Chapter 18: Welcome back

1.7K 50 1
                                    

ERINA'S POV

"SURE ka bang uuwi kana? Hindi kapa magaling," aniko kay Khairo, nang bumalik kasi sina Sanika ay pina asikaso na niya agad ang pag labas niya kahit kakagising palang niya at hindi pa siya magaling.

"Hmm, I'd be better to stay at home rather than staying at this fucking hospital" aniya at napanguwi lang ako "My house would be more safe, I'm not safe here, either" dagdag niya at napa kunot naman ako ng noo.

"Ee? Hospital naman 'to ah, mas matitingnan ka ng mga nurse at doctor" sabi ko at napatingin lang siya sakin. Nahampas lang ang ulo naging baliw na lalo.

"Mas gugustuhin kong sa bahay mag pagaling att ikaw ang mag aalaga sakin, mas gagaling ako agad" naka ngising aniya, at napangiwi naman ako.

"Kumain kana nga," asik ko saka siya sinubuan, maya maya lang ay dumating rin sina Sanika para sabihing pwede na si Khairo umuwi.

"Masakit ba boss?" Natatawang tanong ni Liam ng makasakay kami sa kotse, nasa tabi siya ng driver's sit.

"Let me smashed you, then. Nang malaman mo," seryosong ani Khairo, wala sa mood para makipag biruan kay Liam. Napa iling nalang ako at inalalayan si Khairo.

"Miss Erina, babalik kana ba sa mansion?" Tanong ni Gray at nginitian ko naman siya.

"Hmm.." tangong aniko at napangiti naman siya.

"Great! We should gave her a welcome party" ani Liam at natawa lang ako.

"And a party for Khairo, for being smashed by-"

"Do you really wanna die, huh?" May pag babanta sa tinig ni Khairo habang matalim na nakatingin kay Gray.

"Just kidding," aniya at tinuon ang paningin sa daan.

Nasa driver sit ay si Jacob katabi si Liam, at sa likod nila ay si Maxwell, Gray at Sanika. Kami lang ni Khairo ang narito sa likod, kaya yung mga kamay niya ay kung saan saan naglalakbay sa katawan ko.

"Khai..." Suway ko ss kaniya ng mapunta sa hita ko ang kamay niya, tiningnan ko siya ng masama ngunit ngumisi lang siya.

"What?" Nakangising tanong niya kaya pinanliitan ko siya ng mga mata.

"Tumigil ka," mariing bulong ko ngunit ngisi lang itinugon niya, bigla akong nangilabot ng maramdaman ko ang mainit na hininga niya sa tenga ko. Napasinghap ako ng maramdaman ko ang kamay niya sa puson ko. "Pag 'di ka talaga tumigil," pagbabanta ko,

"What?" Malumanay na tanong niya, para akong nakukuryente sa paraan ng pagsasalita niya. Nangingilabot ang boong katawan ko.

"Babalik ako sa bahay" Aniko at ngumisi lang siya.

"Our house?"

"No," tinulak ko siya ng mahina pero muli siyang yumakap sakin.

"Later, then" bulong niya saka ako hinalikan sa pisnge.

"Tss," singhal ko saka siya inirapan.

NANG makarating kami sa bahay ni Khairo ay agad siyang inasikaso ni Liam, wala si Calandra para gawin 'yun kung kaya ay si Liam ang gumawa. Nilinis niya at pinalitan ng benda ang ulo ni Khairo, matapos ay nag handa sila kesyo mag cecelebrate daw sa pagbabalik ko.

Sold to a Mafia BossWhere stories live. Discover now