Nagising ang dalaga na pumipintig ang ulo at pagod ang mga mata.

Puta. Ba't nanaman ba ako nagpuyat?!

Alam niyang kahit ilang beses niyang sabihin sa sarili na huwag magpuyat, gagawin at gagawin pa rin niya ito. Sa buong magdamag ng hatinggabi, umiikot ang mundo niya sa tatlong bagay:

Magbasa. Sumulat. at Umiyak.

Apat pala.



Umalala. Umalala sa lahat ng nakalimot sa kanya.

Tumayo na ito sa kama at pumunta ng kusina. Kapansin-pansin ang mga kalat niya mula kagabi: mga naluhaang sulat, librong paulit-ulit nang nabasa, pati ang bolpen at papel na tanging pinagsasabihan niya ng nararamdaman.

Gusto ko ng kape.

Sa pagbukas ng kabinet, mga garapon lang na puno ng hangin ang sumalubong sa kanya. At asukal. Walang kape.

Hinalukay niya pa ang kabinet upang makahanap ng kahit anong laman tyan.

Ayun! May isa pang sachet ng 3-in-1. Tsaka konting oatmeal? Ano kayang lasa ng kapeng oatmeal?

Naglalaro na sa utak ng dalaga ang mga posibleng lasa at ang pakialam niya.

Bahala na. Basta may makain.

Mag-iinit pa lang siya ng tubig ng mapansin niyang walang tubig. Mga galon lang na walang laman. Badtrip naman oh! Naisip niyang pwede na rin siguro ang tubig gripo. Wala na siyang pake kung lasang kalawang pa ito.

Pero nang isasalang na niya ang kanyang lumang takure sa kalan, takte, wala ng gas! Anong kasunod, kuryente? Tae naman oh.



Huminga siya ng malalim at sa pagbubuhos niya ng inis, kasabay ding tumulo ang mga luhang akala niya naubos na kagabi. Pumunta muna siyang banyo upang maghilamos at mapigil na rin ang luha. Ngunit, sa pag-angat niya mula sa lababo, sumalubong sa kanya ang isang babaeng mugto ang mata, malaki ang eyebags, magulo ang buhok, namumutla, at may muta-muta pa.

Doon niya napagtanto na habangbuhay na siyang magiging ganito.

Walang nag-aalaga. Malungkot....at miserable.
  • Hermit Ville
  • JoinedApril 7, 2012



Last Message
NerdyGeek1423 NerdyGeek1423 Sep 18, 2014 11:34PM
@hanna443 haha. Nice meeting you! It was nice to know that someone would read that novel description of myself. Great to know that we are at the same circle. Hahaha.
View all Conversations

9 Reading Lists