CHAPTER 50

2.8K 147 2
                                    

Mayumi Asherah Errille's POV

Sinusuklay ko ngayon ang mahaba at kulot kong buhok habang naka tingin sa salamin.

"Hmm.. Vince! Hubby!" Tawag ko dito na ikinalingon nya. Busy sya sa pagbabasa ng librong hawak nya habang nakaupo sa may tabing kama ng kwarto namin.

"Hmm.. Ano yun?" Nilapitan ako nito bago yakapin. "Paputulan ko kaya ang buhok ko?" Tanong ko na ikinakunot ng noo nya.

"Hmm, Ayaw!" Sagot nya na ikinanguso ko.

"Ihhh! Bakit?"

"Ayoko! Manika kita e, pag nagupitan na ang buhok mo edi nagmuka ka ng tao!" Nakurot ko ito sa tagiliran nya na ikinadaing nya.

"Ihh, seryoso bakit nga ayaw mo?"

"Tss, Manika nga kita! Mas muka kang manika kapag mahaba at kulot ang buhok mo. Naiintindihan mo!?" Napanguso ako bago sya halikan.

"Okay!" Hinila ko sya pababa hanggang sa makarating kaming dining.

Bukas na ang uwi namin sa pilipinas, at yung inaayos namin hindi pa natatapos. Hasyt! I miss them pero baka--- hayst!

Naupo na lang ako sa tabi ni Acxel bago Sya ipahain. "Kamusta ang tulog mo?" Tanong ko na ikinangiti nya.

"It's okay mom!" Pormal itong naupo na parang mas matanda pa kay Vince. Hay naku ang batang to talaga o.

Kumain lang kami bago nagtungo sa sala.

"Gala tayo!!" Sigaw ni Vince, putcha! Di pa ba sya nagsasawa sa kakagala. Sa halos dalawang buwan namin dito puro kami gala. Akala mo hindi nauubusan ng pera. HAHAHA!

"Gala nanaman?" Tanong ni Lance na ikinatawa namin. "Oo! Bakit ba? Bukas na uwi natin o! Kaya sige nanaman o!" Maktol nya na ikinahalakhak ko bago tumayo.

"Magayos na garud kayo!" Wika ko na ikinahiyaw ng iba.

F
A
S
T
F
O
R
W
A
R
D

Nandito kami ngayong lahat sa may park habang ang iba ay kumukuha ng mga litrato, hawak ko din ngayon ang camera ko habang kumukuha ng litrato. Duh! Akala mo sila lang. Ako din!

Naupo ako sa isang bench habang tinitignan ang mga picture's na nakuhanan ko.

"Hmm.. Wifey!" Napatingin ako kay Vince.

"Ano yun?" Tanong ko bago tumayo at hinarap sya. Umiling lang sya bago maupo.

"Pagod na ako!" Sambit nya na ikinatawa ko bago maupo sa tabi nya. Pinunasan ko ang muka nya gamit ang towel na hawak ko.

"Anong plano mo?" Tanong nito sakin na ikinataka ko. Ang seryoso 'dre!

"H-hah?"

"Ayoko ng masaktan ka ulit sa pagbalik mo sa pilipinas Mahal ko!" Batid kong nagaalala ito pero ngumiti lang ako sa kanya. "Kaya ko ang sarili ko okay?" Ngumiti ako dito na ikinangiti nya din..

Inayos nya ang magulong buhok ko bago ako siilin ng halik.. "Ay! Ang sweet! Kuhang kuha!" Napatingin ako kay Allanah bago sya samaan ng tingin. Ang isang to.

"Oh! Ayan, remembrance nyong dalawa!" Binigyan nya samin ang isang picture na kanina lang.

"Great Smoky Mountains National Park!!" Sigaw nya na ikinaagaw ng pansin ng mga tao.

"G*go ka talaga!" Binato ko lang sya ng napulot kong maliit na bato na ikinakuripas nya ng takbo.

"Gutom na ako! Tara Kain!" Aya ko saka sya hinila sa isang restaurant.

