Chapter 37: Strange Gift

1K 30 2
                                    

Erina's Pov

KINAUMAGAHAN ay sabay sabay kaming kumain ng agahan, saglit na nakalimutan namin ang nangyari kagabe. Napuno ng katatawa ang hapag kainin tulad ng nakasanayan, dahil kay Maxwell at Liam.

"May gagawin ba kayong lahat ngayun?" Tanong ko habang abala sa kinakain.

"May surgery ako mamaya, and I'm preparing for launching for my new designs. Kelangan kong i-check ang mga models ng clothes ko," agad na sagot ni Calandra. Bukod sa oag doctor ay may sarili siyang business, 'yun ay ang pagiging designer.

"Me too," ani naman ni Liam habang nakataas pa ang isang kamay,

"May appointment ako mamaya para sa mga antique toys, for launching. At may e-memeet rin akong buyer mamaya." ani naman ni Gray habang ang bibig ay puno ng pagkain. Bukod kay Jacob at Maxwell ay siya ng nag aasikaso sa mga lounching ng mga laruan at bukod roon ay may sarili siyang business. At 'yun ay ang pagbebenta ng mga sasakyan.

"At kasama ako roon," dagdag naman ni Lara kaya napatango ako.

Dahil rin sa ka adikan sa racing ni Lara ay nag trabaho siya sa kompanya ni Gray bilang seller ng mga sasakyan, and she's good when it comes to that thing. Masiyado siyang maraming alam pag dating sa sasakyan at makina, at sa pagkakaalam ko at sa narinig ko kay Maxwell ay grumaduate si Lara sa Mechanical engineering matapos pumasok sa military na siyang inilihim ni Lara kay Maxwell. Sa sobrang kakulitan nito ay nagawa nitong pumasok sa military ng hindi nag papaalam sa kapatid. At nitong nakaraang buwan lang ay pumasa siya sa Mechanical engineering.

"Ha! Tss" singhal ni Maxwell, halatang hindi makapaniwala sa kapatid.

"Marami akong naiwang trabaho sa opisina, hehe" sagot naman ni Lillianne,

"Do I have an appointments today?" Agad na tanong ni Khairo kay Lillianne, agad naman nitong kinuha ang ipod.

"Ahmm... May board meeting ka this morning at exactly 9:00 am, after that darating ang mga bagong laruan, like what Gray said ay darating mamaya ang mga i la-launch na mga laruan. At kailangan naroon ka for checking" nakangiting sabi ni Lillianne at napabuntong hininga lang ako. "At bukod roon ay may appointment ka kay Mr. Cooper mamayang gabi 7:00 pm" dagdag niya kaya nilingon ko si Khairo.

"So you're not eating dinner with me tonight?" Nalulungkot kong tanong at hinawakan niya lang ang kamay ko.

"Cancel-"

"No! You can't cancel this appointment, matagal ng nag papa appointment 'tong si Mr. Cooper pero lagi mong kina-cancel" putol ni Lillianne.

"Dahil ayokong kausapin siya," walang ganang sabi ni Khairo.

"Mr. Ferrer, do I have to remind you?" Asik ni Lillianne saka ibinaba ang hawak na kutsara at ipinatong ang kamay sa mesa. "Na isa sa pinaka malaking kalaban natin si Mr. Cooper? Ito nga't siya na ang gustong makipag meeting sa'yo, malay mo ay baka mag offer ng partnership 'yan" nakatingin lang ako kay Lillianne at Khairo, dahil hindi ko alam ang sasabihin. Talagang napaka daldal ni Lillianne.

"Just meet him," siniko ko si Khairo kaya nilingon niya ako.

"But I want to have a dinner with you"

"Tss, don't worry. Kaya kong mag hapunan ng mag isa, or kung gusto mo ay hintayin nalang kita" sabi ko at napailing lang siya.

"No, you can't stay up late."

"Tss"

"Okay, I'll meet him tonight. Pero matulog ka ng maaga, 'wag mo na akong hintayin, baka late na ako umuwi" aniya kaya ngumiti nalang ako.

Sold to a Mafia BossWhere stories live. Discover now