"What is it Ms. Williamson?"

Napatayo na rin ako.

"Wala po Prof Arden.", sabay irap kong sagot pero nakatalikod ako sa kanya ah? 'Di ko pwedeng irapan 'yan ng harap-harapan, katakot.

Agad na napa-ayos sila Sam sa pinagkainan namin.

"Sorry Prof, sa totoo lang paalis na talaga kami may next class pa kami, diba?", si Tricia na pinandilatan ng mata sila Sam, ako at Eric.

"Ah oo, tara na. Tara!", tinulungan ni Eric si Sam at Tricia sa pag ligpit nung mga kinain namin at nilagay 'yun sa bag ni Tricia.

"Sige Sir, sorry po ulit, una na kami."

Nagmamadaling nilagpasan nila Tricia at Sam si Ampa, takot na takot?

"Lika na bebs.", tawag sa akin ni Eric saka hinawakan braso ko at hinila ako.

"Ms. Williamson, stay.", Ampa.

Napahinto sa paglalakad si Eric at napatingin kami sabay kay Ampa, langya si Tricia at Sam, iniwan kami.

"Ba't kasi nagsalita ka pa, narinig ka tuloy.", pabulong na sabi ni Eric sa akin at kinurot pa ako sa likod kaya napa atras ako ng konti.

"You can go.", sabi ni Ampa nang nakatingin kay Eric.

Napatingin sa akin si Eric at nagdadalawang isip kung aalis ba siya o hindi.

"Okay lang ako, punta ka na sa next class mo.", nakangiti kong sabi kay Eric para hindi siya mag-alala, kasi akala niya siguro mapapagalitan ako ng bongga.

"Text mo ko ah.", sabi ni Eric at lumabas na, nilingon ko si Ampa at nakaupo siya na parang nakasandal sa ibabaw ng armchair ko.

Napakamot naman ako sa ibabang bahagi ng aking kaliwang kilay.

Naghihintay ako sa litanya niya pero nakatingin lang siya sa akin, kaya ako na ang nagsalita;

"Ano?"

Napaturo siya sa labas;

"He's gay?"

Sino? Si Eric?

"Si Eric? Oo, bakit?"

"You sure?"

"Oo nga, kung lalaki pa 'yun matagal ko ng jinowa, pero hindi. Bakit?"

Kumunot noo niya.

"Ano sinabi mo?"

Bingi ba siya?

"Alin?", para namang baliw 'to kausap.

"Repeat what you said."

"Alin doon?"

"Whatever.", napailing niyang sabi at napatayo na.

"You, i'm reminding you again, bawal tumambay dito. Madalas dito dumadaan ang dean papunta sa opisina niya, 'pag 'yun nakakita sa inyo, you'll be punished. Kaya 'wag matigas ang ulo."

Eto 'yung sinasabi ko sa inyo, minsan na nga lang kami magsama tapos 'pag nag-uusap pa kami parating pangangaral niya. Kung ganyan siya dapat hindi pagiging jowa inoffer ko sa kanya kundi pagiging pangalawang ama ko.

"Oo na, sige na."

Napatingin ako sa cellphone ko nang mag vibrate ito, I received a message sa GC ng charlie section na may meeting 'yung mga Professors ngayon kaya wala ng susunod na klase.

"Bakit ka andito? Ang sabi may meeting kayo ngayon?", tanong ko sa kanya.

Nakatingin siya sa labas.

Pregnant With My Professor's Child (BOOK #1)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें