71. [ Epilogue 2 ]

363 22 9
                                    

——

Yedam's POV 

"Hoy baby? galit ka ba? May nagawa ba akong mali? Tell me promise I'll fix it." Sabi ko sa kanya. Pagkauwi ko palang kase galing school ay ganitong eksena na ang bumungad sa akin. Tipong yayakapin ko palang siya pero siya itong todo atras at iwas sa mga hawak ko, dagdag mo pang mukhang galit siya sakin. May nangyari bang hindi ko alam? 

"Wala." Sagot niya at akmang papasok na sana ako sa loob ng condo nang harangin niya ako.

"Akala ko ba wala? pero ba't ayaw mo ko papasukin? Galit ka talaga Lowee eh. Why? Tell me baby please I'm begging you di ko matiis na ganito ka ka-cold sa'kin." Sa ganitong punto nakakaramdam na ako ng kaba. Sa totoo lang hindi naman kami basta nag aaway nito kaya ngayon natatakot ako. Puta naman sana panaginip lang ito. 

 "Nothing's wrong with you Yedam. It's just that..." Sabi niya na parang nag hehesitate pa siyang sabihin sakin yung rason. Bakit Lowee, ano bang nangyari... 

 "It's just that..?" 

 "I hate too much drama and complications. I hate spotlight and I hate being talked by your fan girls. So please do me a favor, stay out of my life and never come back or ako na mismo ang aalis. Pagod na ako Yedam goodbye." Sabi niya at akmang lalabas na ng pinto pero mas mabilis ang reflex ko sa kanya, hinawakan ko ng mahigpit yung braso niya para pigilan siya at kinulong ko siya sa mga bisig ko mula sa likod. 

"Lowee wag naman ganito oh... lowee prank lang naman ito diba?" Pakiramdam ko hindi ko na mapipigilan pa yung mga luhang kanina pa gustong kumawala sa mga mata ko, pero wala na akong pakialam wag lang sana niya akong iwan kasi di ko kakayanin. Siya na kase naging mundo at buhay ko for almost a year now tapos ganito? Boi bugbugin niyo nalang ako kaysa ganito. Sasagot na sana siya nang may sumigaw sa likod namin ng... 

 "SURPRISE! HAPPY BIRTHDAY"   

"WOAAAAAAAAAAH! ANG GALING UMARTE NI LOWEE PANIWALANG PANIWALA SI LOKO HAHAHAHA TAMO OH UMIYAK PA NGA" 

 PUTANGINA!!!! YUNG BOSES PALANG. Dali dali naman ako umalis sa pagkakayakap ko kay Lowee at humarap sa mga taong nag susurprise at di nga ako nagkamali putangina talaga gusto kong magwala at magsabi ng masasamang words sa mga gago kong tropa. 

"Putangina niyo lahat ang sakit sakit ng prank niyo sa akin! Legit na pinaiyak niyo ako ba't ganito kayo ha? Sa inyo ko kaya gawin ito mga puta kayo mga raulo" Sabi ko habang sila namang lahat ay nagtatawanan lang, mga raulong Operation Love na ito. 

"Gigil na gigil si Yedam oh. Hindi naman totoo iyon kaya tahan na. Sorry from the whole Operation Love team." - Doyoung 

"Yedam niyo naging iyakin nung nakilala si Lowee." - Jihoon 

"Atlis hindi tulad mo na fckboy" - Junkyu 

 "Wag ka na magalit Yedam, asawa mo nagplano lahat ng surprise na ito tsaka take note, siya din nag luto ng mga handa." Sabi ni Haruto na agad ko namang ikinagulat kaya bahagya akong napalingon sa gawi ni Lowee na ngayo'y nakangiti sa akin at agad yumakap sakin sabay subsob ng mukha niya sa dibdib ko. 

 "Baby sorry naaa, wala na kasi akong ibang paraan na maisip kung paano ka bigyan ng isang memorable surprise party ayoko naman na masyadong cliche at tsaka baka malalaman mo agad eh, pero promise po hindi na mauulit peksman." Sabi niya sabay alis ng kamay niyang nakapulupot sa may beywang ko habang pinupunasan niya yung luha ko. 

"Laki ba ng galit mo sa akin para pag higantihan mo ko ng ganyan? joke. Hindi naman ako galit ang sakit lang ng part ko na ganun. Kung hindi ko lang nakalimutan na birthday ko, hindi niyo ko mauuto ng ganto ngayon" 

"Sorry na talaga. I love you. I love you. I love you." Sabi niya sabay pakawala ng sunod-sunod na halik sa akin na nakapagpa-'woah' sa lahat. Peck lang naman iyon pero makapag-woah wagas? 

"Yedam kantahan ka na namin doon ng happy birthday para makakain na tayo, tsaka mamaya na kayo mag harutan kapag wala na kaming lahat okay okay respeto na rin sa mga single sa gedli? dito na muna kayong dalawa sa amin mamaya na yang bebe time niyo." Tumango nalang ako kay Hyunsuk hyung pero bago pa man kami sumunod sa kanila ay binulungan ko na agad si Lowee ng 'I love you more. Thank you.' kasi alam kong hindi ko agad masosolo ito, lalo na't alam kong hihilain ako nila Junkyu mamaya. 

Sa totoo lang akala ko noon habang buhay ng walang kulay ang buhay at mundo ko pero nang dahil sa kanya nagkaroon ng sigla, tamis, buhay, at kulay ang dating matamlay kong mundo, thank you lowee. Kahit mga siraulo tong mga kaibigan ko swerte parin naman ako sa kanila. Pero syempre, pinakaswerte ako sa asawa ko na kung noon ang hilig sa bardagulan, pero ngayon sobrang clingy at sweet na sa akin. 

 __ 

 Bang Lowee is with Bang Yedam 
2 hrs · Public

God really has His own ways and had planned our lives ahead of time and even before we notice it, it had became a great part of us. Like how He had brought me this beautiful man, I let him in into my doors and he just swiftly made my life a good solemn place to be. Happy birthday to the love of my life, to my one and only handsome husband. I am so lucky to have someone so supportive, loving, and someone I truly love spending every day with. I am so blessed to have you in my life. Thank you for being you, baby and I love you so much. I hope you have an amazing day! You deserve the whole world ♥♥♥ 

 I hope you have an amazing day! You deserve the whole world ♥♥♥ 

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

——

a/n; the end.

Sa mga nakaabot dito, happy valentines day at congratulations narin kasi may natapos kang storya na sinulat ko. Pero sa totoo lang kahit hindi halata, pinag isipan ko talaga muna kung anong gagawin ko sa ending na ito at eto yung mas lumamang sa akin. Hindi ko alam kung nagustuhan niyo na ito kaya naman sobra ko maaappreciate kung may matatanggap akong feedback galing sa inyo. Salamat sa mga nagbasa nito o kung mayroon talaga sumusuporta sa akin magsulat. Kitakits sa ibang epistolary ko! 

 Kitakits sa ibang epistolary ko! 

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Closer | Bang YedamWhere stories live. Discover now