Hindi ko alam, nababagabag ako sa mga salitang binitawan ni Iceus, ang boses nya kanina ay puno ng poot. Hindi ko alam na may sama sya nang loob na itinatago para sa ama. Sa amang hindi niya nakilala ngunit kamukhang-kamukha niya.

Oo nga’t sinaktan o nasaktan ako dahil sa ama nila ngunit hindi ko naman nanaising may sama ng loob ang mga anak ko para kay Zeus. Hindi dahil sa concern ako para kay Zeus kundi dahil hindi ko gustong may itinatanim na sama ng loob ang mga anak ko para sa isang tao.

Hindi maganda para sa atin ang magtanim ng galit dahil mas lalo lang nitong ipinasasama tayo.

“anak kahit ako ay nagulat rin mas nakakabuti sigurong kausapin mo ng masinsinan ang mga anak mo para hindi sila maguluhan.”

Tumango nalang ako sa sinaad ni mom, mas mabuti ngang kausapin ko ang kambal.

Ilang minuto pa ang lumipas ay umalis na rin si mommy.

Bumuntong hininga ako at lumabas sa dining area saka pumunta sa ikalawang palapag ng mansion kung nasaan ang kwarto ng kambal. I shouldn't let myself become weak, for my twins I need to be strong.

KUMATOK muna ako sa pintuan bago dahan dahan iyung binuksan saka ako pumasok.

Bumaling sa akin si Iceus na nakaupo sa kanyang kama habang nagbabasa ng libro, bumuntong hininga nalang sya saka isinarado ang kanyang librong binabasa.

Namataan ko naman na nakahiga si Zein sa kanyang kama.

Lumapit ako sa kama ni Zein at umupo, hinaplos ko ang kanyang buhok. Nararamdaman kong gising pa ito at nagtutulog-tulugan lamang. Ngumiti ako ng pilit habang pinagmamasdan ang anak ko.

“baby? please don't be mad at mommy. Ang totoo ay hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang tanong mo sa akin kanina hindi ko kasi alam ang tamang isasagot ko doon. Napaka kumplikado anak... natatakot akong masaktan kayo...dahil na rin nasaktan ako noon at ayaw ko lang maramdaman nyo iyun.. pero anak kahit wala naman si daddy andito ako...mahal na mahal ko kayo.” mahabang lintaya ko

Umiiyak na bumangon sa pagkakahiga si Zein.

“I-Im sorry *sob* mom.. I'm really sorry” hinging tawad nito saka ako niyakap, my heart melted when I saw how sorry she is.

Hinagod ko ang kanyang likod
“its ok baby, I understand. I definitely do.” bulong ko

Bumitaw sya sa pagkakayap s aakin bumaling naman ako kay Iceus.

“Iceus hindi ko alam na may itinatanim ka pa lang galit sa ama mo” pagsisimula ko rito

“pero Iceus anak hindi magandang magtanim ng sama ng loob sa kapwa mo, sa ama mo. Kahit ano pang mangyari hindi iyun maganda dahil kung hahayaan nating lamunin tayo ng galit at sama ng loob ay tayo lang ang masisira.” pangangaral ko

Nakakatawa dahil pinapangaralan ko ang anak kong 'wag magtanim ng sama ng loob at galit sa kapwa samantalang ako’y puro galit at sama ng loob ang nararamdaman sa isang tao.

Iceus closed his eyes and sighed before he stand up and hug me.

“I’m sorry mom, I love you. I hope you know how much we love you, we're lucky to have you and you are more than enough.”

Ang sinaad ni Iceus ang nagpakirot sa puso ko, hindi dahil sa masakit kundi dahil masaya. I have never felt this happiness to the point that my heart ache. I love them so much.

I smiled at my son, my son who look exactly like my ex husband, his father. “mahal ko rin kayo anak” bulong ko

INAYOS ko ang pagkakahiga ni Zein sa kama at kinumutan sya.

“good night mom” saad ni Zein bago ipinikit ang mga mata, halata ang pagod sa Mukha nito.

“ goodnight, my princess” saad ko bago hinalikan sya sa noo

Lumapit ako sa kinahihigaan ni Iceus, inayos ko ang pagkaka kumot nya bago sya hinalikan sa noo

“good night mom” inaantok nitong saad bago tuluyang ipinikit ang talukap ng kanyang mga mata.

“goodnight, my Iceus” I whispered.

Lumapit na ako sa pintuan ngunit bago ako lumabas ay pinatay ko muna ang switch ng kanilang ilaw.

Pagod na humiga ako sa kama saka bumuntong hiningang tumitig sa kisame.

Zeus.

Hindi ko ineexpect na ngayong gabi pala ang araw na hahanapin ka ng isa sa kambal.

Kahit anong pilit kong limutin at burahin ka sa buhay namin ay hindi ko magawa gawa.

Siguro nga ay hindi ko talaga maiaalis ang sa mga bata ang pangungulila nila sa ama.

Ngunit kahit ganun gagawin ko ang lahat para hindi ka na nila muling hanapin pa Zeus. Hindi ka kailangan sa buhay ng mga anak ko Zeus.

Matagal ka nang nawalan ng karapatan sa mga anak ko. Ako lang ang may karapatan sa anak ko. I'll never let you know about them because the moment I left that house I already promise to myself that I would never let you meet your twins.

My Heartless Husband (COMPLETED)Where stories live. Discover now