57. Confrontation

2.1K 57 8
                                    

A/N   Dahil sobrang nabitin kayo sa previous chapter heto na ang follow up. Sa tingin ko bitin pa rin kayo rito, hehe! Basta basahin niyo nalang! Sobrang daming dapat niyong abangan. Join the comment party, vote and share na po! Thank you! Nakakatuwa kayo last chapter, ang kulit ninyo, hehe!

 

Ano nga ba ang kaibahan ng mga social accounts ko? Heto po sa ibaba…

Social Media Spontaneous Lady -- Get to know me! Magkulitan tayo!

twitter: @lady_25me

facebook: https://www.facebook.com/jayson.aldama.5

booklat: http://www.booklat.com.ph/profile/14488

instagram: spontaneous_aldama

twitter-pipilitin kong lahat ng writing and story life ko ay dito i-tweet para sa inyo

facebook- more personal post po dyan pero pinaka-active ako, makikilala niyo ako dyan ng bongga! may writing post din naman ako dyan at madalas din kaya. Feel free to comment and message me po!

booklat- expansion ng aking writing life!

instagram- lahat ng pictures ng special moments ko at ang mga kaharutan ko ay dito niyo matatagpuan

 

CHAPTER 57: THE CONFRONTATION

 

MILLETE (POV)

Matapos ang drama scenes ko dito sa office ay kinalma ko na ang aking sarili. It is given na sa lahat ng gagawin ko dito sa Brixian ay lagi kong maaalala si Brix. Thanks to Brian for exerting efforts para mapagaan ang lahat. Thanks to him dahil yung tamang way to moving on ang tinuturo niya sa akin. Tamang way para mai-handle ko ang pagka-miss at pangungulila ko sa asawa ko.

I tried dialing Lily’s phone pero hindi ko siya sumasagot sa tawag ko. Nag-aalala na nga ako kay nanay sa bahay, nagpapadagdag pa siya. Ewan ko ba pero biglang mas nag-alala ako para sa kapatid ko. Weird din ang pakiramdam. Tapos biglang sumasagi sa isipan ko si Brix.

Lumapit sa akin si Brian. Ewan ko ba pero nakabantay talaga siya rito. Ako na nga pala ang pansamantalang pumalit sa posisyon ni Brix dito sa company habang hindi sila nakakapili ng tamang tao na papalit sa kanya. Hindi lang dahil asawa niya ako pero deserving rin naman daw ako. I’m very grateful naman sa naging desisyon nila daddy na boss ko pa rin dito. Kasalukuyang nasa US si dad para asikasuhin ang mga dapat gawin doon ni Brix. Ito namang si Brian ay ayaw paring mag-take over sa responsibilidad niya sa kumpanya nila. Pasway talaga. Gusto yata ay maging bodyguard ko nalang.

“Millete, mukhang nag-aalala ka na naman. Sino ba ang tinatawagan mo?” napansin niya siguro na hindi ako mapakali kaya niya iyon naitanong.

“Si Lily, kukumustahin ko sana ang biyahe nila pa-probinsya ng boyfriend niya. Itatanong ko na rin kung agad din silang makakabalik. Alam mo naman, walang kasama si nanay sa bahay. Kaya heto...”

Hindi ko maiwasang mabigla sa ikinilos niya. Walang pasabi niyang nilagay ang kanang hintuturo niya sa mga labi ko. “Pssshhhh”, hudyat pa na pinapatigil niya ako sa sasabihin ko. Napako ko nalang ang mga mata ko sa kanya. Brix na Brix talaga itong si Brian. Kambal kasi sila at alam ko iyon. Hindi ko lang alam kung bakit may kakaiba na ngayon. Hindi ko rin maintindihan.

TWO FOR THE PRICE OF ONE (DOUBLE THE PLEASURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon