Chapter 5: The Extra Income

35.9K 269 3
                                    

Ela’ POV

Nanenermon kase sya. Naririnig ko lang mula sa labas. Medyo nakabukas pa kase ung pinto.

Kesyo ang gulo gulo daw ng classroom. Ang wawild ng mga tao. Etc etc...

Nung dumungaw ako sa salamin nung pinto, napansin nya ko. Sabay sinigawan, "Yess? What are you looking in there?"

Edi nagpaliwanag ako keme keme.

Aba! Edi mukha na syang tigre sa galit. "Sa lahat ng ayoko e ung nahuhuli sa klase ko. San kaba nanggaling?"

Halah? Si Mam lahat nalang ayaw. Kanina sabi: AYOKO SA LAHAT YUNG MAGULONG CLASSROOM....

Lahat nalang ba ayaw nya? Ano nalang ang gusto nya?

Eto pang nakakaloka, kahit na may professor sa harap ng klase. Yung mga estudyante nagtatawanan.

"Ano bang nangyari sayo? Narape ka ba at ganyan ang itsura mo ha?"

 

"E mam..." magsasalita palang sana ako nang nagsalita ulit sya.

"Okay Ms.?"

 

"Tamonte po" sagot ko para kaseng hinihintay nya ung surname ko.

"Okay Ms. Tamonte, this would be the last time I will see you coming late or else I will dropped you in my class. Understood?"

 

"Yes Mam. Sorry po." Tapos umupo nako kahit iritableng iritable nako sa itsura ko.

Pinagtitinginan ako ng mga kaklase ko tapos pagbubulungan tapos tatawanan.

Pag kaupo ko sa may bandang harap napansin ko agad tong kanina pa nakatingin sakin.

"Ikaw? Ikaw nanaman?" Sabay kaming napasigaw. Napatigil tuloy sa pagsusulat sa board etong prof namin.

"Mr. Garcia and Ms. Tamonte, out of my class. Ayoko ng attention seeker sa klase ko. Out!"

 

Shemay! Ammalas talaga! Pag nagkakatagpo talaga kami ng landas netong lalaking to minamalas ako.

"Damn! Ikaw nanaman? Sinusundan mo ba ko?" Sabi nya sakin habang hawak sa braso at kinakaladkad papalayo sa classroom namin.

"Teka bitiwan mo nga ako nasasaktan ako. Saka pwede ba? Hindi kita sinusundan." Nilabas ko ung registration card ko para ipakita sakanya ung subject ko.

Nakita kong may inis sa kanyang mukha. "Ahhh! Nakakainis na talaga."

Knowledge Or Lust Fulfiller COMPLETED!!!Where stories live. Discover now