Chapter 8

14 2 0
                                    

Yena's Pov

March na ilang araw nalang gagraduate na kami, walong buwan naman mula nung nagkagulo kaming magkakaibigan sa cafeteria *Hays, buti nalang talaga wala si Yuri nun. Mas pinili narin naming itago nalang sakaniya, tutal malalaman din naman niya yun o alam niya na?* sa mga buwan kasi na lumipas mas lalong naging close sa isa't isa yung kaibigan naming mga babae, panigurado nakwento na nila yun lalo na si Minjoo. *Maganda siya, pero madaldal siya kay Yuri lalo na kay Yujin.*

"Hey hyung, madapa ka." sumabay si Yujin sa paglalakad ko.

"Bakit naman?"

"Tulala ka kasi!!" binatukan ko siya.

"Kailangan nakasigaw?"

"Baka kasi hindi mo marinig."

"Yena, Yunjin sandali!" napalingon kami ni Yujin.

"Ow?" si Yujin.

"Pwedeng pasabay, iniwan ako ni unnie eh."

"Pwede naman, umamin ka muna kay Kkura-hyung." biro ko.

"Sira ulo." hinampas niya ako sa braso.

"Uy maayos na ulo ko ah?" si Yujin.

"Hindi naman ikaw." inakbayan naming dalawa ni Chaeyeon si Yujin.

Nang makarating na kami sa school, nandun narin yung iba. Ganun parin kasweet sila Hyewon at Yuri, pero hindi na ako nagseselos. *Bakit pa, ako yung dinidate at ipinakilalang manliligaw sa parents niya.* *Hindi tulad ni Hyewon na simula palang itinatanggi na, hahahahahaha. Hindi ako galit kay Hyewon, konti lang hahahahaha.*

Lumapit sakin si Yuri, sa totoo lang ilang buwan na kaming nagdidate sa tansya ko anim na buwan na ata. Pero nalaman lang nung iba, two months ago except kay Minjoo at Yujin na nahuli kaming nagdedate.

"Nagpuyat ka nanaman ba kagabi?" umiling ako. "Bakit ngayon ka lang?"

"Tumae pa kasi ako." hinampas niya ako sa braso. "Bakit? Totoo naman ah."

"Okay." kumapit siya sa braso ko.

"Yuri-yah?" tumingin siya sakin. "Tignan mo sila Minjoo oh?" nginuso ko sila Minjoo at Yujin na sweet na sweet sa isa't isa.

"Eh sila kasi couple na, tayo nagdedate palang."

"Kailan ba tayo magiging couple?" ngumuso ako.

"Kala ko ba maghihintay ka." tumango ako.

"Understood." lumapit na kami sa iba.

"Kkura? nasaan na yung aquamarine mong buhok." lumapit si Yuri kay Kkura at hinawakan yung ulo niya, natawa nalang ako *Inlove na inlove kasi siya dun sa kulay ng buhok ni Kkura.*

"Yena awatin mo 'to, hindi bola yung ulo ko."

"Ay hindi ba? Ang ganda kasi ng pagkaka semi kalbo." kinuskus ni Yuri yung palad niya sa ulo ni Kkura.

"Yuri-yah." tinawanan lang namin silang dalawa.

"Ganda ng pagkakatabas sa buhok mo ah." sabi ko kay Hyewon.

"Hindi ako natutuwa, masyadong itlog ang itsura ko." kinamot niya yung ulo niya.

"Ikaw kailan ka mag papagupit?" tanong sakin ni Yuri. 

"Baka pagkatapos na ng graduation." tumango siya.

"Gwapo ka parin naman kahit semi kalbo na yung buhok mo." tumawa siya.

"Love mo parin ako?" tumango siya.

"Tama na landian, may mga single." si Chaewon.

Natawa nalang kami ni Yuri at sumunod na sakanila.

THE STORIES UNTOLD series (YULYEN I)Where stories live. Discover now