Chapter 73

1.8K 35 5
                                    

REESH’S POV

First day of the two-day Year End exam, I decided to come to school earlier than I was used to. Didiretso sana ako sa classroom to scan some notes pero parang may nagtutulak sa akin para umakyat sa rooftop. Sumalubong sa akin ang may kalakasang ihip ng hangin. I looked up to the sky, medyo makulimlim. I think it will rain. Nagpasya akong maupo na lang muna sa bench malapit sa green house. Conducive place naman ang lugar na ‘to for learning. Napalinga-linga ako sa paligid ko when I heard someone murmuring. Napakaaga ko naman para multuhin, quarter to 7am pa lang, at maliwanag pa sa lugar na ‘to.

Naglakad ako papunta sa direksyon kung saan ko naririnig ang mga bulong. May mga nakakalat na papel sa sahig, parang nilipad mula sa kabilang bahagi ng green house. Yumuko ako at isa isa kong pinulot ang mga  ito. Mga reviewer na ginawa ni best Tin for the exam, may mga highlights pa. Sino naman kaya ang nakaiwan ng mga ‘to dito? Or kung di man ito naiwan, sino naman kaya ang ganitong kaaga ay aakyat dito sa rooftop para magreview?

“Ouch!”                sigaw ko nang mauntog ako kay....           “Best?”

Laking gulat ko nang pagtunghay ko, si Tin ang nakita ko. Hawak hawak din nya ang ulo nya.

“Good morning.”             bati nya sakin with a weak smile. She picked up the last paper on the floor.

“Are these yours?”         tanong ko sa kanya referring to the reviewers.

“Yeah.”                 matipid nyang sagot at kinuha na nya ang mga ito mula sa akin.

Sumunod ako sa kanya. Napapako ang paningin ko sa mga librong nakakalat sa mesang kaharap ng kinauupuan namin ngayon. I looked at her, kahit side profile lang nya ang nakaharap sa akin, nababakas ang pagod sa mukha nya, nanlalalim pa ang mga mata nya.

“Best, are you okay? Nakatulog ka ba?”                 tanong ko sa kanya.

Lumingon sya sa akin. ito yata ang unang beses na nakita ko syang may maiitim na eyebags sa ilalim ng mga mata nya.

“Yeah, 3 or 4 hours, I’m not sure.”            sagot nya sa akin.             “Nagrehearse pa kasi ako kahapon after school until 9pm, I think 10pm na ako nakapagsimula magreview.”

So that explains it kaya puyat na puyat sya. Hindi kasi sanay ang katawan nyang magreview ng ganung oras. Well, si best kasi is the type na pagpatak ng 10pm hindi mo na mapapahawak ng libro. For her ang oras na yun ay oras na para sa pahinga.

Ito ngang ginagawa nyang pagrereview before exam, hindi nya rin nakaugalian. Hindi sya humahawak or kahit sumusulyap man lang sa reviewer hours before exams, kapag pumapasok sya sa school she makes sure that she’s already ready, ayaw nya ng nagkacram.

Hindi ko maiwasang magalala sa kanya. Bakit naman kasi sa iisang week lang gaganapin ang Year End Exams ng MVH at Performance + last Elimination ng KSS4. Sobrang pressured tuloy ang kaibigan ko ngayon.

“You sure you can take the exam? I can talk to the instructors if...”

My Mystery GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon