CHAPTER 3

2.8K 37 0
                                    

CHAPTER 3

Gabby's POV

"Pagbalik ko mamaya kailangan malinis na ang buong bahay, mula first floor hanggang sa second floor! kuha mo!" tumango na lang ako sa kanya bilang sagot.

Hanep na taong yan' umagang-umaga paglilinis na agad ng buong bahay ang iniutos sa akin!..... Mula pagkagising, iyan na agad ang sumalubong sa akin mula sa bibig nya. Dapat daw na malinis ang buong bahay, na kesyo ayaw na ayaw daw niya na may makikitang ni kaunting alikabok sa sahig at sa mga display dito sa bahay.

Hindi naman sa pagrereklamo kaya ko namang gumawa ng mga gawaing bahay. Sanay ata ito. Hindi ako pinalaki ng magulang ko na umasa lamang sa iba noh!

Yun nga lang ang lawak-lawak kaya ng bahay nila!.... Huhuhuhu... (T_T)

"O, siya, dyan ka na! May naghihintay pa'ng trabaho sa akin sa restaurant"

"At isa pa magpalit ka nga ng damit mo, hindi naman siguro ganyan ang suot mo habang maglilinis ng bahay, ano?! Kaimbyerna!" pahabol niyang sabi habang nasa pintuan ng bahay. Palabas na kasi siya.

Napatingin naman ako sa suot ko na white fitted sando at maong na short-shorts. Ano namang nakakaimbyerna dito? Eh ang sexy ko nga. Ayaw niya ba nun?!... Ang swerte nga niya eh! may kasama siyang maalindog na babae sa loob ng isang napakalawak na bahay na ito. Buwahahahah..

Janus' POV

"Aalis ka na? It's early pa ah! para mag-out" my cousin slash co-owner na si Agatha Louise Guerero.

"Babalik na lang ako mamaya. May bar pa naman tayong business eh!" sagot ko sa kanya.

Uuwi muna ako nang bahay. Baka namatay na sa pagod ang babaeng bruha, mukhang wala pa namang alam sa mga gawaing bahay.

Sa hitsura pa lang kasi, baka nga ni maghugas ng pinggan hindi kayang gawin, linisin pa kaya ang buong bahay.

Bakit ba naman kumuha pa sila nang ganu'ng kasambahay!?!...

Bakit ko nga ba inutusan ang babaeng yun na mag general cleaning ng bahay? Ayy, ewan! basta kailangan ko siyang mapahirapan. Buwahahahaha....

"Baka naman kasi Agatha may ka eyeball na girlalu!! At last binata na ang pinsan mo'ng si Janus James Guerero, hahahahaha! Pauwiin mo na" that's Claire Margarette Parker na sa kasamaang palad eh, kasosyo din namin sa tinayo naming mga business. Lagi na lang ako nito'ng iniimbyerna.

"Pwede ba'ng pakitikom yang madumi mong bibig. Wala namang magandang salita ang nalabas diyan" ako. Nakakairita talaga ang babaeng yan. Ang sarap ihampas sa pader. Gggrrrrr!!!!...

"Ang pikunin mo talaga" natatawa niyang sabi

Sinamaan ko lamang siya ng tingin.

"That's enough. Para kayong mga aso't pusa. Dapat talaga sa inyong dalawa hindi pinaglalapit eh!" pumagitna sa aming dalawa ni Claire si Agatha.

HIS SEXY MAIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon