Panglabing siyam

Magsimula sa umpisa
                                    


Sobrang bigat.


Hindi niya alam ngunit nahihirapan siyang huminga ng maayos.


Ano ang pakiramdam na ito?


Nahirapan siyang maka-alis sa bahay ni Lola ngunit nang marinig niya mula kay Maria Andrea ang tungkol sa pinsan niya'y agad siyang humanap ng paraan upang mapuntahan ang mga ito.


"Gagawin ko ito para kay Ada!"


Papasok na sana siya sa nakabukas na gate nang bigla siyang nakarinig ng pamilyar na boses sa kanyang likuran.


"Huwag mong sayangin ang pagliligtas sa iyo ng pinsan mo"


Lumingon siya sa kanyang likuran ngunit wala siyang nakita. Ngunit sigurado siyang narinig niya ang boses ni Mae. Iyon ang mga salitang narinig niya mula rito noong nagkausap silang dalawa.


Ano ba talagang meron sa bahay na ito?


Huminga siya ng malalim saka nakayukong humarap sa bahay. Hindi niya kayang libutin ng tingin ang bahay dahil natatakot siya. Kung hindi nga lang dahil sa pinsan ay hindi siya pupunta rito.


"Tu.. long.."


Napaangat siya ng tingin ng marinig iyon. Doon siya napasinghap nang mapansin ang tila tatlong pigura ng tao na nakasabit sa labas ng bahay. Kahit malayo ang gate mula sa bahay ay sigurado siyang mga tao ang nakasabit doon. Mabilis siyang tumakbo sa loob dala marahil ng sobrang takot na may mangyaring masama sa mga ito kung hindi niya ibaba ngunit nang maka limang tapak siya ay napatili siya nang biglang may sumunggab sa kanya dahilan para pareho silang masubsob.


Nakadagan ito sa kanya habang siya nama'y nakadapa sa lupa. Nakaramdam siya ng takot at pandidiri nang maramdaman ang malagkit na kamay nito sa kanyang buhok papunta sa kanyang mukha. Nagpupumiglas siya upang makawala ngunit sadya itong malakas. Idagdag pa ang mabaho at malagkit nitong kamay!


Nakakasuka!


"Sa wakas... pumasok ka rin!"


Bumilis ang lalo ang tibok ng kanyang puso nang marinig ang nakakakilabot nitong boses. Malalim iyon at mukhang delikado.


"Bitawan mo ako..." mahina niyang usal.


Narinig niya ang malakas nitong pagtawa. Akala niya ay makakawala na siya rito nang tumayo ito ngunit hindi pa pala. Muli siyang napatili nang maramdaman ang marahas na pag-angat ng kanyang paa mula sa lupa.


"Matagal kong hinintay ang pagkakataon na ito."


Nang idilat niya ang kanyang mga mata ay napatulala siya nang sumalubong ang mukha nito. Napaiyak pa siyang nang makilala ito.


BAGONG BAHAY ni MARIA - EDITING!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon