasyon daw. He and Rickzyn just came back from their small vacation in Boracay. 

And by everyone, meaning makikita ko na naman siya.

"Sumama ka naman kasi Mish... Please?" sabi ko kay Mishael nang malapit na kami sa building ng place ni kuya.

He chuckled. "I have to be at Macau by tomorrow, Ath. I feel bad for not being able to come but I can't miss this flight..."

Mishael kissed me on the lips when he stopped in front of kuya's condominium building. "I love you and I'll miss you."

"I love you too." sabi ko sa kanya, nakangiti. "And I'll miss you too, Mish." 

I kissed him again on the lips. Diniin niya ang kanyang mga labi sakin. 

Nagkasalubong kami ni Zara at Rui sa lobby ng building nang pumasok ako nito. Sabay sabay kaming umakyat patungong unit ni kuya.

"Hey kuya," I kissed my brother on the cheek nang nakarating na ako sa kanyang condo. "What's the occasion? Ang dami niyong pagkain ah?"

"Basta," ngiti ni kuya at nagkatinginan sila ni Rickzyn at parehon ngumiti. "We're just glad you guys came."

"Naku kayo ah.." nagbeso din ako kay Rickyzn.

Isa-isang nagsidatingan ang lahat. And then I saw Eleven enter the dining room. Maayos ang buhok at naka black long sleeve shirt at jeans. Hawak niya sa bewang si Brooks na nakasuot ng kulay blue na short dress. Nagtama ang mga mata namin ni Brooks at nginitian niya ako. I smiled back.

Nagkwentuhan lamang kaming lahat nang nagsimula na kaming kumain. One thin about being an adult is that it's sometimes hard to keep in touch with your old friends. Swerte kami dahil palagi kaming nag-geget together ng ganito kaya kahit pareho kaming lahat na busy, we still know what's up with each other.

"So... You guys must be wondering why I invited you all here tonight." habang patapos na ang lahat na kumain ay biglang tumayo at pumunta sa harap si Kuya Jahziel at Rickzyn. Hawak ng kapatid ko ang kanyang wine glass at nasa kabila niyang kamay ay hawak ang bewang ng best friend ko. "Despite your busy schedules, thanks for coming tonight. Importante kasi sasabihin namin ni Rickzyn."

Nagkatinginan kaming lahat na nakaupo sa table at nagtaka kami sa mga sinabi ng aking kapatid.

"Rickzyn and I have been dating for three years now." Bumaling si kuya sa aming lahat. "And she's been the best thing that's ever happened to me."

"Oh my god." Napatakip ng bibig si Zara.

"Everyone, Rickzyn and I are getting married."

Sa isang iglap ay pakiramdam ko hindi ako makahinga dahil sa halu-halong emosyon na aking naramdaman dahil sa aking narinig. Ilang sandali lamang ay nagpalakpakan na ang lahat at kinocongratulate ang dalawang nag-iibigan. My kuya is finally getting married to my best friend. To say I'm happy for them is totally an understatement. Grabeh!

"We'll tell you the details of the wedding later. That's it for now. Ngayon, mag enjoy lang muna tayo." Tawa ni kuya.

The night went on. Kwentuhan ng kwentuhan kaming lahat. The boys were talking to kuya and we were with Rickzyn. Well, Brooks was with Eleven so nandun siya sa mga boys. 

Napapatingin ako kay kuya at kay Eleven. Kung tingnan mo sila, parang walang nangyari noon sa amin. They seemed so cool with each other now. Feeling ko baka nagkausap na sila ulit noon pa.

"Huy Ath, ikaw ang maid of honor ko ah..." ngiti ni Rickzyn sa'kin. Bumaling ang atensyon ko sa aking mga kaibigan. 

"Oh my god." nalaglag ang panga ko. "YES! YES! Sure, I'll be your maid of honor!" 

Ang tagal na naming naging deal ang maging bride's maid sa isa't isa sa aming magiging wedding mula pa noong mga bata pa kami.

Niyakap ko si Rickzyn ng mahigpit.

"Sapat na lang sakin ang bride's maid ah.." pa-cute na sinabi ni Zara habang nakacross yung arms. 

"Eh sino ba ang best man, Rickz? Alam mo?" tanong ni Rui.

Hindi nakasagot kaagad ni Rickzyn. Tumingin siya sakin na mukhang nagsosorry. Kumunot ang noo ko. Bakit?

"Si Eleven ang best man."

The Devirginizer's Lady (COMPLETED) (TDL SERIES #1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz