Kabanata 3

84 2 0
                                    

    NAGING madilim ang buhay para sa akin nang nawala si Mama. Akala ko hanggang doon na lang iyon pero hindi pala. Naulit iyong tila bangungot para sa akin nang nawala si Papa. Mas masakit. Mas malalim ang hiwa na iniwan sa aking puso dahil alam kong hindi pa niya gustong umalis sa mundo dahil maiiwan niya ako. Biglaan ang pangyayari at hindi ako makapaniwala na dahil sa sobrang bigat ng akusasyon sa kanya inatake na lang siya at nawala na.
 

  Hindi ko nakuhang magpaalam. Ni hindi namin nakuhang makapag-usap kahit saglit. Ni hindi ko narinig sa kanya ang totoong dahilan kung bakit siya pinagbibintangan. Papa ko siya. Naniniwala akong hindi iyon magagawa ng Papa ko.
 

  "W-wala na si P-papa..." gumaralgal ang boses ko at hindi ko na napigilan nang yakapin ako ni Tita Mayet. Iyong kapatid ni Mama.
 

  Lumuwas siya pa Maynila para puntahan ako dahil ako na lang mag-isa ngayon sa buhay. Umiyak si Tita Mayet habang hinahagod ang aking likod. Huling lamay na ni Papa nang dumating siya. Dumating din ang ibang kapatid ni Papa. Hindi man kumpleto pero okay lang ang mahalaga sinubukan na ng iba na pumunta.
 

 

  Bumuhos ang ulan kasabay nang luhang aking nararamdaman. Hindi maawat ang hinagpis at muling naalala ang nakaaran. Parehong-pareho. Ganito kasakit nang nilibing si Mama. Nauulit ulit. Nararanasan ko ulit. Makirot sa dibddib. Hanggang sa umuwi na kami sa amin. Nagsi-uwian na rin ang ibang bisita maging ang mga kapatid ni Papa ay nagpaalam na.
 

  Naiwan si Tita Mayet at uuwi sa susunod na araw pa.
 

  "Kumain ka muna, Ava," yaya niya nang makita akong lumabas sa aking kwarto.
 

  Ngumiti lang ako bilang pagbati at dumiretso na lang sa lababo. Alam kong magang-maga ang mata ko. Iniiyaka ko pa rin ang pagkawala ni Papa at kung ako lang. Ayoko nang bumangon. Gusto ko na lang magkulong.
 

  Hindi na ko makapasok sa school dahil sa sitwasyon. Pakiramdam ko walang saysay ang lahat dahil wala namang magiging proud sa akin kahit na makatapos ako ng pag-aaral. Wala nang magchi-cheer sa akin.
 

  "S-salamat po," sabi ko kay Tita nang umupo na para kumain.
 

  "Papasok ka na ba bukas?" tanong niya nang magsimula na itong sumubo. Sinubukan kong kumain pero tila may bikig sa aking lalamunan. Nahihirapan akong lunukin ang pagkain. Nanunubig agad ang aking mata nang sumagi sa isip ko iyong ala-ala namin ni Papa.
 

  Natahimik si Tita Mayet dahil nakita niyang nagpapahid na naman ako ng luha. Lumunok ako ng mariin.
 

  "S-siguro p-po." Pumiyok ako at muling bumuhos ang luha.
 

  Napatayo na ako at naghilamos. Naawa ako sa sarili ko. Wala na akong magulang. Ulila na ko.
 

  Natigil si Tita Mayet sa pagkain para daluhan ako at hagurin ang aking likod.
 

  "Tanggapin na natin, Ava. Wala na siya. Wala na si Papa mo. Huwag ka mag-alala kasi alam ko na pinapanuod ka niya. Gagabayan ka niya. Hindi mo man siya makita pero nariyan lang ang Papa mo, Ava. Tahan na. Tutulungan kita na makatapos nang pag-aaral... Hmn?" alo niya sa akin sabay abot ng puting towel.
 

  Huminga ako nang malalim at parang bata na nagpupunas nang aking luha.
 

  "Nag-usap na kami ni Tito Rodrigo mo, pumayag siya na suportahan namin ang pag-aaral mo. Sisikapin naming mapatapos ka, Ava."
 

  Binagsak ko ang mga mata sa sahig. Ang bigat-bigat ng aking pakiramdam. Niyaya ako ni Tita Mayet na sumama ako sa kanila pero hindi ako pumayag. Hindi ko maiwan ang bahay na kahit man maliit ay marami kaming memories dito. Kasama si Mama at Papa ko. Kahit masakit ayaw kong iwan dahil lang nasasaktan ako. Marami pa rin akong magandang ala-ala na masarap gunitain sa mga magulang ko.
 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 29, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Attorney's RevengeWhere stories live. Discover now