Hindi na ako pinaghugas ni Nanay ng pinggan para hindi ako tuluyang magabihan.

The sunset of Isla de Vista is very beautiful. Like a painting that has been brought to life. Or something in reverse.

Nasa dulo kami nakatira kaya malayo sa lungsod at sa maraming tao. Nanay Rafaela is in love with peace and seas so when Tatay Juan married her, they built house far from the city, the gossips, the neighbors. A place where they can exist freely. Kaya gusto kong umuuwi rito kahit malayo.

Kahit palagi akong nandito, halos taon taon, hindi ko lubusan nakikilala ang mga tao. I only know what rides to take but not the identity of the individuals or famous individuals here. Tanging traysikel ang sinasakyan ng mga tao or kung nasa lungsod lang, nagkakalesa ang iba. Wala jeep ngunit may mga sasakyan naman at iyon ay pagmamay-ari ng mga mayayaman dito sa probinsya.

"Papuntang lungsod?"

Tumango ako sa traysikel drayber. Huminto siya. Isa lang ang sakay niya sa loob ng traysikel kaya umupo rin ako katabi sa babae.

"Dito ka nakatira, hija, o dayo ka lang?" tanong ni Manong drayber.

"Uh, dito po..." medyo nag aalinlangan kong tugon.

Bumaling siya sa akin sandali bago tumingin sa daan. Umiilaw na ang street lights dahil malapit ng gumabi. The road is very clean and well maintained that's why it is safe to go out at night. Walang binabalita na may nangyayaring masama sa loob ng probinsyang ito.

"Halos kilala ko ang mga tao dito sa Vista pero hindi kita namukhaan," aniya.

Isla de Vista ay sagana sa lamang lupa at dagat. This is a probinsya with many plantations like flowers, fruits, vegetables and animal farms. And has the finest white and long shoreline. May mga dayong nag-private chopper patungo rito para lang magbakasyon.

"Bumibisita po ako palagi sa grandparents ko. I'm not usually around the town,"

"Ay english!" halakhak niya. "Joke lang, hija. Naintindihan ko sinabi mo. Hasler na ako sa pag-iintindi ng english dahil sa mga dayo."

Tipid akong ngumiti sa sinabi niya. Ang babaeng katabi ko dito sa traysikel ay tahimik lang. It's awkward to have a conversation with the driver while there is stranger passenger beside me.

"Anong apilyedo mo, hija?" patuloy ng drayber.

Nagdadalawang isip ako kung alin sa dalawang apilyedo ko ang isasagot. My mother's maiden name or my father's surname.

"Ramos," sa huli apilyedo ni Mommy ang sinabi ko.

Gulantang siyang bumaling sa akin. "Ramos? Kaano-ano mo si Mang Juan? Si Lucinda?"

I gripped tightly on the hem of my skirt. "Apo ako ng Tatay Juan."

"Kaya pala! Ibig sabihin anak ka ni Lucinda? Classmate kami ng Mama mo sa IVSU. Grabe ang Mama mo, hija. Maganda iyan pagkadalaga, andaming manliligaw." natutuwa niyang kwento. "Kamukha kayo. Kaya pala, ah."

Hindi ko alam kung ano ang i-rereact sa kwento niya kaya nananatili akong tahimik at magalang na ngumiti ng tipid sa kanya.

"Saan na siya ngayon, hija? Barkada kami ng Mama mo. Nagbabakasyon pala kayo, ah. Sabihin mo sa Mama mo kung naaalala pa ba niya si Peter. Ako 'yan. Naku! Matutuwa iyon lalo na dahil ako ang palaging kumukopya sa assignment niya." tawa niya.

I felt bitter and there's a lump in my throat but I'm happy to hear this story about my mother.

"Dito lang ako, Manong," mababang sabi ng babaeng katabi ko.

O Silent Night (Isla de Vista Series #1)Where stories live. Discover now