𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 𝟸

Começar do início
                                    

"Ikay lalaki ka ang bagal mong kumilos jusmiyo. Tara na! Male-late na tayo!" Nagmamadaling sigaw ni AZ. Binato niya saakin ang susi ng motor ko.

"Mamaya na yang sermon session niyo." Sabi niya at tumakbo palabas. Binigay ko kela ate HZ ang susi ko sa kwarto.

"Desk beside the door. Left drawer. Isabit niyo nalang yang susi sa may pintuan." Sabi ko at sumunod kanila AZ palabas.

"Mag-uusap pa tayo mamaya!" Sigaw ni kuya DZ.

"Yan. Race pa." Asar ni AZ. Nginuso ko lang si EZ bago umiling. Tumawa naman siya.

"Sige. Tawa lang. Maligayang maligaya ka eh no?" Sarcastic na sabi ko tsaka siya tinalikuran at nagtungo sa garahe ko. Oo. Garahe KO. May kanya-kanya kasi kaming garahe.

"Pa-angkas ako ah." Sabi niya. Magre-reklamo pa sana ako kaso hahaba lang ang usapan kaya wag nalang.

Inangat ko yung pinaka pinto nun tsaka naglalad palapit sa motor ko. Binuhay ko yun at pinainit muna ang makina tsaka ako sumakay. Pinaandar ko ito at itinigil sa tapat ni Ikay. Akmang aangkas na sana siya pero pinatigil ko siya.

"Helmet mo?" Sabi ko. Napakamot naman siya sa ulo niya kaya napailing nalang ako. Binuksan ko yung box sa likod ng motor ko at iniabot sakanya yung extra helmet ko.

"Kalimutan mo ulit sa susunod. Hindi ka na makaka angkas. Ayoko ma-ticket-an uy!" Sabi ko pero tinawanan niya lang ako.

Hala sige tawa lang. maligayang maligaya ka dyan eh no?!

Siniguro ko munang komportable na siya sa pwesto niya bago paandarin ulit ang motor ko.

Tiningnan ko sa side mirror ko at nakita kong nakasunod saamin si EZ. Nilingon ko si Ikay at nakita ko ang pag-taas baba ng kilay niya bago tumango. Napangisi muna ako bago ko pinaharurot ang motor ko. Mukhang nakaramdam naman yung isa kaya binilisan din ang takbo ng motor niya. Tinatawanan naman siya ni Ikay.

"PAG KAYO INABUTAN KO LAGOT KAYONG DALAWA SAKEN!" Sigaw mo EZ

"AS IF MAABUTAN MO KAME!" Sigaw din ni Ikay sakanya at mas binilisan ko pa ang takbo ng motor ko. Buti walang nanghuhuli ng oras na to. At maluwag din ang daan kaya walang problema kung mag karera kami. HHAHAHAHA

Hindi naman halatang sanay makipag karera eh noh?

Malapit na kami kaya mas lalo ko pang binilisan ang takbo ng motor ko na pinagsisishan ko dahil may biglang tumawid na lalaki. Tumawid ng wala sa pedestrian lane!

Agad akong nagpreno kaya napayakap sakin ng mahigpit si Ikay. Pinaling ko pa-kaliwa ang manibela at muntik na kamjng matumba. Buti nalang ay naibalanse ko agad at sakto ang pagtigil nung motor ko sa tapat nung lalaking tumawid.

"Ayos ka lang?!" Agad kong tanong kay Ikay.

"O-oo. Ikaw? Ayos ka lang?" Balik na tanong niya sakin.

Ng masiguronv ayos lang talaga siya ay agad kong nilingon yung lalaki na kasalukuyang naglalakd tsaka itinaas ang sobrang dark na visor ng helmet ko.

"DO YOU EVEN KNOW THE 'PEDESTRIAN LANE'?! DO YOU EVEN KNOW WHAT YOU DID IS SO DANGEROUS?!" Sigaw ko pero ang parang wala lang siyang narinig.

Sisigawan ko sana siya ulit ng makarinig ako ng tunog ng palapit na motor saamin. Tiningnan ko kung sino iyon at nakita ko ang nagmamadaling si EZ.

"Ayos lang ba kayo?" Nag-aalalang tanjng ni EZ saamin. Tumango lang kami ni Ikay.

"Tara na." Mahinang sabi ni Ikay sabay tapik sa balikat ko. Nilingon ko pa ulit yung lalaki at nakita kong naka ngisi lang siya.

Mabungi ka sana!

The Only Girl Of Section 5Onde histórias criam vida. Descubra agora