06

5 1 0
                                    

Chapter Six

Isang gabi, pahirapan ako sa pagtulog kasi umuulan ng malakas kasabay ng pagkulog at pagkidlat. Malakas din ang hampas ng hangin.

I hate thunderstorms. It always reminds me of my past, rather my mother's past. Ikinuwento lang ni Tiya sa akin ng isang beses noong bata pa ako, siguro mga edad pito, pero hindi ko na nakalimutan iyon.

Kabuwanan na ni Mama noon, masayang-masaya siya. Excited na excited na siyang lumabas ako kasi sabi pa ni Tiya, ako daw ang pinakamalaking blessing na matatanggap ni Mama sa tanang buhay niya.

"Ate Nelia, gusto ko ng makita ang anak ko. Hindi na ako makapaghintay na mayakap siya at halikan." Nakangiting sambit ni Ylliana habang humahawak sa malaki na niyang tiyan. Hindi na din niya kita pa ang kanyang mga paa.

"Ako rin, hija. Alam kong sa iyo magmamana ang anak mo. Ano pala ang balak mong ipangalan sa kanya?" Tanong naman ni Nelia na inililigpit ang mga nilabhan niya kanina.

"Primrose Tatiana, ate."

Natigilan naman si Nelia.

"Primrose, kasi sabi noon ni Lola, ipangalan ko daw sa anak ko ang pangalan niya. Tatiana, galing naman sa kay Mama. Kahit hindi ako lumaki sa piling nila, mahal ko pa rin sila." Naluluhang sambit ni Ylliana. Hindi niya maiwasang maging enosyonal lalo na at buntis siya.

Lumapit naman agad sa kanya si Nelia at mahigpit siyang niyakap.

"Magiging maayos din ang lahat, Ana."

Tumawa naman ng napakahinhin si Ylliana.

"Alam ko, Ate, kaya ko ito! Ako pa ba!"

Narinig nila ang pagtunog ng telepono sa sala. Lumapit doon si Ylliana at nakangiting sinalubong ang tumawag.

"Hello, Ylliana speaking. How may I help you?"

"Ylliana." Isang salita pero alam niya na kung sino ito. Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso at bumilis din ang kanyang paghinga niya.

"A-anong kailangan m-mo?"

"You can't raise my child alone."

"N-no! I can! And how dare you? After you pushed me away, ito ang sasabihin mo sa akin? Ang kapal ng mukha mo!"

"Kukunin ko ang kustodiya ng anak ko."

"Huwag mong gawin sa akin ito! Wala kang karapatan sa kanya simula noong ipnagtulakan mo ako palayo. Nagmakaawa ako sayo, diba? Na panagutan mo ako. Pero anong ginawa mo? Duwag ka!"

"Sa ayaw at sa gusto mo, kukunin ko ang anak ko sa iyo."

"Lalaban ako, Miguel! Magkamatayan man, hindi ko ibibigay sa iyo ang anak ko!" Matapang na sambit niya at ibinagsak ang tawag.

No. Not my daughter. Please.

Unti-unting siyang umupo sa couch na nandoon at malakas na tumangis. Agad namang tumakbo si Nelia sa kinaroroonan niya at nagulantang sa kanyang nakita.

Kasabay ng pag-iyak ni Ylliana ay siya ring pagbuhos ng napakalakas na pag-ulan na may kasama pang pagkulog at pagkidlat.

May dugong umaagos sa hita ng dalaga.

"Ylliana..."

"Ate, manganganak na ata ako." Nahihirapang sambit ng dalaga.

"Joselito! Ihanda mo ang sasakyan! Manganganak na si Ylliana!" Malakas na sigaw nito sa asawa. Lumapit siya sa dalaga at umagapay sa kanya.

Kinuha niya na din ang mga gamit nito na nasa couch lang din at ginabayan sa paglalakad pero hindi nito kaya. Sumigaw siya ulit ng tulong kay Joselito na agaran namang dumating at binuhat kaagad si Ylliana sa kanyang bisig.

Namumutla na ang dalaga. Hindi pa ito ang due date niya pero dahil sa narinig ay agad siyang nakaramdam ng sakit sa kanyang tiyan.

