Bata palang, malambot na ako. Bata palang, mapilantik na mga daliri ko. Napapansin na iyon ng mga magulang ko. Hanggang sa lumaki, ganito na talaga ako. Pusong babae. Iyong pagka Eva ko napunta sa katawan ni Adan. Pero 'di ako tulad ng ibang sirena sa kanto na ang kakapal ng kolorete sa mukha. Ako yung "POGAY" kung tawagin. Lalaki pa rin ang dating. Lalaki pa rin kung manamit. Babae nga lang sa puso't diwa. Iyong kagandahang lalaki ko nakakabighani ng mga kababaihan at ng mga kabaklaan. Pero kapag sila'y lumapit sa'kin, alam nyo ba sinasabi ko? "DI TAYO TALO BABAE RIN AKO" Sila--naghihinayang, laylay balikat, nganga. Pero may isang babae ako'ng nakilala na hindi magpapatalo sa kakulitan ni Sponge Bob. Siya 'yong katulong namin sa bahay na kung saang lupalop ng universe nakuha ng mahal ko'ng mga magulang. Lapit ng lapit. Kapit ng kapit. Dinaig pa ang isang babaeng bayaran kung ako'y harutin. For Pete's sake hindi ko papatulan 'yan. Kahit na ipag-balandrahan pa nito ang katawan niya sa akin. 'Di ba't nasabi ko naman! "BABAE RIN AKO" NA TRAP LANG 'YONG KALULUWA KO SA KATAWAN NI ADAN" "DI KAMI TALO"