Sebastian Ivan Laurent's POV

"Kailan ang uwi nila?" Tanong ko sa isang tauhan kong nagbabantay sa Kapatid ko.

"Bukas 'raw po, Master!" tumango ako bago umalis don.

"Mom!! // Dad!!" Tawag ko sa kanila ng maabutan ko sila sa may sala. "Bakit hindi mo sinabing naaksidente ang Kapatid mo last last month?" Tanong ni dad.

"Tsk! Sa tingin nyo may pake kayo nung mga araw na yun?"

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni mom na ikinangisi ko.

"Nakalimutan nyo na? Haha! Si Harlene lang ang pinagtutuunan nyo ng pansin ng mga araw na yan!" Lumapit sa amin ang iba na ikinatingin ko sa kanila.

"I'm...I'm sorry!" Nagsimula nanamang bumuhos ang mga luha ni mom na ikina iling ko.

"Uuwi na sila bukas!" Wika ko na ikinaangat nila ng tingin. "A-ano?"

"Talaga!! Uuwi na sila bunso!?." Masiglang Tanong ni Eunine that I just nooded..

"Oo tsk!" Sagot ko bago sila lagpasan.

"Baby.."

"Hmm..." Napatingin sa'kin si Monice bago ako yakapin.. "Pwede magbar?" Tanong ko na ikinatawa nya..

"Hmm." Tumango lang sya bago ako halikan. "I love you! Walang babae ah! Uupakan kita!" Natawa ako ng mahina bago tumango.

"I love you too!" Hinalikan ko sya sa noo bago ako umalis.

Vince Xian Hayes's POV

"Ate!!" Maktol ko ng ipa pirma nito sa'kin ang mga papeles para kaagad ng maipasa sa'kin ang trono ng Palacio Del Fiero..

"Wala kang magagawa dun, si lolo na ang nag 'talaga!" Masungit na ani nito na ikinairap ko.

"Porket ako ang Bunso?--- shut up kung ayaw mong putulan kita ng dila!!" Bulyaw nito sa'kin na ikina 'tsk' ko bago padabog na kinuha ang ballpen at pinirmahan ang mga papeles.

Palacio Del Fiero? Tsk! Sa pilipinas makikita, Isla Del Fiero?

Napailing na lang ako bago inabot sa kanya ang may pirma ng papeles.

"Tsk! Tara na wifey!" Hinila ko si Ash paalis don bago magtungo sa kwarto namin.

"Eh? Galit yarn?" Tanong nya na ikinatawa ko ng mahina bago pitikin ang ilong nya.

"Magayos ka na ng mga gamit mo!" Utos ko, Tinanguhan nya lang ako bago ilabas ang mga maleta nya.

"Nga pala, Saan banda yung Isla Del Fiero?" Biglang tanong nya.

"Hindi ko nga din alam e, ikaw alam mo ba?" Tintigan ako nito ng matalim, Umayos ako ng upo bago magpeace sign. Ang hirap pa man din nyang suyuin.

"Joke lang naman wifey e!" Yinakap ko ito patalikod pero hinawi nya lang ang kamay ko.

"Tse! Bahala ka nga sa buhay mo!"

"Wifey!!!" Yumakap lang ako sa kanya na ikinairap nya. "Sorry na nga e. Wifey ko!" Parang batang maktol ko na Ikinataas ng kilay nya.

"Magayos ka na nga lang doon!" Utos nya na ikinanguso ko bago maupo at ayusin ang mga gamit ko.

"Kasama ba natin si Acxel?" Tanong ko na ikinatingin nya sa akin bago tumango.

"Oo, sabi nya e. Gusto nya daw, para matuto na daw syang magsalita ng tagalog. Nakakaintindi palang sya e!" Natawa ako ng mahina bago magpatuloy.

"Mae!! Vince!! Kakain na!!" Sigaw ni Zylia mula sa labas. "Sige! Pababa na!" Sigaw ni Ash bago tumayo. Matapos naming kumain ay nagpatuloy lang kami sa pagaayos ng mga gamit namin.

The Worst Section and Me [UNEDITED]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum