BFF to BF

2.5K 46 16
                                    

DAVE'S POV

"Ehem." tumikhim na ako, hindi na kasi ako napapansin ng mga kasama ko. Busy silang lahat sa panunuod sa kacheesyhan nina Alex at Hana.

"Ui bugoy, nandyan ka pa pala." Zac.

"Akala ko ba tutulungan nyo ako kay Cara?"

"You don't need help; your family owns this airport. Kayang kaya mong pigilan ang flight nya anytime." Eid.

Tss. Oo pagaari namin ang airport na 'to pero hindi ko naman pwedeng basta basta idelay ang flight ni Cara, masyadong madaming pasahero ang madadamay.

"Dave, less than an hour aalis na ang kapatid ko. What are you planning to do?" Hana.

"Just wait and see."

Dire-diretso na akong pumunta sa departure area. Wala namang pumipigil kahit isang airport police sakin dahil kilala na nila ako.

"Naks. Idol na talaga kita bugoy. Ikaw ang BATAS!" Zac.

Hindi na kami nahirapan na mahanap kung nasaang parte si Cara dahil kasama na namin si Hana.

She was about to stand up and go to the gate.

I dialled my fone and contacted the staff na nag-ooperate ng mga big screens sa loob ng airport.

"Kindly hit the play button now."

"Yes sir." staff.

It's time for a little film viewing.

Unting unting nagdimlight ang paligid kaya napatigil ang mga tao sa airport.

"Anong gimik 'to?" tanong sakin ni Eid.

"Babe, manuod ka na lang." sagot sa kanya ni Reesh na nakatutok na ang mga mata sa screen.

Halos lahat ng tao sa nakatingin na din sa mga big screens maliban na lang kay Cara. What the hell is wrong with her?

The song started playing.

[a/n: Kindly play the video on the side. That's the exact vid playing on the story. Credits to the owner/maker. That vid got me inspired. The song is Bestfriend by Jason Chen.]

It shows the first time I saw her on the playground.

I can't help but laugh at our silliness when we were younger.

Those times na itutulak nya ako para mahulog sa swing pero tutulungan din naman nya akong makatayo pagkatapos ay babatukan ko.

Yung mga pagkakataon na iniimagine ko na girlfriend ko sya, day dreaming.

Mahuhuli kami ng teacher na nagkukulitan, palalabasin kami at padidipahin sa labas ng classroom.

Napapailing na ako sa nakikita ko. Throwback na throwback lang.

Sinilip ko si Cara, natatawa na din kaya sya sa mga nakikita nya?

Pagtingin ko kay Cara, na-disappoint ako. Nakatitig pa din sya sa iPad nya.

Lakas ng trip nito ah. Deadma lahat. Madilim na ang paligid at hindi gumagalaw ang mga tao, hindi pa din nya napapansin.

"Dave, earphones." Hana.

"Earphones?"

"She's wearing her earphones. Alam mo naman yan kapag nakasuot nun sa tenga, wala nang pakialam sa paligid nya."

Crap! Bakit hindi ko naalala yun? Kapag nga pala mag-isa sya, habit nya na ang magsuot ng earphones para hindi nya daw maramdaman that she's alone.

"We shall do something. Mukhang hindi nya napapansin ang mga nangyayari." Tin.

Tama si Tin, I have to do something to get her attention. Pero ano? Paano? Isip Dave, mag-isip ka.

My Mystery GirlWhere stories live. Discover now