Nasa labas na sila at pasakay na sa kotse pero bigla na lang sumigaw si Ylliana at umere sa gitna ng buhos ng ulan. At sa gabi ding iyon, iniluwal ang batang si Primrose Tatiana. Sa gitna ng napakalakas na ulan, kulog at pagkidlat.

Agad nilang ipinasok si Ylliana sa kotse habang hawak naman ni Nelia ang bata. Umiiyak na rin siya, hindi malaman kung ano ang gagawin.

"A-ate..." mahinang sambit ni Ana. Lumingon naman agad si Nelia at kitang-kita niya ang hirap na dinanas ni Ylliana. Maputlang-maputla na ito.

"U-umalis kayo agad dito, magpakalayo-layo kayo. Kukunin ni Miguel ang anak ko ate, at hindi ko gusto iyon. Ayokong maranasan ng anak ko ang naranasan ko. Mangako ka sa akin, Ate." Nauutal na litanya ni Ana.

"P-pangako, Ana."

Kita niyang ngumiti ito bago ipinikit ang mga mata. Sa gabi ding iyon, hindi na naabutan pa ng umaga si Ylliana at hindi man lang nito nagawaran ng yakap at halik ang anak dahil sa sobrang panghihina.

Agad kong pinunasan ang luhang umaagos na sa mga mata ko. Sana, hindi ko na lang ito nalaman pa, pero mapilit ako kay sinabi ni Tiya Nelia sa akin.

Malaki ang hinanakit ko sa ama ko. Hindi niya pinanindigan si Mama, at plano niyang kuhanin ako? Mabuti na lang din at sa mga oras na ito ay hindi pa niya ako ipinahanap. Hindi ako sasama sa kanya.

Nag-desisyon akong lumabas ng kwarto, ayokong maging malungkot. Bumaba ako sa kusina at uminom ng isang basong gatas. Baka makatulong upang antukin ako.

Babalik na sana ako sa kwarto ko pero nakita kong medyo nakabukas ang pintuan sa tapat ko. Ang kwarto ni Arachis. Sumilip ako at isasarado na sana ang pinto pero nakita kong gumagalaw ang ulo niya.

Sa pag-aalala ay mabilis akong lumapit sa kanya.

Ngunit natigilan ako nang marinig ko ang boses niya. Hala, nakapagsalita na siya?

"Primrose..." napakahinang sambit niya. Mas lumapit ako sa kanya at pinakinggan siya.

"P-prim..." Confirmed, tinatawag niya nga ako. Pero, why, bakit?

Napakaganda pakinggan ng boses niya. Sobrang husky at sexy! Oh shit, heto na naman tayo, Yanna!

Mas lumapit pa ako sa kanya pero nabigla ako ng nanginginig na siya.

"K-kuya. Kuya! Kuya!" Paulit-ulit na tawag niya. Binabangungot si Arachis.

Inaalog ko siya para magising.

"Arachis."

"Arachis, gising!"

"Arachis!"

Nagulat ako nang bigla siyang bumangon at naghahabol ng hininga niya. Salamat naman.

Tumingin siya sa akin ng may nagtatanong na mga mata. Ngumiti ako ng matipid.

"Binangungot ka." May kinuha akong bimpo sa gilid kang nito at ipinunas sa mukha at leeg niya. Hindi na rin siya nakaiwas pa.

Tumitig lang ito sa akin habang ginagawa ko iyon. Gusto kong sabihin na nakapagsalita siya pero baka pilitin niya ang sarili niya. Mahihirapan siya. Kaya napag-isipan ko na ilihim muna ito sa kanya.

Patuloy pa rin ang buhos ng ulan. Malalakas na hampas na hangin, pagkulog at pagkidlat. Pagkatapos ko siyang punasan ay ibinalik ko siya sa kanyang pagkakahiga.

Aalis na sana ako para kumuha ng tubig sa ibaba nang pinigilan niya ang isang braso ko.

Lumingon ako sa kanya at kita ko ang pagsusumamo sa kanyang mga mata.

"Stay here. Please."

Parang nawala ako sa sarili ko dahil sa paraan ng kanyang pagtitig. Namalayan ko na lang na napatango ako at umupo sa gilid ng kanyang kama.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 26, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Untimely EncounterWhere stories live. Discover now