Napakurap ako. "Hindi ko mapigilan na sisihin ko ang sarili, Poseidon. Kung sana hindi nawala ang alaala ko, hindi na umabot sa ganito. Hindi sana malalagay sa masakit na sitwasyon si Azul. Kasalanan ko..." Nabasag ang boses ko sa huling sinabi. Muling namuo ang luha sa mga mata ko. "Kaya gusto kong makaalala ulit."

Nagtagis ang bagang niya. "You forced yourself again? Can't you remember what happened the last time you forced it? You lost your consciousness! Sobrang sumakit ang ulo mo, Salacia. I told you not to do that again."

Napahikbi ako. "Gusto kong makaalala, Poseidon. Ayokong dahil dito ay may masaktan na naman. Grabeng pagdurusa mo dahil sa nawala 'to at pati ang anak natin, nadamay!"

"You don't need your memory back, Salacia! Buo na tayo. Azul is here, the both of you are already here and I promise that I would never let anyone hurt you again. Wala ng makakagalaw sa inyo. You'll never suffer again, baby. Ipinapangako ko 'yan. You don't need that."

Umiling ako. "Poseidon, hindi. Kailangan kong makuha ulit ang alaala ko para maging maayos na ang lahat! Para tuluyan na tayong sumaya at mabuo!"

Kumunot ang noo niya, tila hindi ako maintindihan. "Bakit, ano ba ang problema, Salacia? Tell me, I'll immediately find a way to solve it!" desperado niyang saad.

Naglaglagan ang mga luha ko at hindi alam ang sasabihin. Siya naman ay nakatitig lang sa akin, naghihintay. Kapagkuwan ay napakurap siya, tila may naisip. Sunod ay tumitig siya sa akin at nagsimulang namuo ang luha sa mga mata niya.

"Tell me what's the problem..." halos walang boses na saad niya. "I-is it..." Malalim siyang lumunok at naramdaman ko ang panghihina sa mga hawak niya. Umawang ang kaniyang labi. "Hindi mo na ba ako kayang mahalin ulit?"

Kumunot ang noo ko at biglang nablangko ang utak ko sa tanong niya. Ilang segundo kaming nagtitigan habang ang utak ko ay hindi makaproseso. Dumating bigla si Azul at dali-daling lumapit sa amin.

"Here, Papa. I tried opening it but I can't," aniya, saka iniabot kay Poseidon ang tubig.

Noon naputol ang titigan namin. Umiwas siya ng tingin at sinunod ang anak saka iyon inabot sa akin. Sinubukan kong magkatinginan kami ngunit hindi na 'yon naulit. Tumayo siya saka umatras.

"Drink it, Mama," saad ni Azul.

Napatingin ako sa kaniya saka tumango at ginawa na nga 'yon. Doon ko rin unti-unting napagtanto kung ano ang tawag niya sa akin. Nang matapos ako ay kinuha niya 'yon sa akin at siya ang nagsara. Pinagmasdan ko ang kilos niya at ekspresyon.

Dapat ba akong matuwa na sobrang matured siya para sa kaniyang edad? Bakit pakiramdam ko, epekto iyon ng negatibo na dahilan?

Binuhat ako ni Poseidon at dinala sa kama. Hinuli ko ang tingin niya pero hindi iyon nangyari. Binalot ng kaba ang dibdib ko sa lamig ng ekspresyon niya.

"Poseidon..." bulong ko, inaagaw ang kaniyang pansin.

Inilapag niya lang ako at binalutan ng kumot.

"Rest, Salacia. I hope you'll listen this time," aniya.

Pinagmasdan ko lang siya na tinalikuran ako. Inilahad niya ang kamay sa anak namin.

"Let's go, son. Mama needs to rest," saad niya.

Nilingon ako ni Azul saka siya tumango. Tumakbo muna siya palapit sa akin at hinaplos ang mukha ko.

"Mama, if you need something, just call me. Rest well," aniya saka ako pilit inabot para sa halik.

Napangiti ako at kusang inilapit ang mukha sa kaniya. Nang lumapat ang kaniyang labi sa pisngi ko ay parang uminit ang kalooban ko.

Lord Series #2: Drownedजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें