Kabanata 4: Hardin

144 72 37
                                    

KAKATAPOS KO LANG gawin ng skin care ko. I need to take care of my face sa panahong 'to, wala akong tiawala sa mga skin care products na mayroon here. Baka matulad pa ako kay Felisa na makapal ang foundation.

Tsaka Céleteque, Garnier, Belo, at The Ordinary lang ang puwedeng maka touch sa face ko 'no.

5:00 AM ako nagising, ang dami kasing alagang manok ni Don Buencamino. Kasalukuyan kong inaayos ang Baro't Saya na suot ko nang biglang kumatok si Tinay.

"Pasoook!" sigaw ko. "Binibini, ako na po ang bahala na mag ayos ng buhok ninyo!" malugod niyang sabi kaya tumango na lang ako.

Habang inaayos ni Tinay ang buhok ko, naisip ko na mag ask ng questions about kay Emiliana.

"Tinay, may naging jowa— I mean ka-ibig na ba si— Ako?" tanong ko.

Girl kasi kailangan kong malaman ang past ni Emiliana, kung nagka jowa ba siya bago ako mag hanap ng boylet... Ay, kailangan ko palang maikasal sa bwiset na Emilio na 'yon.

"Sa pagkakaalam ko po, naging kasintahan po ninyo si Heneral Julian, at tumagal po kayo ng Apat na taon ngunit natigil po ang inyong pagkikita noong dalawang linggo bago kayo tumungo sa Espanya" wika ni Tinay.

Sino ba 'yang Julian na 'yan? Pogi ba siya? "May litrato ba siya sa akin?" takang tanong ko.

"Mayroon po binibini, Nasa loob po ng librong kaharap ninyo" Tugon niya. Dali-dali kong kinuha ang libro at binuklat ito. Tumambad sa akin ng litrato ng lalaking nakita ko sa pinuntahan namin noon. Ang picture ng lalaking nag-graduate na nakita ko noon at tinanong ko kay Elle. Si Julian!

Hindi ako makapaniwala na dito ko lamg pala makikita ang crush ko, at ex pa talaga ni Emilianna!

"Tinay, may alam ka ba sa dahilan kung paano naging kami at kung paano kami natapos?" tanong ko pa. Para naman akong obsessed sa crush ko nito!

"Ang alam ko po ay niligawan ka niya dati. Araw-Araw ka niyang pinapadalhan ng letra at tula, at gabi-gabi kang hinaharana. Hindi ko po alam ang buong pangyayari kung paano kayo natapos ngunit sa aking mga narinig po ay ayaw ni Heneral Julian na umalis kayo" tugon niya

Dahil lang doon? Pero hindi ako naniniwala na ayun lang ang dahilan. At kailangan kong i find out ang reason

"Binibini, tapos ko na po ayusin ang iyong buhok" wika ni Tinay.

"Okay" maikli kong tugon. Kinuha ko na ang make up kit ko at una akong nag lagay ng moisturizer. Sunod at sunscreen at nag make up na.

Maganda dapat akong tignan pag nagkita kami ni Julian 'no!

"Tinay, saang lugar madalas pumaroon si Julian?" tanong ko.

"Sa may Hardin ng mga bulaklak po, malapir po ito sa kanilang hacienda at sa paborito ninyong bilihan ng mga palamuti at libro" tugon niya

"Okay, samahan mo ako roon!" Wika ko sabay tayo.

"Ngunir binibini, hindi pa ho kayo nag aagahan at pagagalitan po ako ng Don at Donya kapag nalaman nila ito" Nag-aalala niyang saad

"Don't worry, ako ang bahala. It's on me kaya wala ka nang dapat ipag-alala" wika ko sabay kindat sa kaniya

"P-po?... Hindi ko po maintindihan ang iyong sinabi" saad niya

"Ah basta, 'di na 'yon importante. Ang importante ay samahan mo ako sa garden na sinasabi mo" saad ko sabay labas sa aking silid.

Mabuti na lang ay busy ang lahat sa pagluluto ay sa pag-gawa ng chores. "Bilis, Tinay! Pangako bibigyan kita ng sampung piso! Mas malaki iyon kesa sa sahod mong Tres araw-araw!" wika ko sabay ngiti sa kaniya.

A Different World (Chasing The Time #1) Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz