29 🌈 Caleb, The Stupefied

Začať od začiatku
                                    

"Ito ba?"

Mabilis na umatras si Tamara at umiling, animo takot ding mayakap ng higante.

"Ako po," ang mahinang sagot ni Maria, pero nakatitig sa manok na hawak ni Matthew.

"Aba, ang galing mo pumili, Kaloy!"

"Caleb," diin niya, pinakiramdaman kung may nabali siyang buto sa katawan.

Matapos ay sumigaw ito, nakaharap sa hagdan patungo sa ikalawang palapag. "Mia! Nandito ang anak mo-!" pero natigil, dahil sa pasimpleng kurot ng asawa sa braso nito.

"Hener," untag ni Mrs. Sabel, pinandilatan ang katabi.

Doon pa lamang ito nakaintindi, nabura ang ngisi at naitikom ang bibig. "Ah," tapos kinuha ang manok mula kay Matthew.

The atmosphere turned quiet, awkward. Caleb wanted to leave at that moment.

"Kumakain din po ako ng tinolang manok."

Napalingon sila kay Maria, ang bumasag sa katahimikan. Caleb isn't sure if it was on purpose, but he can see her drooling while looking at the live chicken.

"Pangsabong iyan," paalala ni Matthew.

"Ang chicken ay chicken," sabi nito.

Muling dumagundong ang tawa ni Mr. Hener. "Sige, magpapakatay ako mamaya para sa'yo, ineng."

"Maria po," imporma nito.

"Maria," at tumango tango at nilingon si Caleb. "Mabuti at nabalik ka, Kaloy." Sumisipol itong umalis.

He didn't say anything, already tired insisting he's Caleb now.

∆∆∆

Bago maghanda para sa munting salo-salo, pinag-agahan muna sila. Nakaupo na sila sa mesa nang mapansing wala doon si Maria. Ilang minuto pa muna ang lumipas ng pumasok ito sa hapag kainan, may bitbit na mangga sa kamay.

"Where did you go?" tanong niya, pinagmasdan ang puting short nitong may mantsa ng kung ano.

"Sa taas, namitas," at isa-isa silang binigyan ng bunga.

"Namitas?" tanong ni Matthew, kakasubo pa lang ng ulam. "Saan ka dumaan?"

"Sa bintana ni Tita Mia."

Muntik na siyang maubo. Habang nakipag-high five pa ang pinsan niya dito. "Close agad sa mother-in-law. Ayos 'yan!"

Bilib na siya sa kapal ng mukha nito. Not only she was able to roam around the house like its hers, but she even used his mother's window to climb mangoes and find ingredients for voodoo.

"Maraming salamat," sabi ni Tamara, tanging nakatanggap ng pupa sa nakabalit na ng plastic. "Tam-Tam, pwede na 'yan 'di ba?"

Tumango ito, nanlaki ang mata sa tuwa. "Maraming salamat, ngayon alay na lang ang kulang."

Parehong tumingin sa kanya ang dalawang babae, magkasalamin ang madilim na ngiti.

For a moment, Caleb felt a shiver down his spine from unpleasant memories. Kung inaakala nitong maiaalay ulit siya kay Makapangyarihang Lucifer o kung sino man, he'd strangle them first.

"Kaloy, ayaw mo ng palaman?" tukoy ni Matthew sa mango jam, na hindi man lang niya ginalaw. "Masarap, 'yan, si Tita Mia gumawa."

"I don't like sweet things "

"At least tikman mo, Mon-Mon," sabay ni Maria, ngayon ay naglalagay na sa pandesal at kumain.

"I said no." Unti-unti ng nagkapatong-patong ang inis niya. Why does everybody control him today?

"What are you doing?" tanong niya kay Maria, ngayon ay ikinakalat sa labi ang purong mango jam, animo lip gloss.

Ngumiti lang ito at bago pa siya maka-react, hinablot ni Maria ang leeg na bahagi ng T-shirt niya, hinalikan siya ng madiin.

Caleb froze, and so were the others.

Hindi niya napansin kung paano nailuwa ni Matthew ang juice sa baso habang si Tamara naman ay naparami ng inom. Wala siyang napansin kundi ang labi ni Maria sa labi niya, ang matapang na amoy ng jam at kabog ng puso niya.

Then she let go, it was the only time that he blinked. "What was that for?!" he screamed.

Wala sa loob niyang ginaya ang aktong pagdila sa labi nito. Nalasahan niya ang saktong asim at tamis ng palaman.

"Mon-Mon, masarap 'di ba?" tanong nito.

"What?" Anong masarap, ang halik?

"Ang jam ng Mommy mo, masarap 'di ba?'

Caleb couldn't say anything. For a moment, he felt ashamed, astonished by his own disoriented behavior and Maria being sly.

"See?" natutuwang baling nito kay Matthew, "masarap daw," at nagpatuloy sa pagkain na parang walang nangyari.

🌈🌈🌈

Mon-Mon, masarap ba? :D

Magpaturo tayo kay Maria #HowToKiss101

Ellena Odde ♥

Damn it, Maria! (Squad Series 1)Where stories live. Discover now