Chapter 20: Suitor

28.1K 218 6
                                    


Thank you for becoming a fan MYYKSS. Highly appreciated! This one is dedicated to you <3






Chapter 20: Suitor

Ela’s POV

Nakakaloka! May abnormality ba talaga ung taong un at ganun nalang mag-isip? Iniwan ko na nga lang sya. Nakakasira ng mood e.

Nagdiretso nalang ako sa cafeteria kung san nandun nanaman ung barkada! Hayy… Ewan ko lang talaga kung hindi kami nagkakasawaan sa mga pagmumukha naming. Lagi lagi nalang kaming nagkikita kita.

Uwian nanamin ngayon. Siguro ayun nanaman. Mukhang may binabalak nanaman tong mga taong to. Hahaha.

Ayy oo nga pala! Hindi ko pa napapaphotocopy ung reviewer namin ni Ryan. Tetext ko nalang muna si Valerie.

To: Valerie

Val, susunod ako sa cafeteria. Wait lang! Papaphotocopy lang ako ng reviewer.

Naglakad lakad nako papuntang Photocopying Shop sa campus. Salamat at medyo konti lang mga nagpapaphotocopy ngayon kaya hindi ako masyadong matatagalan.

Nagpunta ako dun sa lagi kong pinagpapaphotocopy’han. Si Ate Lisa.

“Good afternoon Ate!” Bati ko kay Ate Lisa.

“Good afternoon din Ela!” Bati nya rin naman sakin sabay abot ko nung mga papers na hawak ko at sinimulan na nyang ireproduce.

“Kumusta ka naman na?” Tanong nya sakin habang kinakalikot ung Xerox machine.

Medyo nakaclose ko nadin kase to si Ate Lisa dahil nga sa madalas akong magpaphotocopy sakanya at kung minsa pa’y binibigyan ako ng discount.

“Okay lang naman po. Kayo po?” Baling ko ng tanong sakanya.

“Eto maganda padin! Hahaha.” Sabay tawa naman nya. At napangisi lang ako sa sinabi nya. May pagkabagets din to si Ate Lisa palibhasa wala pang pamilya. Pero andami nyang boylet! Hahaha.

“O eto na ganda!” Sabay abot nya sakin nung mga pinaphotocopy ko.

“Thank you Ate Lisa. Ito na po ung bayad.” Nung iaabot ko na ung bayad sakanya, biglang may humawak at pumigil sa kamay ko. Sabay naman nag-abot ng pera nya.

“Ako na po magbabayad nung pinaphotocopy nya Ate Ganda.” Napatingin ako sa nagsalita. Nagulat ako ng makita ko na sya nanaman ang nakita ko. Bigla nanaman tuloy napalitan ng good vibes ang araw ko. :)))))))))

“O pogi ikaw pala. Magkakilala na pala kayo ni ganda?” Tanong ni Ate Lisa kay Jacob. Magkakilala nadin pala sila. Napatingin lang ako sakanilang dalawa habang nagkakausap. Nagtataka ako na magkakilala din pala sila.

“Opo. Ate Lisa padagdag nadin nitong akin. Sira kasi ung Machine sa office ni Mommy.” Biglang sabi nya at abot naman nung mga papers na hawak nya.

“Ate Lisa una na po ako ha. Inaantay na po kasi ako nung mga kasama ko e. Salamat po.” Pagpapaalam ko kay Ate Lisa. Saka ko naman ibinaling kay Jacob ung atensyon ko. “Ito o!” Sabay abot ko sakanya nung pera na ibinayad nya kanina kay Ate Lisa.

“Para san yan?” Tanong sakin ni Jacob.

“Dun sa binayad mo kanina kay Ate Lisa. Hindi mo naman kasi kailangang bayaran pa, may pambayad naman ako.” Pagpapaliwanag ko.

“Okay lang. Libre ko nalang un sayo. Next time dun kana lang sa office ko magpunta kung may ipapaphotocopy ka para hindi kana gumastos pa.” Paliwanag naman sakin ni Jacob.

Knowledge Or Lust Fulfiller COMPLETED!!!Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin