Dahil sa mapait na nakaraan kaya naging isang ganap na abogado si Ava Dizon. Ito ang susi para sa matagal niya nang minimithi. Ang makuha ang hustisya sa pagkamatay ng Papa niya labing-apat na taon na ang nakakaraan. Ngunit dahil sa hindi inaasahang pagkakataon ay magtatagpo ang landas nila ni Axl Li para bigyan siya ng magandang alok na tiyak niyang hindi palalampasin nang katulad ni Ava. Paano maisasakatuparan ng isang abogado ang kagustuhan nitong maghiganti kung may bagay na siyang pumipigil sa kanya na gawin iyon? Si Axl Li pala ay anak ng pamilyang involve sa kaso ng Papa ng dalaga. Ang tulad ba ni Axl Li ang makakapagpabago sa isip niya o siyang tutulak din sa kanya sa buhay na hindi maganda? "I am a top surgeon in this country. Saan ka man pumunta sa akin ka pa rin nila irerekomenda. Accept my offer and you'll live longer." - Axl Blaze Li