Mahal ko na Siya 2♥

60 6 2
                                    

---

"Ano ba kasing nangyayari sayo Anne?! magtino ka nmn.. wag puro si jacob ang isipin mo! lagot ka na nmn sa parents mo pag bumaba ang grades mo eh! hayy Anne... ts pag-ibig nga nmn." Don't get me wrong, wala si Angel dito. Kinakausap ko sarili ko, haha. Andito ako ngayon sa Cafeteria..mag-isang nakaupo sa dulo. Mas pinili kong umupo dito para iwas sa tao, magre-recess na kasi yung ibang levels. Umorder na din ako ng pagkain, anytime by now, ise-serve na yun.

.

.

.

.

"...antagal naman ng pagkain ko. Tsk. " Kung kelan pa nmn ganito yung sitwasyon tsaka nmn sumabay yung pagkain ko -.- ... yumuko na lng ako kesa ipakita sa mga tao yung muka kong napapangiwi na sa gutom.

Napatigil ako sa pagmumuni-muni ng may tumapat na katawan sa table kung san ako nakapwesto ngayon.. hmmm mukang ito na yung pakain ko ah :D... Dahan-dahan kong inangat yung ulo ko para tignan kung yun na nga, hehehe eksayted nako!... napatigil ako sa iniisip ko ng matanto ko kung sino yung nagserve. "J..j-jacob?!"

"Hi. Anne, right?" dahan-dahan ko syang tinanguan na parang asong ulol. Hindi ko alam ang nangyayari, naguguluhan ako. What's happenin' in this country?! Omaygulay!!

"T-teka lang..bakit ikaw yung nagserve ng pagkain k-ko? Dito ka na ba nagtatrabaho? Waiter ka na ba dito? Kung ganun... araw-araw na pala akong pupunta di-- ay wag mo na intindihin yung huling sinabi ko hehe." nakakahiya! nakakahiya yung inaasal ko ngayon, arggh! bakit ngayon pa?! Nahalata nya siguro yung pagka-ewan ko kaya napatawa na lng sya na napailing.

"No. I insist it...and.. I just want to clear something to you." O.. em.. gii!! anu daw!? Anu daw!? Gsto nya akong maka-usap! yiee!!.. inayos ko muna yung sarili ko bago ko sya pinaupo. Syempre nmn noh, para mapansin na nya ako. Baka chance na din ito eh ^_^

"So.. ano yung pag-uusapan natin?" ako na yung unang pumutol sa katahimikan na bumabalot....naks. Ewan ko pero, parang nakaramdam ako ng kakaibang kaba. Sana nmn.... mali yung sinisigaw ng isip ko.

"I'm sorry." halos mahulog na ako sa kinauupuan ko ng marinig ko ang mga salitang yun. "W-what do you mean by that J-jacob?" kinakabahang bungad ko sa kanya..

"Alam ko lahat Anne. Simula pa lng nung una. Yung maging tulay ka nmin.. halata naman eh. Alam kong may....gusto ka sakin. At sorry kung... kung... hindi ko maibibigay yun kapalit ng nararamdaman mo. Sorry, kung hindi kita masasalo. Sorry, kung nasaktan man kita at kung masasaktan man kita ngayon...I'm sorry Anne I'm very very.....sorry." hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Natameme na lng ako habang nagsasalita sya sa harap ko. Ewan ko, parang nawalan ako ng isang parte sa loob ko. Nasasaktan ako, oo. Hindi ko na ngang magawang umiyak, kasi ayokong magmukang mahina sa harap niya.. maswerte ako at ngayon ko lang siya nakausap at natitigan ng matagal. Ang swerte ko at nakakausap ko siya, ngayon... ngayong may nararamdaman ako para sa kanya. At lalong gumuho ang mundo ko ng banggitin nya ang huling mga salitang nagpatayo sakin sa pagkakaupo...

"Mahal ko na siya eh... sana alam mo."

Napangiti na lng ako ng mapait sa kanya.. "O-oo, alam ko nmn eh *sniff* s-si Elyse n-naman t-talaga eh, diba? *sniff* haha pasensya ka na ha? napuwing lang ako eh haha... sge ha, aalis nako.. b-baka makita pa tayo ni Elyse at kung ano pang isipin nya sa'tin. S-sige ha." matapos kong sabhin yun, handa na sana akong umalis ng may maalala ako. "Ahmm Jacob....I just you to know that.....mahal kita." I smiled bitterly. And with that, I left the place, with tears rolling down my cheeks.

---

Jacobs POV

Hindi ko alam kung ano yung nagawa ko. Hindi ko malaman kung ano bang mararamdaman ko. Mali. Mali yung iniisip, nakikita at sinasabi niya. Hindi naging kami ni Elyse...at hinding-hindi magiging kami. Yung pagiging tulay niya? Ginawa ko lang yung para mapalapit sa kanya. Yung nakikita niyang lambingan namin ni Elyse? Fake ang lahat ng iyon. Magkaibigan lang kami ni Elyse. Ginagawa lang namin ang mga bagay na yun kapag malapit at nandyan si Anne para masabi niyang hindi nasayang ang effort niyang pagiging tulay.

Ito na sana ang pagkakataon para masabi at maamin ko na sa kanya kaso eto.... napaiyak ko na naman siya. Nasasaktan ako 'pag nakikita siyang umiiyak. Oo, lahat ng pag-iyak niya, alam ko. Sinusundan ko siya kapag nakikita ko siyang malungkot. Hindi niya alam ang lahat ng ito. Maski ang kaibigan niyang si Angel, walang kaalam-alam tungkol dito. Tanging si Elyse lang ang nagtiyagang nakinig sa bawat hinanakit at nararamdaman ko. Matagal ko na siyang kilala.. at sa pagkakakilanlan ko na yun, lalo akong nahulog.

Tinignan ko ang ang daan na tinakbuhan ng babaeng nag-iisa lang sa puso ko...

...wala na.

Wala na siya. Wala na ang babaeng lihim kong minamahal. Hindi ko na napigilan ang luhang kumakawala sa mata ko...Napatingin naman ako sa pinto ng cafeteria kung saan.. kakalabas lang niya. Sayang at hindi niya ako pinatapos sa huli kong sasabihin..sayang at hindi niya nadinig...

"...mahal ko na siya..... at ikaw yun.......sana alam mo."

END.

(A/N: Hi guysss!! sana nagustuhan nyo! :) ayos ba? haha. Sa ngayon ito na muna po ang ipopost ko... sa birthday ko na yung STORY. Haha, at kung kelan ang birthday ko?.....basta. hehe. Sge guysss hope you enjoyed my one-shot! ^_____^)

Mahal ko na SIYA..  (One • Shot)Where stories live. Discover now