CHAPTER 1

8.1K 60 0
                                    

CHAPTER 1

"Janus, anak bukas na nga pala darating ang bago nating makakasama dito sa bahay" si mommy, ang ganda pa rin ng face niya, batang-bata'ng tingnan kahit may edad na.

"Pakabait ka dun ha!" ang napakakisig ko namang ama na may nakakalokong ngiti sa labi.

"Tingin mo saken dad--mahadera? ang bait ko kaya!" tinaasan ko ito ng kilay at inirapan.

"Tingnan natin" nag kibit-balikat ito matapos ay nakipag apir kay mommy tsaka nagbungis-ngisan na akala mo mga teenager sa mga inaasta nila.

"YUCK" masuka-suka kong sabi. "DAD! MOM! dun nga kayo sa kwarto nyo huwag naman dito. Nakakadiri" magharutan ba naman. Nasa harapan pa man din kami ng pagkain.

"Good suggestion anak" sabi saken ni dad na naka thumbs up pa. "Tara honey, gawa tayo ng panibagong baby, it's early pa naman. Kaya pa ng time ko at kaya pa din naman ng katawan ko" para ata'ng gustong umahon ng mga kinain ko mula sa sikmura ko dahil sa inaasta ng dalawang matandang hukluban na ito.

"Akala mo naman makakabuo pa" pabulong kong sabi.

"May sinasabi ka ba dyan anak?" tanong ng ama ko sakin na patuloy na nakikipag-harutan kay mommy.

"Ang sabi ko ho! doon n'yo na lang yan' ituloy sa kwarto n'yo, kasi ho! baka langgamin pa ako sa ka sweet-an ninyong dalawa"

Buti na lang din wala dito yung kapatid ko tsaka yung asawa nya. Tulad din kasi nila ang dalawang matandang 'to--hayok sa kalandian.

"Maghanap ka na rin kasi" biglang sabi ni mommy.

"Nang ikaw naman ay may makaharutan din. Gusto ko ay babae, ng mabigyan mo naman kami ng mommy mo ng inaasam naming na apo na galing sa'yo" heto na naman po ang ama ko.

"Dad naman mandiri ka naman kayo sa sinasabi nyo, parang di' ata kakayanin ng sikmura ko na pumatol sa isang babae. Magpapakatandang dalaga na lang ako--at isa pa, anong tawag niyo sa anak ni ate? 'apo' 'di ba?" kaloka talaga.

"FINE" sabay na sabi nila na mahihimigan mo sa boses na may bakas ng pagtatampo.

"Sana ma-attract siya dun, magandang bata naman at mukhang matalino pa" dinig kong sabi ng mga ito.

Sino naman kayang pinag-uusapan nila at sinong namang maa-attract?




****

"Sino naman kaya yun? Grabe kung makapag-doorbell, sunod-sunod!" ako na busy sa paglantak ng pagkain.

"Baka siya na yun!" si dad. Ang hyper naman 'ata niya.

"Baka nga!.... O siya sige ako na lang ang titingin dun. Kumain na lang kayo dyan!" si mommy. Ang hyper at ang saya din naman 'ata niya like dad.

Napadako naman ang tingin sa akin ni dad na may nakakalokong ngiti.

"WHAT!!!!"

"OHH!!!! Hehe.. Nothing" sabay iling nya. "Ituloy mo na lang yang pagkain mo nang mabusog ka!"

"Dad your creepy . Nakakakilabot ka. Yung mga tingin mo parang may masamang binabalak!"

"Wala lang 'to!. Oh!! andyan na pala sya eh!" sambit ni dad. May tinuturo siya gamit ang kanyang nguso.

Ano naman kaya yun?

"Andito na ang bago nating makakasama sa bahay" boses ni mommy sa may bandang likuran ko.

When i turn around. My eyes wide open. WHAT THE HELL!!!!! Saang impyerno nila nakuha ang babaeng yan? Katulong, Maid, Muchacha, Kasambahay ba ang maitatawag mo sa itsurang yan!?.

HIS SEXY MAIDWhere stories live. Discover now