Chapter 1

64 2 0
                                    

"HOY!"

Napabalikwas ako sa kinauupuan ko nang may biglang sumigaw sa tabi ko. Napabuntong-hininga ako nang makita ko kung sino iyon. Sinamaan ko ng tingin nang ngumisi ito.

"Tulala ka diyan?"

Inirapan ko siya. Nilapag niya ang bag sa katabing upuan ng sa akin.

"Good morning!" Magiliw niyang bati bago humalik sa pisngi ko.

"Tangik ka naman eh?! Nagrereview ako oh!" Iritadong sabi ko, sabay pakita sa kaniya ng notebook na kanina ko pa binabasa, oral recitation kasi namin mamaya.

Tumawa siya ng marahan, Alam na alam niya talaga kung paano ako inisin! Ugh!

Humarap ako sa kaniya ng may pagbabantang mukha...

"I warned you!"

Sinabi ko na ngang ayaw na ayaw ko ang ginugulat ako e. Kailangan ko na yatang itigil ang pagkakape ko.

"Grabe! Binibining Valdez! So scary!" sabi niya sabay hawak sa dibdib, acting like she's scared. And there, she let out her silly laugh.

Umirap ako at binalik ang mga mata sa binabasa.

"Okay..." she shrugged. "Sipag talagang mag-aral," she chuckled.

Umirap ako sa pagbabasa... Nang-iinis pa talaga!

Maya-maya lang naramdaman kong nag-inat siya sabay hikab. I knew it! Then she tilted her head towards me.

"Ay wait!"

Hindi ko siya nilingon.

"Pansin ko lang, mukhang napapadalas na yata pagiging maaga mo ah?" She interrogated me in curiosity.

Nagtaas ako ng kilay habang nagbabasa tsaka ko siya nilingon.

"Mukhang napapadalas na yata hangouts niyo ah?" I returned to her with the same tone as she did.

She pursed her lips before smirking.

Beforehand, I don't want to talk about the reason why I've been always early these past few weeks. Kasi ako di ko rin malaman kung bakit. Hindi ko na tuloy nasusunod morning routine ko, mga dalawang linggo na rin siguro?

Lian and I are now second-year college students. Actually, today is Monday, the fourth week since the first semester started. And being late is not in my vocabulary... Just kidding! Hindi ako maaga pumasok pero hindi ibig sabihin no'n e, nali-late ako.

"Well, ikaw lang naman 'tong KJ, ayaw sumama. Na miss mo tuloy ang chances na makahanap ng lalandi sa'yo!" pagmamayabang niya.

Tumaas ang sulok ng labi ko. Ito nanaman siya.

"I don't care." tamad kong sabi bago ko binalik ang tingin sa pagbabasa.

Actually, alam ko namang may plano na sila noong nakaraang biyernes pa na mag-roadtrip daw sa tagaytay nang sabado o kaya daw linggo kasi weekend naman. Tinanong nila ako pero sabi ko 'di ko sure'. Hindi ko naman alam na natuloy pala sila kahapon.

Naramdaman ko ang biglaang paggalaw ng upuan niya sa tabi ko, caused to scrape. Tila ba siya ay nagulat.

"'I don't care'!? Hoy! alam mo ba... Bunganga nang bunganga yung si Chi! Ako pa sinisisi!..." she sighed. "Hay naku Avie, kapag hinintay mo pa iyang tadhana na palagi mong sinasabi. Naku! pustahan tayo tatanda kang dalaga. Galaw-galaw! Baka bumahaw!"

WITH YOU, WITHOUT YOUDove le storie prendono vita. Scoprilo ora